18

53 0 0
                                    

Hindi naman pala nakakatakot maglakad mag-uwi.

Ok, biro lang. Ang totoo niyan, nakakatakot talaga. Lalo na kapag:

        a.       Madilim na

        b.      Walang ilaw sa daanan

        c.       Sa bukid ka nakatira

        d.      Kababasa mo lang ng “Rutonda” ni @Simple_Heart

    e.      Kinakanta mo sa utak mo ‘yung chorus ng “Lando” (‘Wag kang mabahala, may nagbabantay sa dilim. Nag-aabang sa sulok at may hawak na patalim~)

        f.        Babae ka

        g.       May malaking posibilidad na dumaan ang lolo mo, makita kang naglalakad at napipilitan kang umamin na ginastos mo ang pera mo sa bawal na… bawal na adiksyon (Hindi gamot!)

        h.      Wala kang dalang pangdepensa sa iyong sarili

Pero kinaya ko. Pagkababa ko ng jeep, I braved the storm. Echo slang. Walang bagyo nun. Pero takte, ang hirap maglakad kasi:

        a.       Bato-bato ang daanan

        b.      Madlim ang daanan

        c.       Paakyat (Steep sa Ingles) ang daanan

        d.      Backpack ang bag kong dala (Meaning, marami akong dala)

Ang resulta, ang sakit ng ulo ko, ang sikip ng dibdib ko, at ang sakit ng binti ko pag-uwi ko. Pero worth it naman. Masarap kayang maglakad. Besides, wala namang araw kaya choks na rin. Pero ang bigat talaga ng bag ko. Ewan ko ba kung bakit. Ito lang naman ang mga laman eh:

        a.       Libro

                1.       Constitution of the Philippines

                2.       Filipino book

                3.       Republic of Plato (na di ko naman binabasa)

                4.       David Foster Wallace’s “Girl With Curious Hair” (na di ko pa rin binabasa)

                5.       “Ang Paboritong Libro Ni Hudas” ni Bob Ong (na tapos nang basahin pero tinatamad                            ibalik)

        b.      Binder

        c.       Notebook (May binder notebook na, may spring notebook)

        d.      Ballpen

                1.       2 pink Titus ballpen

                2.       1 HBW ballpen na ninakaw sa office

                3.       2 HBW ballpen na walang tinta

                4.       1 Pilot na putol-putol ang tinta

        e.      HIGH HEELS PARA SA LECHENG P.E.!!!!

        f.        Kikay kit kuno

                1.       Pulbo na 1x a week lang gamitin

                2.       Suklay na 1x a month lang gamitin

                3.       Pressed powder na di kayang gamitin

                4.       Tali sa buhok na di kayang gamitin

                5.       Lip shiner na nahihiyang gamitin

                6.       Lip balm na GINAGAMIT NA (YEHEY!!)

        g.       BASURA

       h.      Piso kung saan-saan (Binilang ko bago ako umuwi: tres lang nakita ko. Maglalakad talaga                 ako. Haha)

Alam niyo na itsura ko: Haggardo Versoza FTW!!

Nakakahiya talaga nung naglakad ako. Pinagtitinginan ako ng mga tao dun sa kanto. Huhu. Pagkarating na pagkarating ko dun sa medyo-malapit-sa-kabihasnan area eh nag-jumping jack ako, walang halong biro. Pakiramdam ko kasi eh naka-survive ako ng death march… Challenging kasi lalo na kung:

        a.       Ang tunog na maririnig mo lang ay “kroo kroo” at yung sa ahas. (Hindi yung “hiss hiss.”                      Iba.)

        b.      Ang daming puno at matataas na halaman at pwede kang hatakin ng kung sino L

Pagkatapos kong mag-jumping jacks e may dumaang drayber at inalok akong sumakay sa motor niya. Amazing, ‘di ba? Gusto kong halikan ang lupa. </3 Kaso nakadalawang pasada na siya the whole duration na naglalakad ako kaya di ko maintindihan kung bakit aalukin niya pa akong sumakay gayong ang lapit (medyo) na lang ng bahay. Bakit hindi na lang nung nasa kanto pa ako? O kaya sunduin niya kaya ako mismo sa school? (Joke. Hehehe…)

Alam ko na kung bakit ako nahihilo. Hahanapin ko na muna ang salamin ko.

AthenismsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon