Pero hindi

2.1K 74 40
                                    

Thomas X Ara



Ara

Naalala mo ba nung aksidente kitang natamaan ng volleyball?

Akala ko susugurin mo 'ko at sisigawan...

...Pero hindi.

"Sorry, sorry kuya! Huhu masakit po ba?" Nilapitan kita at nag-aalalang tiningnan ang iyong mata.

Tinitigan mo ako ng matagal, parang galit ka. Ilang saglit pa ay nginitian mo ako. Tumayo ka at dinampot ang bola. 

"I am fine. Here's your ball, continue practicing. You'll get better." Muli mo akong binigyan ng matamis na ngiti bago ka umalis.



Naalala mo ba nung nahuli mo akong nakatitig sa'yo habang seryoso kang nag-babasa sa library?

Akala ko maiilang ka na sa'kin at iiwas...

...Pero hindi.

Sinukbit mo ang iyong bag at binuhat ang dalawang libro. Siguro ay naweirduhan ka sa'kin. Nanlaki ang mata ko dahil imbis na lumisan ay umupo ka pa sa aking tabi.

"You don't have someone to study with?" mahina mong tanong.

"O-oo." Taranta kong bulong pabalik.

"Me too... Let's just study together? It's better when you have a study buddy, diba?" sagot mo rin ng pabulong.

Napatigil tayong dalawa at nagkatitigan. Ilang sandali ay sabay tayong napahagikgik .

"Bakit ba tayo nagbubulungan?" Tanong ko sa'yo.

"Kasi we're in the library?" sabi mo nang nanliliit ang mga mata.

Tinigil mo na ang pagtawa atsaka nag-offer ng kamay. "Thomas. I am Thomas by the way."

Tinanggap ko naman ang kamay mo atsaka tumigil din sa pagtawa. "Hi Thomas! Ako nga pala si Victonara, pero ang old school so Ara na lang."

Naalala mo ba nung nagsit-in ako sa klase niyo dahil subsob ako sa traininig at kinailangan kong humabol sa topics?

Bigla akong tinawag sa recitation. Hindi ko alam ang sagot at pinagtinginan ako ng lahat.

Akala ko pagtatawanan mo ako...

...Pero hindi.

"What are the steps involved in entrepreneurial endeavor?" 

Gusto ko nang sabihin sa professor na hindi ko alam ang isasagot pero bago ko pa yun magawa ay pinatong mo sa arm desk ko ang isang papel. Sinulat mo pala roon ang sagot.

"Next time borrow my notes tapos ipaphotocopy mo. I feel bad about how my block mates acted awhile ago. Mahirap ang maging student-athlete, sana inisip nila na you're sacrificing a lot of things to give pride to La Salle." Seryoso mong sabi pagkatapos ng klase.

Hindi na ako nagsalita sa halip ay niyakap kita. Paghiwalay ko sa yakap ay tumakbo na ako palayo at hindi na lumingon.

Naalala mo ba nung nagtweet ako sayo. Sabi ko ang galing galing mo. 

Akala ko ia-unfollow mo na ko kasi ang baduy ko...

...Pero hindi.

"Nakita ko yung tweet mo Ara. hahaha Napaghahalataan ka ah?"

"Sobrang obvious ba, Ye? Delete ko ba?"

"Hahaha ay nako bahala ka!"

Lalo tuloy akong nahiya nangpagbukas ko ng twitter ay kinakantsawan na rin tayo ng mga fans mo. Pipindutin ko na san ang delete pero bigla kang tumawag.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 26, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon