Wakas

6 0 1
                                    

Salamat po sa pagbabasa ng aking mga munting storya. Nawa ay nagustuhan nyo po ang mga ito, at tumatak sa inyong mga puso at isip.

See you sa aking mga next stories!

- shesasinger

Wakas

"Faye! Mahal, bakit ang tagal mo naman? Aalis na tayo!"

Inis na inis na si Joaqun sa asawa dahil sa bagal nitong magayos.

"Teka lang! Si Jasper kasi, napoo poo pa kaya nagcr muna. Maghintay kana lang sa labas. Nacontact mo na ba sila ate Jeush?"

Nagkamot ng ulo si Joaqin ng maalalang hindi pa pala nattext ang kanyang ate.

"Ah, oo! Alam na nila yon. Kabisado na naman ni kuya Joshua papunta doon."

Sa kabilang banda ay nagtatalo din ang magasawang si Jeush at Joshua.

"Lory anak, why are you so slow? Maiiwan na tayo nila Papa."

"Ano ba naman kasi yan, Jeush. Ang sabi ko kasi sayo, maaga mong bihisan itong si Lory dahil maarte itong manamit."

"Tumahimik ka nga Josh. Mabuti pa at ayusin mo nalang ang mga gamit ng bata at dumiretso na sa sasakyan."

Walang nagawa si Joshua kaya sinunod nalang niya ang utos ng asawa. Hanggang ngayon ay under padin siya kay Jeush. Ganon niya kamahal ang asawa.

"Tara na, umalis na tayo at baka mahuli pa tayo. Nakakahiya."

Agad agad na pumasok si Jeush at ang anak na si Lory sa kanilang kotse. Mabilis itong pinaandar ni Joshua.

Tumunog ang cellphone ni Jeush at mabilis niya itong kinuha.

"Hello, Faye? Anjan na kayo? Ah, o sige sige. Pasensya na ha, si Lory kasi ang tagal magbihis eh."

"Okay lang ate Jeush, wala pa naman ang ikakasal."

Mabilis na ibinaba ni Faye ang telepono at bumaling sa asawa.

"Joaquin, nasaan na daw ba ung ikakasal?"

"Aba malay ko. Syempre matagal magayos ang bride. Parang ikaw lang, dati." Umakbay si Joaquin sa asawa at hinalikan ng mariin ang kanyang labi. Namula agad ang babae. Hanggang ngayon ay iba padin talaga ang epekto nito sakanya.

"Hindi ako matagal nun ha! Sadyang matagal lang ang make up artist ko."

Nagpatuloy sa pagtatalo ang magasawa ng biglang nagring ang telepono ni Joaquin.

"Hello, tito Richard? Ah opo? Malapit na kayo? Okay po. Maghihintay ako sa labas."

Ibinaba niya ang telepono at mabilis na nagtungo sa labas ng simbahan. Maya maya'y namataan niya ang maganak ng Montereal.

"Tito, magandang gabi po."

"Hello, hijo. Nanjan na ba ang asawa mo at sila Jeush?"

"Kami palang po ni Faye at Jasper. Siguro po ay paparatin nadin sila kuya Josh. Natagalan lang po ata kay Lory."

"Ah, osige. Mauuna na muna kami sa loob."

Sa kabilang dako ay hindi naman mapakali si Ken sa kanyang kwelyo. Pakiramdam niya ay hindi pa maayos ang kaniyang suot.

"James, ayos na ba to? Hindi ba lukot? Hindi ba madumi?"

"Pare, chill ka lang. Maayos ang itsura mo. Ang gwapo mo na. Nakakbakla na." Pagbibiro ng kaibigan.

"Tigilan mo ako. Wala ako sa mood ngayon para makipagbiruan, halos maligo na sa pawis ang mga kamay ko sa kaba. Nasan na pala ang pamilya mo?"

"Pinauna ko muna sila Jamie sa simbahan. Sinabi kong sasamahan kita sa pagpunta at baka maligaw ka pa sa sobrang kaba." Sinuntok nito ang braso ng kaibigan at bigla ding ibinalik ang tingin sa salamin ng sasakyan na magdadala sa kanila sa simbahan.

Masarap ba ang umibig? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon