Chapter 1. Story ng mga ayaw umibig.

49 0 0
                                    

1. Mga takot magmahal:


Tin : Faye! Wait wag mo naman siyang i-dump! Mahal ka niya talaga! Bigyan mo nga ng chance ang puso mo na magmahal ulit ng iba! Ganyan ka na ba talaga?

---------------------

Ako si Faye. Oo sabi nga nila bitter ako, wala daw akong puso, walang pakialam sa feelings ng ibang tao, pero naisip ba nila kung bakit ako ganito? Naisip ba nila akong tanungin kung bakit ganito ako towards them? Syempre hindi. Wala naman talagang nakakaintindi sakin... Hanggang sa dumating ang isang lalaki na ewan ko kung sang lupalop galing. Siya si Jaoqin. Isang Nursing student sa pinapasukan kong university. Nakakaloko ung mga ginagawa niya dahil kinukulit niya padin ako kahit ilang beses ko na siyang tinaboy. Ewan ko ba dito!

-SCHOOL-


Jaoqin : Uy faye! Uy!

Faye : Ano ba? Andito ka na naman!

Jaoqin : Bakit mo ba ako nilalayuan?

Faye : Naiinis ako sayo! Para kang buntot na laging nasa likod ko! Pwede ba!

Jaoqin : Gusto ko lang naman makipagkaibigan sayo. Hm, honestly gusto kong malaman kung bakit ka ganyan.

F: Anung ganyan?

J: Bitter ka. Manhater.

Nagulat ako sa sinabi nya sahil wala pa ni isa na nagtanung sakin about dun. Lahat sila judgemental. Pati mga kaibigan ko. Pero hindi baka nagloloko lang to.

F: Wow! At ano namang pakialam mo ha? Magulang ba kita para alamin mo yun?

J: kung magulang mo ko, sasampalin kita pag hindi mo sinabi yan.

F: Ewan ko sayo!


Sa wakas! Natapos din ang convo naming pagka- pangit pangit dahil nilayasan ko na siya. Ano bang paki niya? Wala siyang pakialam kung ganito ako. This makes my feelings better. Lumipas ang isang araw..


Tin and friends: Faye, ano sasabay ka ba?

Faye: Ay hindi guys, hinhintay ko pa si Mang Thomas susunduin kasi ako.

Them: Hahah! So susunduin ka ngayon? May kasalanan ka no?

Faye: Ewan ko ba hahha! Sige ingat!


Nahintay ako ng 1 hr...2hrs...3hrs..4hrs... Wala padin ano ba yan. Nagulat nalang ako dahil may naglagay ng jacket sa balikat ko, si Jaoqin. Malamig nadin kasi dahil gabi na nga. At eto na naman ang puso ko tumibok na naman buti nalang at hindi niya narinig. Oo may gusto ako sakanya. Simula nung kinausap nya ko dati at kinulit kulit. Pero ayoko nito dahil ayoko nito! Ayoko na ulit magmahal. Iiwan ka din naman. Masisisi nyo ba ako kung bakit ako ganito?


Faye: Jusko! Ano ka ba naman? Nagulat ako dun! San ka ba galing?

Jaoqin: Hinihintay kasi kitang umuwi. Ang tagal naman nung sundo mo. Baka naman wala na yun?

F: Hindi. Baka na-traffic lang un.

J: Traffic 4hrs?

F: Oo pwede naman yun. Umuwi ka na nga!

J: HIntayin nalang kitang sunduin, delikado dito.

F: Aba! At kelan ka pa natutong maging concern? Ha?

J: Simula nung nakilala kita.

Na-stiff ako sa pagkakatayo. What's this.

F: Joker ka. Tigilan mko! Sasapakin ko ung mukha mong unggoy jan.

J: Hindi ka naman naniniwala sa mga sinasabi ko eh.

F: che. Mga manloloko kayong mga lalaki.

Hinila niya ako paupo.

J: Gano ba kasakit ung nangyari sayo at nagging ganyan ka?

Out of nowhere bigla niyang natanung.

F: Don't judge me okay?

J: I'm not judging you, I'm just asking. Magkwento kana at handa akong making. Para nadin may magawa tayo habang naghhntay sa sundo mong na-traffic ng 4hrs.

Pagtapos ng sobrang pangungulit niya, ayun nainis ako napagdesisyunan kong magkwento na.


F: Masarap mainlove diba? Masarap may tinatawag kang baby, mahal, be at vung ano pa. Naranasan ko din naman yun. At yun ang pinaka masarap na feeling na naranasan ko. Okay kami eh. 3yrs yon. Akala ko kami na talaga.

J: So, 4th year hs ka nung nagging kayo?

F: Oo. Akala ko nun, papakasalan niya ako after naming magcollege. Pinaramdam niya saking ako lang talaga.Sobra akong inlove nun sakanya. Sabi niya may happy ending daw samin. Okay na talaga lahat eh, kasalan nalang ang kulang. Pero naglaho un lahat.

Mejo tumutula na ung luha ko. Pero syempre gusto ko pigilan.

J: Continue faye, i'm here to listen.

F: So ayun, naghiwalay kami. Naglaho lahat ng mga pangarap naming.

J: Bakit? Anong nangyari?

F: Ewan ko. Bigla nalang nya ko iniwan. Nung 4th year anniversary namin, birthday ko. May party kasi nun sa bahay. Pagpunta niya nagulat nalang ako may kasama siyang iba. Naglaho ung mundo ko nun. Akala ko friend nya lang, pero pinakilala niya sakin as his "NEW" girlfriend. Di na talaga ako nakapagsalita sa sobrang sakit. Hinabol ko siya, pinagexplain ko kung bakit ganun. Sabi nya lang, "Wala, it's just that i don't love you anymore. Nagbabago ang lahat Faye".

Di ko na napigilan ung luha ko.Pinunasan naman ni Jaoqin ung luha sa mata ko.

Faye: Sobrang sakit nun alam mo? 3yrs kami tapos biglang ganun na lang, halos ikamatay ko yung nangyaring yun.

J: Wala nga talagang permanente sa mundo faye. Lahat nawawala.

F: Oo. Kaya ayokong mainlove jaoqin eh. Nawawala din naman lahat, nagbabago.

J: Pwede ka pa naman ulit makahanap ng taong mamahalin ka ng lubos. Na kahit hindi perpekto, gagawin ang lahat para hindi ka masaktan.

F: Wala ng ganun no. Hahaha!

J: andito pa ko Faye. I can be your happy ending.

Nagulat ako sa sinabi niya. Omg. What is this Jaoqin.

F: Ah..ahh. Pwede ba Jaoqin, bitter ako! Ayoko ng magmahal ulit no.

J: I know you only need someone who will listen to your problems kaya andito ako. Pero andito din ako iparamdam sayo na mahal talaga kita. At hinding hindi kita iiwan.

F: Ahh! Anjan na si Mang Thomas, aalis nako! Byee!

Umalis nako at sumakay sa sasakyan. When I heard him shout.. "I can wait!".. Let's see..


Lumipas ung mga araw na magkasama kami lagi. And I enjoyed being with him always. I admit, I really love him. And natatakot ako dito.


Jaoqin : Faye. I will always be with you. Patutunayan ko sayong may happy ending. Sagutin mo lang ako.

Faye: Promise? Hinding hindi mo ko iiwan?

Jaoqin: Promise. Ikaw lang.


-----------------------


Masarap ba ang umibig? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon