Story 4: Part V

7 0 1
                                    

"We're here."

Bumaba ako sa Mux at iginala ang tingin sa hindi kalakihang tindahan na nasa harap namin. Wala ngang tao!

"Oh my God, Ken. Wala ngang tao."

"I told you. Kaya nga tinawag na Honesty store ito. Let's go inside."

Naghanap kami ng mga souvenir at naglagay ng pera para pambayad. Kinuha din ni Ken ang sukli niya.

"Let's sit here, Loreen." Naupo kami sa isang lamesa doon at nagpahinga.

"Gusto mong maglaro? Mahaba pa naman ang oras." Sabi nya habang ngumunguya ng marshmallow.

"Anong oras na ba? Baka mamaya mag-gagabi na."

"Don't worry. 3 palang."

"Ang bagal naman ng oras dito sa Batanes. Nakakaboring." Tumingin ako sa labas pero naramdaman kong may tumamang marshmallow sa aking mukha. Bastos!

"Ano ba Ken? Bakit mo ako binato?"

"Bakit ka naman mabobored? You can do many things here."

"Things like?" Wala akong naiisip na pwedeng gawin dito kundi ang tumunganga.

"Loreen, bakasyon ito kaya dapat ay relaxed ka. Pwede kang magisip isip ng mga bagay dito. Walang hassle. Ung mga bagay na gumugulo sayo." Napatingin ako sa kanyang mata dahil naramdaman ko ang paninitig niya sa akin.

"Ako kasi. Pag may problema ako, nagpupunta ako sa isang tahimik at payapang lugar para makapagisip. In that way, narerelax ako."

"Pero kasi, parang nakakaboring nga. Walang ibang pwedeng gawin kundi ang tumunganga."

"Appreciate things, Loreen. Tumingin sya sa akin ng diretso at may kinuha sa bulsa.

"Maglaro tayo. We can ask questions to each other and sasagutin natin yon ng totoo."

Nilapag nya ang isang bato sa harap ko. "Ladies first."

Nagisip ako ng pwedeng maitatanong ko sakanya.

"What am I to you?" Ayos na ba yun?

Kumunot ang noo nya at nagsalita muli.

"Woah. Hindi mo padin ba alam kung ano ka sa buhay ko? Loreen, y-you're my bestfriend."

Yeah, your bestfriend. Bestfriend lang.

"Malay ko bang baka mamaya all this time akala ko lang na bestfriend mo ako."

"Baliw. Okay, my turn." Nilagay nya ang kanyang daliri sa labi at kunwaring nagisip ng itatanong. Parang kinakabahan ako.

"What if hindi mo ako naging bestfriend? Ano sa tingin mo ang magiging relasyon nating dalawa?"

Relasyon, huh? You would be my boyfrined, Ken. I would be your slave. I would be your queen. YOUR queen.

"Hm. Siguro stalker? Siguro magiging stalker kita?" Pabiro kong sabi. Tumaas ang kilay nya at umirap sakin.

"I thought you're gonna say friends! Stalker talaga, ha! In your dreams Loreen!" Tumawa pa sya at binato ako ng marshmallow.

Yeah. In my dreams. Pangarap ko lang ang lahat. Ang sakit.

"Okay, my turn!" Nilagay ko ang bato sa kanyang harapan at nagisip ng maitatanong.

You're hurting me, Pascual.

"Nainlove kana ba?" Napatingin sya sakin at agad na kumunot ang noo.

"No." Agad niyang sagot.

"Kahit kelan? Ni minsan hindi pa?" Kinuha nya ang bato sa harap niya at nilipat sa akin.

Masarap ba ang umibig? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon