They told me that I was meant for the cleaner life, that you would drag me through the mud.... But I know better. I know about your rough edges and I have seen your perfect curves, I will fit into any spaces you let me. If loving you means getting dirty, bring on the grime, I will leave this porcelain home behind...
"A letter from a Tooth Brush to a Bicycle Tire" By Sarah Kay
------------------------------------------------------------
Jeron X Mika
Maagang nagising si Jeron dahil sa tunog ng cellphone niya. Nagtext si Mika at nag-aayang magpasama sa...
"Divisoria?" Hindi makapaniwalang tanong ni Andrei sa senior team mate niya. "Sure ba si Ate Mika? Maraming magnanakaw dun Kuya Je!" Paalala pa niya.
"Yah, Divisoria. Yun ang sabi sa text niya. Wag na nga daw ako magdala ng car sabi niya." Paglilinaw ni Jeron.
Mabilis na siyang nag-almusal at naligo. Excited na excited ang binata na makasama ang kanyang nobya. Mula kasi nang nagsimula ang season niya sa volleyball ay madalang na sila magkita, at kung minsan ay nagbabangayan pa.
"Drei, pag tumawag si Mama sa landline sabihin mo sa dinner na lang ako sasabay ah!" Bilin niya kay Andrei bago naglakad papunta sa dorm nina Mika na ilang kanta lang layo mula sa kanila.
Kapag Linggo kasi ay usapan ng mga Teng na sabay-sabay na mag-tanghalian pero sa pagkakataong ito mas pinili niya si Mika.
Kakatok pa lang sana si Jeron ay bumukas na ang pinto. Tumambad sa kanya ang isang matangkad na babaeng mukhang kakatapos lang mag-jogging.
"Oh Em! Jeron Teng?! Bakit po kayo nandito?" Matining ang boses niya at halatang di makapaniwala sa nakikita.
Naisip ni Jeron na rookie ang nagbukas ng pinto. Naninibago pa kasi ito sa kanya at mukhang high school pa kung umasta.
"I'm looking for Mika. Kindly tell her I'm her already." Magalang niyang sabi.
"Ay chicks mo si Ate Ye? Hihi sige tawagin ko po." Tumalikod ito at sumilay ang likod ng kanyang jersey, Ipac 16. "Ate Ye, si Jeron Teng po nandito!" Sigaw nito.
Ilang saglit pa ay bumaba na si Mika. Suot ang isang simpleng puting v-neck shirt, acid wash jeans at black converse.
Napailing si Jeron nang makita ito. Naka puting round-neck shirt, maong shorts at black air max kasi siya. Para tuloy silang nag-usap ni Mika sa susuotin.
"Sige, Juls alis muna ako!" Paalam ni Mika sa team mate bago sinara ang pinto.
Agad namang humalik si Jeron sa noo ng dalaga. "Good Morning, Love. Nice outfit, by the way."
Pinasadahan niya ng tingin si Mika mula ulo hanggang paa. Mahina namang tinampal ni Mika ang pisngi niya. Natawa na lang silang dalawa.
"Good Morning din! Naabala ba kita? Si mama kasi biglaan eh. May mga pinabibili saking gamit sa resort." Paglalahad ng dalaga habang naglalakad silang magkahawak-kamay.
"Bakit naman ikaw pa? Anong ginagawa ng kuya mo?" Medyo inis na tanong ni Jeron.
"Naawa naman ako kay Kuya Perry, stress na yun sa trabaho. Responsibilidad ko naman yun bilang sa resort ko kinukuha pang-allowance ko. Tsaka I'm an athlete y'know?" Pagyayabang ni Mika. Ni-flex pa niya ang kanyang isang braso. Natawa naman si Jeron.
BINABASA MO ANG
Spoken Words
AléatoireCompilation of ThomAra and JeMik One Shots that are inspired by Spoken Word Poetry.