NOTE: Nonsense lang to. Kaya mo naman i-handle ang aking pag-uugali diba? XD
Medyo tinotopak ako nung araw na to. Paggising na paggising ko, tinext ko kaagad yung kaklase ko kung anong susuotin nya. Tinanong ko siya kung yellow na shirt ba ang susuotin niyang shirt. Intrams na kasi naming nung araw na yun at required kang suotin yung kulay ng team. Red shirt/blouse for Red team, green para sa green team and so on. Nagtaka si classmate. Hanggang sa nagkagulo na kami sa convo ..
At na-realize kong bukas pa pala ang Intrams. Hashtag medyo tanga -_-
Pagkatapos nun, naisipan kong magtimpla ng kape para naman magising ang aking diwa. Nagpakulo na ako ng tubig at lahat.. Nagtaka na lang ako kung bakit naghihiwa ako ng calamansi kaya kesa naman sa masayang yung mga hiniwa kong calamansi, imbes na magkape ako, nag-hot calamansi juice na lang ako. Sayang din yung pinakuluan kong tubig eh.
Pagkatapos kong kumain, naligo na ako.
Kambing talaga ako, pramis. Takot maligo, HAHA XD Ang lamig naman kasi, para pa ngang akong nasa Korea nun, umuusok na kasi bibig ko. Basta may lumalabas na parang smoke sa bibig ko, haha. Nung nagbuhos ako ng tubig, bigla kong naisip, pag ba nag-jacket ako habang naliligo, hindi ako lalamigin?
IT WAS THE MOST STUPID THOUGHT EVER, I KNOW. >.<
At naalala kita, @Wave09 .. Ikaw lang ang nag-iinspire sa aking maligo, well, aside sa baon na inaabot ni Daddy bago ako pumasok, HAHAHA. (Buti anonymous identity ko di masyadong nakakahiya XD) NAHIYA NAMAN PO KASI AKO SA AKING IDOL NA GWAPONG AUTHOR. Salamat sa pag-iinspire sa akin otor. Yun lamang po.
Kras nga pala kita! XDDD