Story 4: Part III

3 0 0
                                    

Ilang buwan nadin kaming hindi naguusap ni Ken. Hindi ko alam kung ako ba dapat ang humingi ng tawad sakanya dahil sa inasal ko nung nakita nya akong nakikipagaway o siya ba dahil sa hindi nya pagintindi sakin.

Mahirap ba talaga akong intindihin?

Minsan naisip ko kung bakit nga ba ako nagkaron ng kaibigan. Isa akong dakilang warfreak dati at wala ni isa ang gustong kumausap sakin. Maswerte na ung isang kumausap sakin kapag nasa klse dahil nagtatanong ng about sa Math. Kaya lang naman nila ako kinakausap sa klase kasi nagpapaturo sila sa Algebra. Pero nagbago ung buhay ko ng dumating si Ken. Siya ang naging bestfriend ko..at higit pa don ang nararamdaman ko sakanya ngayon. Matagal ko nadin siyang nagustuhan. Pinaramdam niya sakin ung pagpapahalaga, pagaalala at madami pa. Pero sa tingin ko hindi naman niya ko gusto kasi hindi ko naman nakikita yun sakanya. Kaibigan lang siguro talaga.

Natapos ang klase ko at napagpasyahan kong kumain muna. Dumiretso ako sa pinakamalapit na Jollibee sa school namin. Nagorder ako at naupo na sa dulong part, ung sa pangdalawahan lang. Habang kumakain ako ay biglang may umupo sa harap ko.

"Missed me?" Lumundag ang puso ko sa boses niya. Matagal ko din itong namiss.

"Hindi." Mabilis kong sagot. Tahimik kaming dalawa.

Tinignan ko ang ekspresyon ng mukha niya pero wala akong nakita ni bahid ng inis o gulat. Gwapo talaga itong mukha ni Ken. Meron siyang mapupungay at itim na itim na mata, dimples sa kanang pisngi at mapupulang labi. Maganda rin at hubog ang katawan niya, nagbubuhat kasi ito.

"Gusto ko lang naman makipag ayos."

"Wag na. Ayos lang naman sakin kung pagod kanang umintindi." Malungkot kong sabi sakanya.

"L-loreen hindi yun. Sobrang nagalala lang naman kasi ako sayo dahil hindi mo sinasagot ang mga tawag ko at hindi ka rin nagtetext. Nagulat ako nung nakipagaway ka dahil ngayon na lang ulit yan nangyari. Matagal mo nang tinigilan ung pakikipagaway. Sorry for my words Loreen." Aniya sabay yuko. Namumuo na ang luha sa mata ko.

"Hindi mo naman alam ung nangyari kaya hindi ka dapat nagalit agad."

"Yes I know, wala naman akong alam. Dahil hindi ka nagsabi. Akala ko ba magkaibigan tayo?" Matigas niyang sabi.

"Hindi mo kasi naiintindihan.." Malapit ng lumabas ung mga luha sa mata ko. Be strong guys! Be strong! "Alin ang hindi ko maintindihan? Buong buhay ko inintindi kita kahit minsan makulit ka!" Mejo tumataas nadin ang boses niya.

"Ken. Ayokong makipagtalo." Sabi ko kasabay ng pagtulo ng luha ko. Nahihirapan ako ngayon. Lumapit agad si Ken sakin.

"Wag kang umiyak Loreen. Ayokong lumuluha yang mga mata mo. Sabihin mo sakin, ano bang nangyari?" Inangat nya ang baba ko para makita nya ang mga mata ko. Please.

"Ken kasi ano...si Papa.."

"Bakit?"

"May naging kabit kasi siya.." Tuluyan ng umagos ng umagos ang mga luha ko. "Si Tito? Paano mo naman nalaman yan?" Nagkaron ng kuryosidad sa mata nya.

Kinwento ko sakanya ang pagkikita namin nung babae.

"Ssh. Loreen wag ka ng umiyak ha. Sinabi mo naman sa Papa mo na itigil na nila yan kaya wag ka ng magaalala." Aniya sabay yakap sakin. I really feel safe in his arms.

"I'm sorry kung hindi ko nasabi agad sayo. Gulong gulo kasi ang utak ko nun."

"No. Ako dapat ang magsorry Loreen, hindi dapat ako nagalit agad. Hindi kita dapat sinigawan non. Patawarin mo ko." Nagpatuloy lang kaming magkayakap hanggang sa pinagpatuloy na namin ang pagkain.

"Loreen. Sana makabalik na tayo sa dati. Andito lang ako palagi para sayo kasi ako ang bestfriend mo." Kikiligin na sana ako kaso may bestfriend. Ang manhid talaga neto.

"Oo naman. Okay na tayo ha! Ililibre mo na ako ulit!" Sabay tapik ko ng malakas sa braso nya.

"Daya talaga! Dapat ikaw ang manlibre eh! Mas mayaman ka kaya sakin!" Kasabay ng halakhak nya ay ang paglundag ng puso ko.

"Dapat ikaw talaga!" Halos sumigaw na ako kaya nagtinginan ung mga tao sakin. Shocks.

Nagtawanan kami at nagpasyang umalis na ng Jollibee. Nakakahiya ka Loreen!

Sobrang saya ko kasi okay na ulit kami ng..best friend ko. Balik na ulit kami sa dati. Asaran, kulitan at sakitan. I really missed him. Ang tagal naming hindi nagusap. Sana ay namiss nya din ako kagaya ng pagka miss ko sakanya.

"Loreen. Pakisabi nalang kay Tito at Tita hindi na ako papasok kasi may pupuntahan pa ako saglit. Pakikamusta nalang ako sakanila." Hinatid nya na ako sa bahay at nagpaalam ng aalis.

"Okay sige. Saan ba ang punta mo? Gabi na ha?"

"May dadanaan lang. Uuwi din ako agad. Magtetext ako sayo pag nakauwi na ako, ito naman miss ako agad." Aniya sabay ngisi. Sinapak ko sya agad. Kitang kita ang dimples nya! Ang gwapo nya talaga!

"Ewan ko sayo. Sige na, alis na alis. Papasok na ako." Tinulak tulak ko pa siya para umalis na.

"Ito naman. Biro lang. Haha. Sige na aalis na ako. Payakap muna."

Hindi ako nakapagsalita agad dahil hinila nya na ako sa kanyang dibdib. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

Lagi naman nya akong niyayakap pero iba talaga ang nararamdaman ko sa tuwing ginagawa nya yon. Ako lang siguro ang nakakramdam ng ganun kasi parang sakanya normal lang naman. Dapat talaga ay itigil ko na ang one sided love na to!

"You don't know how happy I am today Loreen. I really thank God kasi okay na ulit tayo. Sobra kitang namiss. Tandaan mo lagi na mahal na mahal kita dahil kaibigan kita ha? Hinding hindi kita iiwan. I will always be your partner." Tumatalon ang puso ko habang sinasabi nya yon. He never failed to make me fall in love everyday.

"Mahal din kita Ken kasi.. kaibigan kita. I will never leave you."

Kinalas nya ang pagkakayakap niya sakin at siniil ng halik ang aking noo.

I really love him.. I really love my bestfriend.

Masarap ba ang umibig? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon