Chapter Thirteen : Stranger

112 9 0
                                    


Days passed nagiging madalang ang pag labas ko sa kwarto ko. Nagiging wild ang mga estudyante pag nakikita ako. Madalas nila akong iniiwasan.

Ewan ko nalang kung bakit. Tss. Bahala sila. Hindi sila kawalan.

Buti nalang madalas akong patawanin ni Snow kahit napaka Corny nya. Minsan naman pumupunta si Iced dito para makipag harutan. Pero dalawang beses pa lang pumunta dito si Winter.

Nakahiga ako ngayon sa kama ko nang biglang may dumagan sa kama.

"Hoy! Tara labas tayo!" Sabi nya at naghagilap ng malapit na unan at ibinato sa mukha ko.

"Yoko. Tinatamad ako." Yan ang laging palusot ko tuwing inaayaya nya akong lumabas ng kwarto.

"Lagi ka nalang tamad."

"Mamayang hating gabi na ang openning ng Ice Market. Punta tayo!"

"Ayoko."sabi ko at ibinato ang unang binato nya. Ayun sapul sa mukha. Muntik pa syang malaglag sa kama.

"Loko ka! Hindi ako na inform." Bulalas nya at ibinato ulit saakin ang unan.

"Weak ka kasi."

"Ako weak? Hiyang hiya naman kasi ako sa babaeng nahimatay pagkatapos mag labas ng isang ice wall."

Speaking of Ice wall hindi talaga akp makapaniwala na nakagawa ako nun. At hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit bigla akong lunakas nung matamaan ako ng spikes.

Ang Weird na talga ng mga nangyayari sakin.

"Dun ka na nga sa kama mo." Pagtataboy ko sakanya.

Wala lang talaga ako sa mood ngayon makipag usap.

"Oo na! Basta mamaya gabi ah. Maraming magagandang gamit dun."

Napatango nalang ako dahil baka kulitin nya ulit ako pag hindi ako sumagot.

Papahiga na sana ako ng biglang may kumatok sa pinto. At dahil si Snow ang malapit sa pinto sya ang nag bukas.

"Oh Iced! Anong kailangan mo?"

Parang kagabi lang nandito sya. Nandito nanaman sya.

"Ibibigay ko lang sana ito."

Literal na naging tsismosa ako. Tiningnan ko ang ibinigay ni Iced. Isang maliit na box na dark Blue ang ibinigay nya.

Diba ganun yung lalagyan ng mga singsing pag mag propropose ka?

"Ah. Galing sayo?" Napatingin ako kay Snow dahil parang naging cold ang boses nya.

"Ah. Hindi. Nakita ko lang yan sa labas ng pinto. May note pa nga yan eh."

Lumabas si Iced at may kinuha sa baba. Binigay nya ito kay Snow.

"Ayan oh." Sabi ni Iced at marahang sinuklay ang ang buhok nya gamit ang kamay nya.

Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakita na biglang naging mas cold sa cold ang mukha nya.

"Layas na." Sabi ni Snow at pinagtatabuyan si Iced palabas. Lumabas naman kaagad ito. Pagkasarado ni Snow sa pinto ay napasandal sya sa pinto at napa buntong hininga.

"Ano yan?" Pang uusisa ko.

Lumapit sya saakin at umupo ulit sa kama at ibinato saakin ang box. At dahil tsismosa talaga ako ay binuksan ko ito.

Isang Bracelet na color Light Blue na may maliit na butterfly sa gitna.
Bukod dun wala na akong nakita sa box.

"Kanino daw galing?"

Ibinato nya saakin ang maliit na papel.

For Snow Ball :)

-Stripe

Stripe?

"Stripe?" Takang tanong ko

"Enemy ko." Sabi nya at iniwan saakin ang box at ang note. Humiga sya sa kama nya at nagtalukbong ng kumot.

Enemy na nagbibigay ng bracelet?

I think meron syang hindi sinasabi saakin.

And curiosity always kills me.

.

"Mag suot ka ng dress dyan. Kuha ka nalang sa closet ko." Napangiti si Snow habang isinusuot ang bracelet na binigay sakanya.

Ang weird nya talaga. Parang kanina lang ayaw nya sa bracelet pero kanina ginising nya talaga ako para lang sa bracelet nya dahil hindi nya daw ito makita. Pati yung note ay kinuha nya rin.

"Ah okay."

"Snow. Paano ako bibili kung wala naman akong pera?" Tanong ko habang hinahalungkat ang closet nya.

"Don't you worry. My treat."

Nakakita ako ng isang dress na color dark blue. Sakto lang ang haba nito.

"Bilisan mo na!" Sabi nya at pinagtatabuyan ako papasok ng cr habang hawak hawak ko ang damit.

"Hoy! Yung contact lens mo!" Sigaw saakin ni Snow dahil nakita nya naaan ang mata ko na mag kaiba ang kulay.

Ngayon nalang ulit ako nag contact lens dahil hindi naman ako lumalabas. At silang tatlo lang naman ang nakakita saakin. At silang tatlo lang din naman ang may alam ng tunay kong itsura.

Kinuha ni Snow ang contact lens sa drawer at lumpit saakin.

Sya talaga ang laging naglalagay nun dahil hindi ako marunong.

Nakabihis na nga pala ako at nakabihis na rin sya.

Market ba talaga ang pipintahan namin o party?

"Snow, Freya sabay sabay na tayo."

Hindi na ako nagtaka kung sino yun. Isang tao lang naman ang walang sawang pabalik balik dito at hindi inidya ang napaka taas na hagdan para lang makita ang kanyang iniirog.

Eh. Hindi bagay saakin.

"Nandyan na." Sigaw nya pabalik dito.

Binuksan nya ang pinto at unang pumasok si Iced. At sumunod si Winter

Hindi ko maiipagkakait na sila ay nag gagandahang lalaki.

"Bagal naman."

Pagkapasok nila ay Kaagad akong lumabas. Bahal sila dyan.

Pagkababa ko ng hagdan ay biglang may humatak saakin na lalaki papapunta sa madilim na bahagi ng hagdan na walang ilaw.

Ang higpit ng pagkahawak nya kaya hindi ko mabawi ang kamay ko.

Hindi ko makita ang mukha nya dahil padilim ng padilim ang lugar na. Kung saan nya ako hinatak. Naka suot sya ng Black na Jacket. At naka suot din ang hood ng jacket nya.

At masasabi ko talagang mainit ang kamay nya.

Itinakip nya ang kanang kamay nya sa bibig ko habang isinisik nya ako ako sa pader.

Hindi ako makalis dahil nasa corner kami. Nakatingin lang ako sa kanyang mata. Sa pula nyang mata at parang hindi na ako makagalaw sa ginagawa nya. Parang ang lalim ng mata nya.

"Trust no one." Saad nya at biglang nag itim ulit ang kanyang mata.

Nabalik na ako sa katinuan ko ng biglang may tumatawag saakin.

"Freya!"

Sabay kaming napalingon at bigla nalang syang umalis sa harapan ko at lumabas sa pinakamalapit na bintana na nakita nya.

"Ano yun?"

Tanong ko ng maka alis na sya.

"Trust No One." Pag ulit ko sa sinabi nya.

([A/N : Another Update dahil wala akong ginagawa. Sana hindi kayo nalilito sa mga pinaglalagay ko dito. Mag tanong nalang kayo ng kung saan kayo nalilito. Sa lahat ng tanong may kasagutan at may chapter na nakalaan.])

Buddies.



Cool Fire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon