Story 4: Masarap bang ma-friendzoned?

27 1 0
                                    

"Wow! Ang ganda ng movie!"

"Oo, grabe talaga nakakainlove si James jan! Sobrang pogi bes! Sarap!"
7
"Hahahah! Bakit nalasahan mo ba?"

"Oo epal ka, wag ka ngang kontra."

"Basta maganda si Jaime. Sexy pa."

"Mas maganda ako syempre."

"kwento mo sa fountain."

"Oh talaga?"

"Oo."

"Weh?"

"Pangit mo!"

"SSSSSSSSSSSSSSSSSHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!"

Tae talaga tong babaeng to! Napagalitan tuloy ako!

"Epal ka talaga!"

"Ang pangit mo, ang ingay mo kasi eh."

Pahamak talaga tong babaeng to kahit kelan! Bago pa ko mainis, magpapakilala muna ko. Ako si Kenneth, ken for short. Nagaaral kami ng babaeng to sa Orion University. Ang course ko ay Business Administration samantalang sya ay Psychology. Magbestfriend kami since 3rd year. O akala nyo girlfriend ko ha? Hindi. Bestfriend lang talaga. Bestfriend. Bestfriend lang naman talaga...

"ken! Tara na! Ano pa bang ginagawa mo jan?"

Natulala na naman ako. Ikaw ba naman kasi ang makakita ng babaeng maganda na tumatakbo papalapit sayo. Nakakatulala yon. At eto na siya nasa harapan ako at kinakausap ako.

"Iniisip ko lang yung project namin nila Matt, tara na nga!"

Hinatak ko na ang bestfriend ko para umuwi. Gabi nadin kasi at baka mapagalitan pa kami ng mga magulang namin.

"O eto na parahin natin para mabilis."

"Patok na naman gusto mong sakyan Loreen? Monggoloid ka talaga."

"E kasi para mabilis, tara."

Ayun, sumakay na nga kami kasi sabi nya para mabilis daw. Kahit kelan talaga itong babaeng to. Sasapakin ko na to.

"Sasabit nalang ako, pumasok kana."

Ang ganda niya. Ang ganda niya kahit pawis na siya, kahit ung buhok niya napupunta na sa mukha niya. Habang bumibilis ang takbo ng jeep, bumibilis din ang pagtibok ng puso ko. Kadiri ken! Ang bading!

"ARAY!" Napasigaw ako ng mauntog ako sa kinakapitan ko. Ang sakit nun ah!

"Iho, wag ka kasing tulala. Kumapit ka ng maayos at baka ikaw ay malaglag jan."

"Sorry po." Dahil nga sa katangahan ko ay nauntog ako. Badtrip talaga. Lagi nalang akong tulala.

Hinatid ko na siya sa bahay nila at umalis na.

"Sige ken, ingat!"

"Oo sige."

Ang huling nakita ko nalang sakanya ay ang ngiti nyang abot langit. Napakaganda ng bestfriend ko. Ang bestfriend ko.

"Nandito na po ako ma."

"Oh, anak mukhang pagod na pagod ka ah? San ka ba galing?"

"Nanood lang po kami ni Loreen ng sine. Akyat na po ako ma. Goodnight" Sabay kiss ko sakanya.

"Hay"

Sobrang pagod ko. Pag galing ko ng Orion deretso mall. Hay. Buti nalang wala kong pasok bukas.

*****BEEP BEEP*****

1 new message from: Loreen Ganda

"OY ken nakauwi kana ba?" Namiss naman agad ako ng bestfriend ko.

Masarap ba ang umibig? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon