Corrected By:

1.4K 52 11
                                    

Not really connected with the linked video but I still wanted to share Suli's work with y'all. This is a very short one shot. :))

--


Thomas X Ara


"...at itanghal nitong bansa." Pagkatapos naming kumanta ay pinapila na ulit kami pabalik sa classroom.

Pinalinya pa kami ng aming class president na si Arra pero walang pake ang boys sakanya dahil tumakbo na sila agad paakyat para ituloy ang panunuod ng mahiwagang porn videos. Tss Pagdating sa room ay nag-aabang na agad ang aming teacher sa first subject. May dala siyang bond ng typewriting paper. Mukhang may surprise quiz kami. huhu

Bumuo kami ng cheating arrangement ng mga tropa kong si Mika, Kim at Camille. Si Cams ang nasa gitna dahil siya ang pinaka matalino. Kumbaga sa wifi, siya ang router at kami ang nakikisagap. Kaso punyemas na si Arra, nag-request kay Ma'am Casilisilihan na ibahin ang arrangements! O.A kasi sa prinsipyo si Arra eh.

'Huhu wifi not available.'' Ani Kim habang nilalayo ang arm chair kay Camillle. Natawa na lang kami ni Mika.

Sabi ni Ma'am ay may letter choices naman daw kaya dating gawi kami. Magsi-signal si Cams ng kamot sa buhok kung A, kamot sa ilong kung B, kamot sa baba kung C at kamot sa leeg kung D. Classic cheating, beybe!

"Tingnan mo nga naman oh, destiny!'' Kumento ni Thomas nang pinaupo siya ni Ma'am sa tabi ko.

Si Thomas ang ka-M.U ko simula noong September hanggang ngayon na malapit na kaming gumraduate ng 4th year highschool. Gusto ko rin naman siya kaso hindi pa pwede kaya M.U muna. Okay lang, uso naman yun sa mga bagets.

Nang mag-start ang exam ay going smoothly naman ang aming panggagaya kay Camille. Nasa second page na kami ng papel nang bigla nagulo ang flow. Kung saan-saan na kasi siya kumakamot! Napansin ko din na namumula ang kanyang buong balat.

Shutanginers, ngayon pa tinamaan ng allergy ang kaibigan ko!

Nakita ko si Kim na sumisinghot-singhot, siguro ay naiiyak sa sinapit namin. Ilang saglit pa ay pinasa na niya ang kanyang papel nabasa basa pa. Buti pa si Mika ay nakakuha ng back up sa mga boys sa likod na puro may gusto sa kanya. Huhu pano naman akong hindi crush ng bayan?!

"Letter C." Bulong ni Thomas.

Sinilip ko siya. "Ha?"

"Letter C ang sagot diyan. You didn't review noh? tsk tsk" Pangangantyaw niya.

Sinulat ko iyon sa papel ko bago nagtaas ng kilay. "Pano kaya magre-review eh tinadtad mo ko ng text kagabi? Alangan namang hindi kita replyan."

"Can't resist my charm, babe?" He teased

Nanlaki ang mata ko at pasimpleng kinurot ang braso niya. "Sssh pag ikaw narinig ni Carol, lagot tayo!"

Si Carol kasi ang Gretchen Fullido ng aming section. Siya ang source ng mga chika tungkol sa batch namin. Gusto mo malaman kung sinong nabuntis sa batch? Sinong third party sa break up? Bakit absent ang teacher? Alam ni Carol ang sagot diyan!

Buti na lamang at tinigilan na ni Thomas ang pang-aasar at tinuruan na lang ako sa mga sasagutan. Hindi niyo naitatanong eh Director's Lister itong ka-M.U ko. mehehe

"Exchange papers with your sit mates." Utos ni Ma'am Casilisilihan.

Iaabot ko sana sa katabi ko sa kaliwa ang papel pero sinamaan siya ng tingin ni Thomas at agad na inagaw sa akin ang papel ko.

"Tayo lang dapat ang mage-exchange!" Bulyaw niya.

"Ang arte mo! Para papel lang eh."

Hindi ko siya pinapansin habang nagche-check ng papers. Pero kinikilig ako tuwing mapapadampi ang kamay niya sa kamay ko. Nakalimutan ko kasing magdala ng green ballpen kaya halinhinan kami sa ballpen niya. hihi

"Oh tapos na." Malamig niyang sabi. Inabot niya ang aking papel.

Hindi ko siya tiningnan at tinanggap na lamang iyon. Inabot ko na rin sa kanya ang papel niya.

May 4 mistakes lamang ako. Sinipat ko ang mga parte kung saan ako nagkamali. Pagdating sa dulo ng papel ay may nakalagay na 'corrected by' ng nag-check. Hindi ko mapigilang ngumiti nang mabasa ang sinulat niya.

Corrected by: Your future husband

Kinagat ko ang aking labi at pasimpleng tumingin kay Thomas. Nakatitig na rin pala siya sa akin at mukhang hinintay talaga niya ang rection ko sa sinulat niya. Masurpresa ka talagang pandak ka. Nekekeenesh. char

Akala namin ay lalabas na si Ma'am pero may inabot pang papel si Arra sakanya kaya bumalik siya sa desk.

"Ang lahat ng tatawagin ko ay maglilinis ng faculty room." Pag-announce ni Ma'am.

Pumunta ako sa unahan at nakisilip sa hawak niyang papel.

Noisy:

1. Carol-IIII

2. Aaron

3. Gelo

4. Ashley

5. Thomas

6. Ara

Anak ng tutcha! May pa-epek palang listahan ng Noisy tong si Arra, di ako na-inform. Tss Kasalan ni Thomas to eh!

"Hay Carol, kelan ka ba magbabago? Hala, ikaw ang maglilinis mamaya! Bukas na yung iba."

"Eh Ma'am hindi ba kayo nagsasawa sa feslak ko? Iba naman!" Ani Carol sa kanyang matining na boses.

Mukhang napaisip si Ma'am at napatingin sa akin. huhu this doesn't look good!

"Oh siya sige, para maiba naman... Thomas at Ara, kayo ang maglilinis mamaya."

Napasapo ako sa aking noo. Tiningnan ko ang mga tropa ko at tinatawanan lang ako nina Kim at Mika samantalang nagkakamot parin si Camille. Nang lumipat ang tingin ko kay Thomas ay nakangisi siya at tila tuwang tuwa pa!

Napansin ni Carol ang commotion naming dalawa ni Thomas kaya nanlaki ang kangyang mata at napataklob ng kamay sa bibig.

"Oh My God! MAY CHIKA AKO SA BUONG BATCH! ALAM NIYO BA..."

Shutanginers ka Carol! Pahamak ka!

Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon