Iced POVNakakapagtaka lang bakit kaya nagpa dismissed agad si Ms . Cruz?
Halos sa lahat ng teacher sya ang pinakaterror. Ni minsan ay hindi pa sya nagpapa dismissed ng wla lang. Tapos ngayon magpapa dissmised sya ngayon dahil sa Eaŕrings at pin ni Freya.
Oo ngat maganda ang earrings ni Freya at kakaiba nga ang pin nya saamin. Pero bakit ang feeling ko ay especial sya
"Hi Iced!"
Nagulat ako may biglang bumatok saakin. Medyo masakit yun kaya napahawak ako sa ulo ko.
Dug. Dug. Dug.
Puso wag kang ganyan baka marinig ka nya!
"Nakita mo ba si Freya?"
Tiningnan nya ako at para bang inaantay nya ang sagot ko.
Minsan talaga ang childish nya. Pero mas madalas na maldita sya.
Saan nga ba si Freya?
"Hindi eh!"sagot ko habang hinihimas anh parte ng ulo ko na binatukan nya.
"Nakita mo ba si Winter?"Napatingin ako sa sinabi nya. Biglang lumawak ang ngiti nya sa labi dahilan para mawla ako sa mood. Hindi ko alam pero para bang big deal saakin pag nababanggit nya si Winter.
Kahit na mag bestfriend kami ni Winter ay hindi ko magawang hindi magalit sakanya ng palihim pag dating kay Snow.
"Hindi rin." Nauna akong naglakad sakanya. Ramdam ko naman na sumusunod sya.
Nagsimula nanamang dumaloy ang kuryente sa katawan ko.
"May kukunin lang ako sa Upper basement. Sama ka?"
Binigyan nya ako ng isang ngiti na hinding hindi ko matatanggihan.
"Sige." Matipid kong sagot
Iniba namin ang way. Papunta na kami ngayon sa hagdan pa ilalim. Sa paglalakad namin walang nagsasalita.
Nang matanaw ko na ang hagdan na nasa kabilang dulo at nasa kabilang dulo rin kami kanina ay bigla nya akong hinatak.
"Bagal naman."
Pinagtitinginan kami ng tao. Magagawa ko ayan si Snow at ang ugali nyang pagka Childish.
Unti unti bumagal ang hatak ni Snow saakin. Dahil na rin siguro sa kadahilanang Pagod na sya.
Natanaw ko ang hagdan at hindi ko nagustuhan ang nakita ko. Bakit sila mag ka holding hands?
Agad agad kong hinatak si Snow pa punta sa ibang direksyon nahindi nya makikita sila.
"Aray! Bat dito tayo dadaan?"
"Mas trip ko lang dito."
Nakita nya kaya ang nakita ko?
Dito kasi maraming pasikot sikot kaya maraming lusutan din.
Hindi na nagsalita si Snow. Tuloy tuloy lang sya sa paglalakad. Kita kong hinihimas nya ang kaliwang wrist nya.
F*ck!
Na pa higpit pala ang paghatak ko sakanya na mumula ang kanyang wrist.
Kinuha ko ang kamay nya. Nagulat naman sya sa ginawa ko. Unti unting natanggal ang pula sa wrist nya at lumamig na din ito katulad nung una.
"Sorry." Mahinahon kong sabi saka binaba ang kamay nya.
Binigyan nya ko ng isang maliwanag na ngiti. Hinawi nya ang bangs na sumasanggi sa mukha nya. Parang nag slow motion sa paningin ko ang ginagawa nya.