Story 4: Part IV

3 0 0
                                    

"Loreen picture tayo dito!"

"Mga anak, pumasok na kayo sa loob dahil kakain na tayo ng tanghalian."

Natapos na din sa wakas ang sembreak namin kaya napagpasyahan naming magbakasyon sa Batanes.

"Gusto mo nito Loreen?" Ani ni Ken habang kumukuha ng pagkain sa mesa.

"Sige sige. Pahingi!"

"Takaw talaga oh."

Naglokohan lang kami habang kumakain hanggang sa maghapon na at napagpasyahan naming pumunta sa dagat.

"Wag kayong masyadong magpakalayo! Baka malunod kayo jan Ken!" Nagwave lang si Ken sa mama nya sabay hatak sakin sa malapit sa dagat.

"Uy Ken! Hindi ako marunong lumangoy ha!" Sabi ko dahil baka malunod kami mamaya.

"Don't worry. Kasama mo naman ako. Dito tayo." Aniya habang hawak hawak padin ang kamay ko. Lumakas ang tibok ng puso ko. Kahit sa simpleng salita niya ay kinikilig ako. Nababaliw na ba talaga ko sakanya?

"Sus. Hindi ka naman din ata marunong."

"For your information Loreen, swimming ang PE namin dati kaya marunong ako. Tumigil ka nga, kotongan kita eh."

Nagpunta kami sa dagat at nagtampisaw. Ang cute niya nong binabasa ko siya ng tubig!

"What the..ano ba Loreen? Hindi na ko makakita! Tama na!" Aniya. Habang nagtatakip ng mata. Cute hah!

"Bading naman nito! Haha! Onting basa lang naman!" Patuloy ko siyang binasa hanggang sa mainis na siya. Lumapit sya sakin at niyakap ako galing sa likod para matigil sa pagbasa sakanya.

Hindi lang ang pagbasa ang tumigil kundi pati nadin mundo ko. Parang kabayo ang puso ko sa sobrang bilis ng takbo. I have to get back my senses.

"Ken! Ano ba! Bitawan mo ko! Uy!" Halos sumigaw na ako sakanya.

"Ang kulit mo ha! Ayaw mong tumigil sa pagbasa sakin! Haha" tawa sya ng tawa. Nararamdaman ko ang dibdib nya sa likod ko. Parang ang tigas.

"Bitawan mo na ako! Dali! Hindi na kita babasain!"

"Promise? Hahahaha" bahagya nya pa akong itataas ngunit nagpumiglas ako kaya nahulog ako sa tubig. Binitawan nya ako!

"Bakit mo ko binitawan? Nakainom tuloy ako ng tubig."

"Sabi mo bitawan kita? Gulo mo." Halakhak nya sa likod ko. Walangya to!

"Ewan ko sayo. Aalis na ako." Tumalikod ako at nakita ko syang nka pamewang sa pwesto namin kanina. Nakakainis! Mano man lang bang ibaba nya ako ng maayos hindi ung biglaan!

Nang makarating na ako sa sea shore ay bigla nyang hinila ang braso ko.

"Ano ba?!"

"Corny mo! Nagkakatuwaan tapos pikon ka!" Kitang kita ko sa likod nya ang papalubog ng araw. Mag gagabi na pala.

"Sana kasi inayos mo ung pagbaba sakin kanina para hindi ako nkainom ng tubig!" Sigaw ko sa harap niya. I can't stand the anger inside me.

"Sorry na. Akala ko kasi natatawa ka pa eh." Mukha syang makahiya na tumiklop agad nong nagalit ako.

"Nakita mo ba ung itsura ko kanina nung binitawan mo ko? Mukha bang nakakatawa yon?" Itninuro ko pa kung saan nya ako binitawan kanina.

"Sorry..akala ko lang--"

"Ewan ko sayo! Babalik na ako don! Bahala ka dito Ken." Akma akong tatalikod pero naramdaman ko ang yakap nya sa likod ko. Natigil ako.

"A-anong g-ginagawa mo Ken? Bitawan mo nga ako." Halos napapaos kong sabi sakanya.

"Sorry.." Aniya. Sabay hinarap nya ako sakanya. Diretso nya na akong nakikita ngayon.

"Ano ba Ken.." Ayaw kong marinig nya ang lakas ng tibok ng puso ko.

"I'm really sorry. Hindi ko dapat ginawa iyon. Please, forgive me." Nawala ang tuwa sakanyang mukha at napalitan ito ng nagmamakaawang itsura.

Hindi ko naman siya matitis. Ako ang laging talo.

"Oo na. Sige na." Halos mapunit ang kanyang labi sa pag ngiti.

"Yes! Bait ng bestfriend ko." Aniya. Hinatak nya ako sa kanyang bisig at mahigpit na niyakap.

Lagi naman ako ang natatalo. Pagdating sakanya, imposibleng manalo ako. Parang kahit anong sabihin niya ay susundin ko. Kahit na anong ipagawa niya ay gagawin ko. Ganun naman palagi. Pag nagmahal ka, makakalimutan mo ung sarili mo. Makakalimutan mo ang tama at mali.

"Pupunta tayong Honesty Store bukas Loreen. You know that place? Ung tindahan na walang bantay."

Kumakain kami ng dinner ngayon kasama ang pamilya nya at pamilya ko. Sila tita ay naguusap lamang habang si Ken naman ay pinaplano na ang itinerary bukas.

"Paano kapag may nagnakaw don? Walang makakakita."

"It's all on them Loreen. Konsensya na nila yon kung magnanakaw sila."

"Wala man lang ni isang tao don?"

"I don't know. Maybe meron. Pero hindi talaga nagsstay sa tindahan. We'll see, tomorrow."

"Don ba tayo bibili ng mga souvenir?" Tumango sya at sumipsip ng iced tea.

Parang interesting ang Honesty store na yon. I'm excited. Pangalan palang maganda na.

Kinaumagahan ay nalate ako ng gising. Palagi naman. Namataan ko si Ken sa baba ng aming kwarto na nakikipagusap kay Papa. Namataan nya ako at tumango. Nka orange polo shirt sya at black shorts matched with a vans topsider. Para syang model sa suot nya.

"Late ka na naman sa usapan, Loreen."

Nagmake face ako sakanya at nagkiss na kay daddy.

"Ingat kayo Ken. I'm gonna text you kung saan magkikita mamaya."

"Okay, Tito." Bumaling sakin si Papa at ngumiti.

"Behave, Loreen."

Inirapan ko si Papa at tumawa. Ayos na kami ngayon. Matagal nadin ang lumipas ng malaman ko ang issue nya sa ibang babae. Mabuti at natigil na iyon ngayon.

"Bye, Pa. Takecare." Nauna na ako at dumiretso na sa Mux na nasa labas.

"Buti at pinahiram sakin ni Tito ung kotse niyo."

"Oo nga. Ingatan mo yan ha, tari ka doon. Buhay nya yan."

Nagtawanan kami ni Ken hanggang sa pinaandar na nya ang sasakyan at dumiretso na sa Honesty store.

Masarap ba ang umibig? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon