Iced POVHinahanap ko ngayon si Snow. Dapat kasi nagpapahinga na sya ngayon. Baka mamaya ma pano pa yun. Hindi pa man din magaling ang paa nya.
Kanina tiningnan ko sya sa kwarto nya wala naman dun. Mga nagkalat lang na damit ang nakita ko.
Habang naglalakad ako sa hallway hindi ko maiwasang makinig sa mga nagbubulungan.
"Bakit ganun? Parang ang panget nung bagong dating?"
Bagong dating? Teka! Sino nga ang bagong dating?
Tama si Freya!
Hinawakan ko ang balikat ng babae at Pinaharap ko sya saakin. Bakit sya pa? Sa lahat ng babae bakit sya pa? Bakit si Sierra pa?
"Oh! Hi Ex."
Binitawan ko ang balikat nya.
Tama kayo Ex ko si Sierra. Pero naghiwalay kami nung malaman kong ginagamit nya lang ako para mapalapit kay Winter.
Tch. Ang landi nya talaga.
Hindi ko alam kung bakit ko sya pinatulan
Teka! Nasaan na nga pala si Winter? Naghiwalay kasi kami kanina magpapahinga lang daw sya sabi nya.
"Siguro na isip mo na mahal mo parin ako noh?"
Mahal?
Kung hindi lang toh babae malamang nasuntok ko na ito.
"Hinahanap ko kasi Snow nakita mo ba sya?"
Pagiba ko ng usapan.
"Ah si Snow? Ayun may kasamang ugly duckling! Pumunta ata sila sa Dining Center."
Hindi ko na sya sinagot. Naglakd na ako papunta sa Dining center at hindi nga nagkakamali si Sierra. Alam na alam kong si Snow yun dahil likod nya palang alam na alam ko na. Sya lang naman ang may pinakamagandang likod sa lahat.
May katabi syang babae. Siguro si Freya yun. Kumakain sila.
Lumapit ako ng dahan dahan. Para hindi nila malaman na nasa likod na nila ako.
"Hi guys!"ako
"Damn it Iced!" Freya
"You gave us a heart attack!"
Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa itsura ni Snow. Pero kahit anong itsura nya ay maganda parin sya.
Umupo ako sa tabi ni Freya.
Freya POV
Binigyan ng lalaking mukhang waiter ng pinggang may kanin si Iced.
"Mukhang seryoso kayo sa pinaguusapan nyo ah."
"Ah yun ba? Kinikwe-"
Hindi ko na natuloy ang pagsasalita ko ng may umapak sa paa ko. At dulo pa talga ng heels nya ang pinang apak nya.
Feeling ko papuputol ang mga daliri ko sa paa sa sobrang sakit
"Ah Kinikwento ko sakanya kung bakit sya nandito."
***
"Sa susunod dahan dahan ka sa pagsasalita mo ah."
Kanina nya pa ako sinisermonan. Kesyo daw wag daw maging madaldal.
Hindi ko na nga sya pinapakinggan. Nag bubusyhan nalang ako sa pag tingin sa paligid. Maganda talaga ang lugar na ito. Nagpaganda pa rito ay kulay baby blue ang mga dingding. May mga painting na nakasabit sa mga dingding siguro mga kasing tangkad ko yung mga painting. Mataas ang mga kisame dito. At mga crystallize na chandelier ang mga makikita mo sa kisame at talagang napakanda nun.
BINABASA MO ANG
Cool Fire Princess
FantasiaFreya Firice Ice Lopez the long lost Cool Fire Princess.