Sorry, I can't hold it in anymore.
Nahihirapan na ako. Yung araw-araw na struggle sa pagkain. Lagi akong nagi-guilty pag nabubusog ako, kahit isang serving lang naman kinain ko. Pakiramdam ko, grabe na yung itataba ko. Madalas nila akong marinig na nagsasabing ang taba ko nga. Ewan ko ba kung iniisip nilang nangfi-fish ako ng compliments. Lagi nila akong sinasabihang hindi naman daw ako mataba, pero iba pakiramdam ko eh. Madalas, naiinggit ako dun sa mga may bilbil pero ang galing pa ring magdala ng damit nila kahit fitted pa. Tumatak na sa isip ko yung parating sinasabi ng mama ko.
"High school ka pa, ganyan na waistline mo, samantalang ako na nagkaanak na ganito pa"
"Ang negra-negra mo na"Tapos buti pa mama ko, maputi tapos malaki boobs. Kahit lumaki tiyan niya, hindi masagwa kasi di magpapantay tiyan niya ay boobs. Maputi pa siya kaya pansinin.
Naging habit kong pilitin sarili ko na magsuka after meals. Ewan ko rin kung bakit. Sinabihan na ako ng friends ko na may namatay na raw dahil dun at nakakasira rin ng ngipin yun gawa ng acids na napapasama sa suka, pero wala eh. Nakasanayan na. Lumaki rin akong gumagamit ng mga sabon at lotion na pampaputi kahit di naman talaga ako pumuputi na. Morena naman kasi talaga ako. Dagdagan mo pa ng pangong ilong at malalaking eyebags.
Madalas, iniisip ko, baka kaya hindi ako pansinin (romantically and platonically speaking) kasi ganito ako. O baka kaya hindi ako sineryoso kasi madami namang iba diyang magaganda eh. Hindi ko rin naman pwede sabihing bawing-bawi ako sa personality kasi di hamak namang madaming mas mabait din diyan kesa sa akin, but please believe me when I say I always try to be good and do good.
Trying hard lang akong magsulat, hindi bukod-tangi yung boses ko, taong stick lang ang kaya kong iguhit.
Hindi na ako nag-aaral, hindi ko na rin alam kung makakapag-aral pa ako. Nanliliit tuloy ako lalo sa sarili ko. Pakiramdam ko ang bobo ko, kahit theory of relativity hindi ko pa alam. Hindi ko alam kung mare-regularize ba ako sa trabaho ko. Kailangan ko na umalis dito sa tinitirhan ko.
Hindi ko na alam gagawin ko sa tatay ko. Sabi ng iba, ang blessed ko raw kasi buhay pa tatay ko. Oo, swerte ko naman talaga. Pero hindi basta-basta ganun pakisamahan tatay ko. Between the two of us, ako pa ang parang magulang. Add the fact that he has grown accustomed to using his accident as a crutch to get everyone's sympathy, and I'm fucking sick of it. My dad can do better, but what does he do? He continues to waste the second chance that was given to him.
Ito naman yung Mama kong laging pinapamukhang wala akong karapatang mahirapan kasi wala pa sa kalingkingan ng daliri niya yung naranasan ko. Ma, ano ba. Malapit ko na rin namang maabutan yun diba. Parehas na tayong naglayas, pinagsamantalahan, parehas na may dysfunctional na pamilya, parehas lang tayong iniwan. Salamat kasi natuto akong maging malakas at matatag dahil sa'yo. You've taught me too well that i shouldnt need you, pero pagod na ako.
Hindi ba pwedeng ako naman yung alagaan? Tangina naman. Nakakamiss na maging anak. Yung iba naman, kahit na higit na bente anyos na sila, inaalagaan pa rin sila ng magulang nila. Bakit ako di pwedeng ganun? Ma, kaya ko nang mabuhay ng mag-isa. Marunong na ako. Matagal ka nang nawala. Hqindi pa rin ba ako pwedeng sumandal sayo kahit minsan lang o magpayakap man lang?
Gusto kong bumalik dun sa mga panahong crush lang at mga baby thesis lang problema ko. O kaya yung pag hindi ko napapanuod pag may bagong sineng nagp-premiere sa HBO o Star Movies. Nakakapagod na yung ganito.
Hindi ko na alam kung mag-aaral pa ba ako. Nakapag-ipon na ako para sa walong semesters, pero worth it pa rin ba? Open univ kasi balak ko tapos Entrep at Broadcast comm lang available. Hindi naman practical yang mga yan. Ayoko namang maging call center agent habang buhay.
Also, sa mga insensitive na mga gago diyan puta kala mo ikaw lang may pinagdaanan. Nakakainis na. Tangina. Kaurat.