Snow's POV
"Snow?" Isang malamig na pagtawag sa pangalan ko ang narinig ko kaya naman kahit mahirap maimulat ang mga mata ko ay tinary ko parin.
"Snow." Nagkaroon na ako ng kaunting vision pero malabo parin. Ano ba kasi ang nangyari? Bakit parang ang bigat bigat ng katawan ko?
"Snow. Ok ka na ba?" Ngayon ko lang napansin na boses pala ni Freya ang tawag ng tawag.
"Hmmm.. ata?"
"Ano nga kasi?"
"Oo na. Siguro?" Sinipat ko ang buong katawan ko. Andami ko palang pasa at sugat. Ano bayan!? Matagal kong iningatan ang balat ko tapos ganito lang ang mangyayari?!
"Ano bang nangyari?" Tanong ko rito.
"Naalala mo yung apoy sa blue forest? Lumaki yun at nung nakalapit yung apoy sa school ay literal na sumabog ito. Tumalsik tayong apat sa kung saan." Pahina ng pahina ang boses nya habang kinikwento nya saakin ang nangyari.
"Pero diba nakagawa ka naman ng Ice Wall?"
"I'm so sorry. Manipis lang ang nagawa ko." Pilt kong binabalikan ang lahat ng nangyari pero bakit wala akong maalala?
"Huwag mong piliting alalahanin. Dadarating ka din dyan." Sabi ni Freya at hinawakan ang kamay ko. Ewan ko lang ah. Pero pagkahawak ni Frey sa kamay ko ay napaka komportable ng feeling.
"Ilang araw na ba akong tulog?"
"4 days."
Ano!? 4days?! Ni minsan sa buong buhay ko ay hindi ko na try na matulog ng ganon ka tagal.
"Grabe naman pala. Nasaan na nga pala yung dalawa?"
"Ayun oh."tinuro nya ang dalawang kama na halos katabi ko lang. Bulag na ba ako? Bat hindi ko sila nakita?
Ang dalawang makulit ay napaka himbing ng tulog habang madami ring sugat katulad ng akin.
"Ikaw bat parang wla kng sugat?" Parang andaya naman kasi. Ako may pasa at sugat pero sya wala.
"Wala nga. Sunog lang." Inilabas nya ang kailwang kamay nya na kanina ko pa napapansin na nasa likod nya. Inilapit nya saakin ang kamay nya. At masasabi mo talagang malaki ang sunog nya. Siguro kasing laki ng fist ko.
"My god! Okay na ako sa pasa ko! Buti hindi ako nagkaroon nyan."
"Loko ka! Mas maganda kung wala."
"Kung sabagay."
"Gusto ko nang tumayo." Nasabi ko nalang habang pinagmamasdan si Ice na napaka himbing ng tulog. Ano bayan? Pati pag tulog ang gwapo parin.
"Sino ba ang nagsabi na bawal kang tumayo?"
Abat sumasagot ba sya?
"Para kasing may isang sakong bigas na nakapatong sa mga binti ko."
"Psh. Kaartehan." Mahinang bulong nya pero rinig ko. Agad syang tumayo at lumabas ng kwarto.
Kumunot ang noo ko dahil sa inasal ni Freya. Ay luh? Anong nangyari dun? Hindi naman sya ganun ah. Kahit halos mag dadalawang buwan palang sya dito ay kilala ko na sya. At alam ko na hinndi sya ganun mag salita.
Halos ilang minuto akong nag antay sa pag balik ni Freya. Pero ang laging pabalik balik lang ang taong gumagamot saamin. Pag tintanong ko naman kung nasaan ang babaeng nandito sa loob kanina ang isasagot nya ay hindi nya daw nakita.
Tumagilid ako para masilayan ang labas. Mag gagabi na pala. Unti nalang ay masisilayan mo na ang buwan nakaramdam ako ng parang tumutusok sa bandang siko ko. Umurong ako ng kaunti at kinapa iyon.
Hikaw?
Siguro kay Freya ito o kaya dun sa huling humiga sa kama na ito. Kinapa ko ang kapares nito na nasa likod ko. Inilagay ko ito sa taas ng table na katabi ng kama ko. Babalikan din naman yan ng may ari.
Ang boring naman dito. Bat kasi hindi gising yung dalawa?
Freya
Lumabas ako dahil naartehan ako kay Snow. Ewan ko ba. This past few days ayaw kong makita ang mukha nya. Pag nakikita ko naman ay naiirita ako.
Lakad lang ako ng lakad hanggang sa makarating ako sa garden. Napatingala ako sa taas. Unti unti na palang sumisilip ang buwan kasama ang mga bituin.
Umupo ako ilalim ng malaking puno na lumiliwanag. Ang dahon nito ay silver na kumikinang. Pinalabas ko ang yelo sa kamay ko at hinayaan itong dumaloy sa buong katawan ko. Pinikit ko ang mata ko para mas dama.Ito ang way ko para mag concentrate.
Natigil ako ng biglang tumunog ang malaking bell sa taas ng Academy. Hudyat ito na nag umpisa na ang gabi. At para paalalahanan ang mga kagaya ko na nasa labas na pumasok na.
Tumayo ako at pumasok sa 10th door. Halos wala ka nang makitang tao dahil nasa kanya kanya na itong dorm. Imbis na maghanda ako sa hagdan paakyat sa Hillary's Place. Ay pumunta ako sa way ng Clinic kung nasaan sila Snow.
"Excuse me?" Napalingon ako sa likod. Isang babaeng nakangiti na halos ka edaran ko lang at kakulay ko ng buhok ang nakita ko. Pares kami ng suot na uniform.
"Bakit?"
"Alam mo ba kung nasaan si Snow?"
At ano naman ang kailangan nya kay Snow?
"Nasa Clinic sya." Sagot ko rito.
Tatalikod na sana ako ng bigla nanaman syang humirit.
"Ahmm. Can you guide me? Ilang years din kasi akong nawala. Kaya parang hindi ko na sya gaanong kabisado."
"Sumabay ka na. Papunta rin ako dun."Cold na sabi ko at tinalikuran sya. Ramdam ko naman na sumusunod sya.
"Anong kailangan mo sakanya?" Tanong ko habang naglalakad kami.
"Wala lang. She is my roommate kasi kaya namiss ko sya." Magiliw na sabi nito.
Sakanya siguro yung mga damit na nasa ilalim ng kama ni Snow dati.
"Ikaw. Bat ka pupunta sa clinic?"
Hindi ko na sinagot ang tanong nya dahil nasa tapat na kami ng Clinic. Binuksan ko ang pinto at nakaagaw naman ito ng atensyon ni Snow.
"Buti bumalik ka." Masayang sabi nito
Lumapit ako sakanya.
"May naghahanap sayo."
Nagkaroon ng pagtataka sa mukha nya at bago nya pa ako tanungin ay pumasok na ang babae.
"Hi Snow!" Napatingin si Snow sa pinto at tiningnan kung sino.
Napatingin ako kay Snow at halatang halata na gulat ito. Napa kagat labi nalang ito. At ako naman ay natahimik lang at iniintindi kung anong relasyon ang meron sila.
"Strife."
Sambit nito at napaiwas ng tingin. Anong sabi nya? Pangalan ba yun ng babae?
***
Sorry sa typos. Kasalanan ng mga daliri ko😊
Mas dadalasan ko na ang pag U-Ud para masaya.😁😁
Sinong excited sa MAMA 2016? *taas paa!* Me!😂-SeokVRin😍😍