Naniniwala Ako

2.3K 42 28
                                    


"...Kapag nginingitian mo ako, naniniwala ako. Kapag hinahawakan mo ang kamay ko, naniniwala ako. Kapag inaakbayan mo ako, naniniwala ako. Kapag hinahalikan mo ako, naniniwala ako. Naniniwala ako dito. Hindi ito laro. Hindi ito "hanggang dito na lamang at maraming salamat." Naniniwala ako na kaya natin ito. At naniniwala ako na kung maging masakit man, kung pagdating sa dulo ay patayin man ako sa sakit ng saya na ibinibigay mo, magiging sulit ang lahat dahil naniwala ako sa'yo..."


"Naniniwala Ako" By: Juan Miguel Severo

------------------------------------------------------------------------
Thomas X Ara

"Hi, Ara!"

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. Bumungad sakin ang nakakairitang ngiti ni Sheila.

Ayaw ko naman maging rude kaya matamlay parin akong ngumiti. "Hello Sheila."

"Ughm.. pwede bang sumabay sayo pauwi?" Nakayuko siya at nakatitig sa sapatos niya habang nagtatanong. Nilalaro din niya ang dulo ng strap ng backpack niya.

"Bakit nagpapaalam ka pa? Pareho lang naman tayo maglalakad pauwi."

Bigla siyang napatingin sa mukha ko. Lalong lumaki ang ngiti sa labi niya. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad pauwi.

Wala akong time makipag-kulitan sa kanya dahil may bitbit pa akong aquarium. Bwisit kasing prof ko daming alam.

"Yay! hihi Sige tara!'' Masigla niyang sabi. Haaay

Grade 8 pa lang ay palagi na sumasabay sakin si Sheila umuwi o kaya pumasok sa school. Hindi ko naman masasabing close kami or friends, sadyang makulit lang siya. Nasanay na ako kaya ngayong Grade 11 ay hinayaan ko na lang siya. Wala kasi siyang ka-close sa school kaya siguro sinisiksik na niya yung sarili niya sakin.

Naglalakad lang kami sa side walk nang nagulat ako sa bigla niyang pagsulpot sa tabi ko. Sinasabayan niya ang bawat hakbang ng paa ko.

"Anong oras ka papasok bukas? Pwede sumabay?" Tanong niya.

Napangiwi ako. "Eeer ughm Kumporme kung anong oras matatapos mag-prepare si Thomas. Mauna ka na lang." Nakangiti parin siya na parang nananaginip.

Naintindihan kaya niya yung sinabi ko?

'Hindi. Don't worry! I'm wiling to wait naman.'' Nag flutter pa siya ng eyelashes niya. Binilisan ko ang lakad ko kasi nasusuka ako sa ginagawa niya. Eeeer

Nag-beep ang cellphone ko. Pinabitbit ko muna kay Sheila yung aquarium bago ni-check kung sinong nag-text.

From: Thomas Bakla

HOY! Kingina nasaan ka na?

Napakasweet naman ng Bestfriend kong ito. Kairita.

To: Thomas Bakla

Makahintay ka ha! May bitbit pa kong aquarium Hayup na to

Pagka-reply ay kinuha ko na ulit kay Sheila yung aquarium. May pakinabang din pala siya sakin. Hahaha

Malayo pa ay tanaw ko na ang nakabusangot na mukha ni Thomas. Medyo napangiti naman ako nang makita ang supot na dala niya. Good thing nabili niya yung mga kailangan kong pang-design sa aquarium na ito.

"Sheila bilisan mo, galit na si Boss." Tumango lang siya at sinunod ako.

"Shit! Nandito na ang VIP! Maaga ka pa!" Bulyaw ni Thomas nang makalapit kami sa kanya.

Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon