LAST PART! Story 3: Mga bagay na hindi na dapat ibalik

12 0 0
                                    


LUPA LUPA... kainin mo na ako please!!!!!! 

Nagulat din ako sa tanung ko. OMG. Ano ba to naakahiya.

"Ah.ah. Nevermind. Una na ko ha?"

"Jaime wait! Hatid na kita."

"Hindi na, kaya ko na. Pasabi nalang sa mom mo umalis nako."

GRABE TALAGA. Nakakahiya! Maka uwi na nga.

Buong gabi kong inisip yun. Pano kaya kung mahal nya pa ko? E pano pag hindi? Hay. Matulog nalang!

Kinabukasan..

Parang ayoko pumasok. Nakakahiya kasi pag nakita ko siya. Malay ko bang lalabas un sa bibig ko?! Nakakainis ka talaga Jaime! Mamaya isipin ni James na mahal mo pa siya which is totoo naman! Pero hindi! Mali yun! Kahit malaman niyang mahal mo pa siya magagalit yun kasi ikaw ang nanakit sa kanya tapos--- AAAAAHH! Ang sakit! Ano ba yun!

"Uh.uh. Jaime?"

OMG. Yung taong ayaw mo Makita, yun pa ung makikita mo talaga. Sadlyf.

"Aw, sorry James. Sige bye."

Nasa oval na pala ako ng school, sa kakausap ko sa sarili ko and sakto naglalakad din siya dun. What a BAD coincidence.

"Jaime wait!" Nagulat ako ng hawakan nya kamay ko.

"Bakit?"

"Magusap tayo."

"Naguusap na tayo"

"Umayos ka Jaime."

"Maayos ako and alam kong naguusap na tayo"

"Ayan ka na naman eh! Di mo na naman nililinaw lahat eh!" Ha?

"Alam kong hindi na to dapat pinaguusapan. Pero curious lang ako, bakit mo ba ako iniwan?" Nagulat ako sa tanung ni James.

"H..Ha?"

"Alam kong alam mo kung anung tinutukoy ko."

"James..tapos na yon."

"Alam ko, sige bye." At naglakad na siya palayo sakin. Lumalayo na sakin ang taong pinaka mamahal ko, ang taong matagal kong hinintay na mahalin akong muli. Palayo na siya ng palayo.

Nakapagdesisyon nako.. Magalit man siya o hindi atleast alam ko ng sinabi ko na sakanya ang totoo. Bahala na.

"James, wait!" Hindi siya lumingon.

"James!" Wala padin..

"kailangan kong gawin yun!" Ayun! Huminto din sya pero hindi padin lumilingon.

"James! Alam kong masakit ang ginawa ko sayo! Pero akala mo ba di rin ako nasaktan? Ikaw lang ba ang nagdusa? James ako din!"

"Wag mong isumbat sakin yan, wala akong ginawa sayo para masaktan ka ng husto." Cold niyang sabi habang nakatalikod padin siya sakin.

"Mahal ko ang parents ko James...at mahal din naman kita. Sobra sobra. Kung alam mo lang.. Araw araw kitang iniisi---"

"Bakit mo ako iniwan?"

"James, simple lang. Ayaw nila sating dalawa. Ayaw nilang maniwala na mahal natin ang isa't isa. Bata pa daw tayo. Kinausap ako ni mommy na pag hindi kita hiniwalayan, patitigilin nila ko sa pagaaral. Ano bang magagawa ko? James, sila ang nagpapa-aral sakin."

"Ganun lang? Hindi mo man lang ako pinaglaban?"

Bakit ko nga ba siya hindi pinaglaban? Nanahimik ako dahil alam kong mali talaga ako.

"Alam mo Jaime? Sobrang sakit ng ginawa mo. Halos ikamatay ko ung pagiwan mo sakin. Alam mo bang ayaw din ng parents ko sa relasyon natin dati? Pero anung ginawa ko? Ipinakita ko sakanila na mageexcel ako kahit na may girlfriend ako. Pinakita ko sakanila na ikaw ang nagbibigay ng inspirasyon sakin para magaral kaya pumayag din sila satin. Tapos biglang ikaw.. "

"James! Bata pa ako nun! Alam ko naman kasing kayang kaya nila kong tiisin para di pagaralin. Gusto kitang ipaglaban pero—"

"Pero ano? Duwag ka Jaime. Wala kang kayang gawin para sa minamahal mo. Alam mo? Nung araw na nagkita ulit tayo dito sa school na to, sobrang gumuho ang mundo ko. Araw araw na naman kasi akong masasaktan, araw araw ko na namang makikita ang taong pumapatay sakin.. Sana di ka nalang bumalik.."

I started to cry.. Mali talaga ako.. Dapat pinaglaban ko siya. Dapat ginawa ko din ang ginawa niya para ma-save ang relasyon namin. Pero hindi, wala akong ginawa..Wala akong nagawa.. Tama siya, duwag talaga ako, duwag.

"Patawarin mo ko James. Maling mali ako. Naduwag lang talaga ako. Mahal na mahal padin kita James. Patawarin *huk* mo ko *huk*."

"Jaime, di ganun kadali yun. Sobra mo kong sinaktan..Mahal pa din naman kita eh. Pero alam mo yun? Kapag nakikita kita, bumabalik ung sakit."

"Sorry.." I ran as fast as I could. Masyado ng magulo ang utak ko. Mixed emotions.. Guilt, hurt, lahat. Sobrang sakit na ng dibdib ko, parang sasabog na. Sana mawala na to lahat...

And then i heard someone called my name.. Ang liwanag.

"Jaime!!!!!!"

----------------------------------------------------------------------

Am I in heaven? Bakit lahat ng nakikita ko puti?

Ang bango..

Hanggang ditto ba naman naamoy ko siya?

Sinubukan kong igalaw ang mga kamay ko.

"Jaime?"

"James? Nasaan ako?

"Jaime, naaksidente ka. Nabangga ka ng isang kotse nung tumakbo ka papalayo sakin."

Naalala ko na naman lahat. Ang lahat ng sakit.

"Sorry."

"Jaime, I love you." Ha?

"Mahal na mahal kita at hindi ko kayang mabuhay ulit na wala ka dahil para na rin akong namamatay nun. Kung ano man ung nagawa mo sakin dati, kinalimutan ko na. Mas hindi ko kakayanin kung hindi ka bumalik.. Tuluyan na siguro akong mamamatay kapag ganun. Kaya Jaime, can we be together again?"

SOBRANG SAYA.

"Oo James. Patawarin mo ko sa ginawa ko dati. Pangako simula ngayon, hinding hindi na ko matatakot na ipaglaban ang mga minamahal ko. Iloveyou James. Hindi ko na kayang mawala ka ulit sakin."

He hugged me tightly.

"So pwede na ba to?

Kahit nasa kama ako, bigla syang lumuhod sa harap ko. And then he pulled out a ring from his pocket...

"Will you be my wife?"

"Yes I do.."

Masarap ba ang umibig? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon