Have you ever tried to step out of the picture and just stare at it? Well, I have and the moment I did..
Nakakapanlumo yung realization na habang lahat sila, dahan-dahang umuusad, eto ako, di makaalis sa kinalalagyan ko. Nagtatanungan na sila kung saan daw sila magko-kolehiyo habang ako, hindi pa makapagdesisyon kung anong kurso talaga ang gusto ko.
I just wish the time would stop.
No.. Hindi naman pala stop. Imposible yan. Gusto ko lang itong mag-slow down. I now understand how Gabriella Montez felt sa HSM 3 ekla but unlike her, instead of having a lot of things going for me ekla chuchu, no, nakatambak yung mga problema. Deadlines, failing grades, examinations, resolutions na hindi ko magawa, mga pangakong hanggang ngayon ay pangako oa rin, mga bagay na hindi ko alam pero pakiramdam ko ay dapat kong alamin at mga bagay na alam ko pero di ko naman maintindihan.
Gusto ko lang maintindihan ang sarili ko.
Pero hindi babagal ang ikot ng mundo para lang makahabol ako. Sino ba naman ako? Eh ni hindi ko nga alam kung alam ng mundong nage-exist ako.
These past few days, I've been sucked into the big black Internet hole. Lol, what a term. Basta yun, naadik ako sa internet at bakit naman hindi?
Sa dummy account ko, I have an inay who misses me, a papang who envies my voice (DAW), kapatid na napakasupportive at kakilalang nagsasabing ang cool ko raw kahit na alam kong baliw at weirdo lang talaga ako. Eh sa real account ko? Insert cricket sound po. Gets? Bahala ka na kung di mo maintindihan.
I don't ask for attention.. or maybe I do. Basta ayoko lang yung naiiwan ako. Sasabihin mo yatang kung gusto kong makahabol eh di tumakbo ako? Kahit gaano pa ako kabilis tumakbo, kung hindi mo rin naman ako hahayaang makahabol sa'yo, ay, sadyang hindi ako makakasabay. Juice ko, EARTH, meet me halfway naman!
Ano raw ang problema ko? Ikaw, ngayong alam mo na ang nilalaman ng utak ko, pwede bang ipaintindi mo sa akin kung anong problema ko?
Sa dummy account ko, nakakapagmura ako ng wagas pero subukan kong magstatus sa RA ko ng ganun? Naku, ang sagwa raw pakinggan. Nakakasusot lang. Ah, isa pa sa kinaiinisan ko. Ano bang pakialam nung iba sa profile picture ko sa FB? Eh di mag-DP ka ng Barney and Friends or Hello Kitty, the hell I care! Palamon mo ba ako? TANGINA. TRIP KO ITO EH. Gasgas man pero TANGINA! CAPSLOCK NA YAN PARA DAMANG-DAMA!!
Bakit ganun... I think I need to see a psychologist or take emotion lessons and learn how to feel more. Hahay.
