"Bigyan niyo ako ng gabing hindi kasing dilim, ang umagang hindi kasing ginaw. At sinagot siya ni Bathala "Ibibigay ko sayo ang iyong hiling kung tatanggapin mo ang alok kong sugal, Kailangan mong languyin ang pinakamalalim na ilog ng lungkot, kalaban ang pinakamatitinding alon ng pighati at hindi ka dapat lumubog."
Kaya't ang nag-iisa ay lumusong sa tubig, sinanay ang sarili sa hirap ng paghinga, lumangoy patungo sa dalampasigan ng saya, at nang umahon siya, kasabay niyang umahon at pag-big, ang pagmamahal.
Sa unang pagkakataon, ang nag-iisa ay nagmamahal."
-"Ang Nag-iisa" by Juan Miguel Severo
----------------------------
Thomas X Ara
"Ara you have fourchampionships under your belt here in PSL, you're still a very young athlete plus you have a huge fandom, what made you decide to retire early in your career?"
Matipid akong ngumiti sa reporter.
'Hindi ko talaga masasabi yung pinaka reason pero kasi, there are other things I want to pursue in life. Marami pa akong pangarap sa buhay na hindi kasali ang volleyball. I want to use my knowledge in Entrepreneurship para magkaroon ng return of investment yung pag-aaral ko nung college. I hope people will understand."
Sa huling pagkakataon ay kumaway ako sa sa mga walang sawang sumuporta sa akin mula noong Lady Spiker pa ako hanggang ngayon na magreretiro na ako. Halata sa mga mata ng aking mga taga-hanga ang lungkot at pagtataka sa biglaan kong desisyon, pero wala na akong magagawa, ito ang hinihingi ng sitwasyon.
Masyadong masakit ang mga sugat na iniwan ng pag-ibig sa aking kaluluwa at ang tanging panlanggas na aking alam ay paglayo.
"Kami na ni Richard!" Masiglang pahayag ni Mika.
Nag-iritan ang mga team mates namin sa F2 dahil sa kanyang balita. Masaya kami para sa kanya. Matagal na panahon na rin ang nakakaraan ng ma-inlove ang babaeng to.
"Congrats Waf! So ano, double date na ba?" Kantyaw ni Kim. Nobya na rin kasi niya ang isang matalik na kaibigan ni Mika.
"Double lang? Gawin nating triple, kasama si Kianna at Espejo!" Dagdag ni Mika.
Nagkwentuhan pa silang lahat. Nagtatawanan at nagkakantyawan tungkol sa love life ng bawat isa. Ako, tahimik lang. Wala naman akong maibabahaging kwento dahil ni minsan, hindi ko pa naranasang umibig ng lubusan.
Ganitong mga panahon napapadasal ako na sana, sana may tao rin na nagmamahal sa'kin. Sana may tao na kaya rin akong ipaglaban at alagan. Maraming buwan iyon ang panalangin ko, na sana magkaroon ako ng taong mamahalin.
At isang araw sinagot ng Diyos ang aking panalangin. Matapos ang lahat ng pighati, dumating ang pasko ng buhay ko.
"So what movie do you want The Purge or Lights Out?" Tanong ni Thomas.
Nasa tapat kami ng ticket booth at pumipili ng magandang pelikula na panuorin.
"Ayoko ng sobrang harsh. Let's go with Lights Out." Sagot ko sa kanya.
Tumango siya tsaka nagbayad ng tickets namin. Isang oras pa bago magsimula ang pelikula kaya't naglibot muna kami. Magkahawak kamay namin'g nilibot ang mga boutiques at kapag may natitipuhan siyang bagay ay tatanungin muna niya ako bago ito bilhin.
BINABASA MO ANG
Spoken Words
RandomCompilation of ThomAra and JeMik One Shots that are inspired by Spoken Word Poetry.