"Buti bagay sayo ang damit!" Sabi ni Snow habang tinutulungan ako sa contact lens ko.Hindi ako pwedeng lumabas ng dorm ni Snow hanggat wala akong contact lens. Utos yan ni Ms Flare. Hindi daw kasi pantay ang kulay ng mata ko.
Nagyon ang first day ko sa Ice Academy. Mga tatlong ako na rin pala ako dito. Kahapon hindi muna ako pumasok dahil kailangan ko pa kasing iadjust ang sarili ko dito.
Nainformation over load kasi nung last na kwentuhan ni Snow
So kahapon sinamahan ako ni Iced na maglibot. Habang naglalakad kami hindi sinasadya ni Iced na aminin na may gusto sya kay Snow. Actually, na dulas lang sya. Sabi ko na nga ba eh simula palang na aamoy ko na ang akwardness sa kanilang dalawa eh. Kahapon ko lang din nalaman na dati magkaaway si Winter at Iced nasa Mortal World palang sila. Pero nagging magkaibigan sila nung sabay daw silang kinuha ng kakaibang puno. I think yung tinutukoy nya ay yung Blue Tree.
"Yan tapos na."
Kinuha ni Snow ang dalawang coat nasa kama. Kasing haba ng coat ang puting polo. Hindi ko alam kung bakit ko yun tinatawag na coat kung blazer na yun Yung isa sinuot nya yung isa naman iniabot nya saakin.
"Suotin mo yan."
Sinuot ko naman ang coat. Napatingin ako sa human size mirror. Bagay na bagay saakin ang suot ko. Parang pang Princess na uniform na kulay blue ang uniform.
Basta maganda sya!
Buti nalang talaga maputi ang legs ko at bumagay sya sa above the knee kung palda.
"Huwag kang magalala maganda kang tingan."
Napalingon ako sa likod. Naka smile saakin si Snow. Binuksan na nya ang pinto.
"Tara na."
Minsan talaga lumalabas ang kabaitan ni Snow. Mabait naman sya eh nagmamaldita lang minsan.
Lumabas na ako ng kwarto nya. Nasa hallway na ang mga babaeng nakauniform katulad ng suot ko ang kinaibahan lang ang pin na nasa kwelyo ng blazer ko. Sa kanila isang color blue na feather ang nasa kwelyo nila samantalang saakin ay isang agila na may color blue na pakpak naka side view ito.Ano kaya ang ibig sabihin nito?
Para kasi syang meaning full. Sinusudan ko lang si Snow. Kahit na tatlong araw na ako eh hindi ko parin kabisado ang lugar na ito. Parang hindi mo nga sya makakabisado eh. Sa sobrang laki ng lugar na ito. Base sa kwento ni Iced ang school na ito ay may dalawang basement. Ang Upper basement at ang Lower basement. Ang mga nasa Upper basement ay ang mga nag lalakihang library daw at kung ano ano pa na tungkol sa Ice kingdom. Pero ang Lower basement ay isang lugar daw sa Ice Kingdom na bawal puntahan ng mga estudyanteng katulad ko. Isa daw yung forbidden na lugar
Taray no? May pa forbidden forbidden pang nalalaman!
Ano kaya ang laman ng Lower basement? Na kaka curious!
"Holy Ice!"
Nabalik ako sa katinuan nung biglang mag salita si Snow ngayon ko lang na pagtanto na nasa harap na pala ako ng isang malaking door na kulay blue.
Hindi ko na ako nag taka parang hindi nga ako na ka kita ng color black dito eh.
Hinawakan ni Snow ang doorknob at saka binuksan ang pinto. Tumambad saakin ang isang napalaking classroom. Halos katumbas ito ng dalawang bahay. Mga nasa 70 na upuan din ang nandito at may maliit na lamesa na unahan. I think teachers desk yun. Color blue ang dingding, Parang kulay ng yelo naman ang sahig, may isa rin itong crystallize na chandelier sa taas.
"Close your mouth."
Napahawak ako sa bibig ko. Hindi naman nakabukas ah!
"Seat beside me."
BINABASA MO ANG
Cool Fire Princess
FantasíaFreya Firice Ice Lopez the long lost Cool Fire Princess.