Loreen.Hindi ko alam bakit ko ito ginagawa...
Tama ba to? O kinukunsinte ko lang siya?
"Mam, your mother needs a heart transplant as soon as possible. Her heart is in danger."
Ang kulit. Sinabi ng hindi ito ang nanay ko eh.
"Okay. Thankyou Doc."
"Loreen. Maraming salamat sa pagsama sakin."
"Okay." Isang matabang na sagot ko sakanya.
Bakit ko nga ba to ginagawa? Ah, oo nga pala. Siya ang 'other woman' ng tatay ko. Ang kapal ng mukha.
"Sige na. Maghahanap ako ng donor mo para maoperahan kana."
"Maraming salamat Loreen. Utang na loob ko to sayo."
"Sana lang ay wag mo ng gambalain ang pamilya ko. Nakakasira ka ng ng pamilya."
Nakita kong pumatak ung luha nya sa damit nya.
"Alam ko naman yun eh. Pero sana sabihan mo din ang Papa mo na layuan nadin ako. Pinipilit ko namang umiwas na kaso sya ang tumatawag sakin."
"Pero sana hindi mo sinasagot yun!" Tumaas na ang aking boses pero patuloy ako sa pagpipigil ng luha.
"Alam mong may pamilya ung tao!"
"L-loreen. Ginawa ko lahat ng sinabi mong yan. Iniwasan ko siya, hindi ko sinagot ung mga tawag nya pero kasi siya talaga itong nangungulit. Pilit ko namang iniiwasan e-eh." Umiiyak na talaga siya.
"Mam. Wala na akong pakialam kung totoo ba o hindi ang sinasabi mo. Ang gusto ko lang ay matigil na ung ugnayan nyo. Isipin nyo naman ang mga pamilya nyong nasasaktan. Bumalik kana sa pamilya mo."
"W-wala na akong babalikan pa. Sira na ang pamilya ko simula pa lang. Iniwan na ako ng asawa ko dahil nalaman nyang may lalaki ako. Pati ung a-anak ko galit sakin. Wala ng nagmamahal sakin Loreen."
"Mam. Alam kong mabait kayong tao kaya hindi kayo mahirap mahalin. Makakahanap ka din ng totoong magmamahal sayo. Subukan mong humingi ng tawad sa asawa mo baka mapatawad ka pa at magkabalikan pa kayo."
"Sana nga... Sige na Loreen. Umuwi kana, baka hinahanap ka na ng mommy mo. Ako na ang bahala sa sarili ko."
"Sige mam. Ingat."
Umalis na ako dun at dumiretso na pauwi. Pagkuha ko ng cellphone ko sa jacket ko ay nakita kong mayrong 10 missed calls galing kay mommy, 5 messages galing kay daddy at....50 missed calls plus 60 messages galing kay..... Ken?!
Oh my God hindi ako nakapagsabi sakanya baka nagtampo na yun. Hayaan mo na nga, wala talaga ako sa mood ngayon. Sobrang nagulat ako sa mga nangyari. Hindi ko inaasahang may babae si daddy..at matagal na pala un. Ni hindi man lang namin napansin na nagkaron sya ng karelasyon.
Pagkabukas ko ng pinto namin ay agad agad akong sinunggaban ni mommy.
"Jusko anak! Saan ka ba nagpunta? Kanina pa kami nagaalala sayo! Pati si daddy mo kung saan saan na tumawag. Si Ken din kakauwi lang ngayon dahil hinihintay ka. Saan ka ba galing at hindi ka nagpaalam?!"
BINABASA MO ANG
Masarap ba ang umibig? (COMPLETED)
RomanceShesasinger's Short stories collection. Hope you'll read it!