B

3.3K 87 23
                                    

 Instead of "Mom", she's gonna call me "Point B." Because that way, she knows that no matter what happens, at least she can always find her way to me.  

... I'll always keep an extra supply of chocolate and rain boats nearby, 'cause there is no heartbreak that chocolate can't fix. Okay, there's a few heartbreaks chocolate can't fix. But that's what the rain boots are for, because rain will wash away everything if you let it...

..."Baby," I'll tell her "remember your mama is a worrier but your papa is a warrior and you are the girl with small hands and big eyes who never stops asking for more."

"B" By: Sarah Kay


Thomas X Ara






Ara


"Moira, come here!" Tawag ko sa aking 3 year old daughter na kanina pa nagpapagulong-gulong sa carpet. "Sige, mahihilo ka dyan!" Pananakot ko pero ang magaling kong anak tinawanan lang ako. Nandito kasi ako sa kusina at naghahain.

Sinadya naming walang division ang bawat area ng bahay para kahit nagluluto ako natitingnan-tingnan ko siya.

Habang nagsasandok ako ng kanin ay narinig ko ang pag-iyak ni Moira. Binaba ko agad ang plato at nilapitan siya. "Sinabi ko sayo lumapit ka sakin diba? Kulit kulit mo kasi!" Binuhat ko na siya atsaka bumalik sa kusina para ipagpatuloy ang pag-set ng table.

Binigyan ko siya ng maliit na piraso ng chocolate para tumigil sa pag-iyak. Yun lagi ang bribe ko sakanya, because there's no heartache chocolate can't fix!

"Nanay, tingin ko ikot-ikot!" Pagsusumbong niya.  Tumahan na siya pero sumisinghot-singhot parin. "Eh kasi nag-roll ka dun! Malamang ikot ikot nga ang tingin mo."

Inaayos ko ang mga kubyertos na buhat-buhat parin siya. Kung bakit ba kasi hindi pa gumigising ang tatay nito.

Binuksan ko ang ref para kumuha ng tubig. "Brrrr cold dito, Nanay!" May pag-yakap pa siya sarili niya. Tumawa naman ako.

Tinawag ko yung kasama namin sa bahay na si Ate Nila para bantayan si Moira habang tinatawag ko ang ama niyang tinanghali na ng gising.

Pagbukas ko ng pinto ng kwarto namin ng asawa ko ay bumungad sakin ang mukha niyang mahimbing paring natutulog. Lumapit ako at hinampas ang unan sa puwetan niya. "Hoy Mister Torres, baka may balak kang bumangon?!"

Minulat niya ang isa niyang mata at ngumiti sa akin. "Ito namang misis ko, ang aga-aga napaka-sweet!" Dama ko ang pagiging sarkastiko niya. "Aba'y sino nga namang hindi matutuwa sayo? Ako na nagluluto ako pa nag-aalaga sa kakambal mo!"

Bumangon siya at niyakap ako sa tagiliran. "Sorry, I'm so exhausted with work. Good morning, hon!" Humalik siya sa pisngi ko at pumasok sa bathroom.

Naguilty naman ako bigla. Alam kong pagod at busy talaga siya sa work tapos ganun pa bungad ng umaga sakanya.

Hay anong pa nga ba ang gagawin ko kung hindi ang maglambing.

Sinundan ko siya sa loob habang naghihilamos. Nagpout ako sa salamin na nakita naman niya. "Oh, bakit sad?" Tanong niya tapos nagpunas ng towel.

Tumingin ulit ako sa salamin. "Bakit hindi sa lips?'' Tumawa siya tapos humarap sakin. "Toothbrush muna ko, hon. Later, I'll shower you with my kisses!"

Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon