Story 4: VI

7 0 0
                                    


"I need the files tomorrow night, Ms. Roblen. You may go now."

Nilagay ko ang aking daliri sa aking sentido at minasahe ito. Ang sakit na naman ng ulo ko. Nagulat ako ng tumunog ang aking cellphone.

"Hello, Ken. What's up? Balita ko uuwi na si Loreen next saturday."

Loreen.

"Yes James. I know. Nabalitaan ko kay Tito."

"So, what are your plans? Di mo ba siya susunduin?"

"I don't have plans, yet. Ni hindi ko nga alam kung kakausapin pa ako nun." Malamig kong sabi sakanya.

It's been five years since I last saw her.

Nabuhay ako ng limang taon na may malaking panghihinayang. Napaka laki ng sinayang mo, Ken.

Bakit nga ba hindi pa ako umamin sakanya noon?

Nung araw na aminin nya sakin na mahal nya ako, para akong nanalo sa lotto. Ako na yata ang pinaka swerteng lalaki noong araw na yon. Pero wala, wala akong ginawa. Bakit?

Natakot ako..

Natakot ako na baka hindi pa ako handa para sa magiging relasyon namin. Nasanay ako na magkaibigan lang kami, kaya natakot ako na baka mamaya hindi kami magkasundo bilang magkasintahan. Napaka laking tanga ko. Pinalampas ko ang isang napakalaking pagkakataon, ang sumaya.

Hindi ko alam kung bakit natakot ako sa puntong 'yon. Ang tagal kong hinintay na mahalin nya ako, pero sinayang ko lang.

Ang tanga tanga mo, Ken.

"Hijo, susunduin mo ba si Loreen o kami nalang?"

"I don't think magugustuhan niya kung ako ang unang makikita nya dito sa Pilipinas, Tito. Ako mismo na dahilan ng pagalis nya ang susundo sakanya sa airport? Baka hindi pa yun bumaba ng eroplano."

"Hindi naman siguro Ken. 5 years na ang nakalipas. Nka move on na yun at hindi na siguro galit sayo."

Nka move on na siguro siya. Ako naiwan parin dito.

Martes na ngayon at sa Sabado na ang uwi ni Loreen. Sa loob ng limang taon wala akong naging balita sakanya. Minsan na lang kung magkita kami nila Tito kaya hindi sila nkakapagkwento tungkol sakanya. Ang alam ko lang ay dito nya itutuloy ang pagmemedisina sa Pilipinas.

"Pare. Ano bang plano mo?" Ani James habang nandito kami sa isang restaurant at nagllunch.

"Anung anong plano? Wala." Sa totoo lang ay gusto kong sorpresahin sya at sabihing mahal ko talaga siya dati pa..

"Hina mo naman. Papalagpasin mo na naman ang pagkakataon mo. Ewan ko ba sa'yo."

Baka kasi hindi na nya ako mahal..

"Nka move on na ata yun sakin."

"Paano mo naman nalaman yan? Mahal na mahal ka nga nun, sabi mo diba. Why don't you try."

Hindi ko alam. Baka hindi na niya ako tanggapin pa.

"I don't know. Kumain na nga tayo." Nagkibit balikat siya at pinagpatuloy nalang ang pagkain.

Friday Night,

Napagdesisyunan ko na ang lahat. Sasabihin ko sakanya na mahal ko siya. Na matagal ko na talaga siyang mahal. Hindi na ko tatakbo pa. Patawarin nya man ako o hindi, atleast sasabihin ko padin ang totoo.

"You sure about that Ken?"

"Yes. That's final. Kung ano man ang maging resulta, tatanggapin ko."

Masarap ba ang umibig? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon