Freya POV
Pinaglalaruan ko ang yelong nasa kamay ko ng biglang may tumawag sa pangalan ko.
"Rice. Kain na tayo."
Binuksan ko ang pinto at nilock gamit ang mga yelong hindi kayang tunawin ng kanino man. Lagi kong nilolock ang kwarto ko para walang makapasok kasi tiyak na mamamatay ka sa ginaw pag pumasok ka sa kwarto ko.
Nadatnan ko si mom at Amie na kumakain na ng Hapunan. Umupo ako sa pwesto ko at nag simula ng kumain ng biglang nag salita si Amie
"Ate wala tayong malamig na tubig. Lagyan mo ng yelo ang pitchel."utos ng kapatid ko at ginawa ko naman Isang hawak ko lang sa pitchel ay naging malamig agad ang tubig. Ininom naman ng kapatid ko at napa woahh sya.
Ako nga pala si Freya Firice Ice Lopez 18 years old nakatira ako sa bahay ng mga Lopez. Hindi ko sila tunay na mga pamilya ang kwento saakin ng mommy mommyhan ko eh kaibigan daw sya ng mommy yung totoo kong mom. Iniwan daw ako sakanila nung baby pa ako at may nakalagay daw na maliit na sulat sa tabi ko ng makita nila ako at nakalagay daw sa sulat na itago daw ang tungkol sa kapangyarihan ko at pangalanan daw akong Freya Firice Ice walang nakakagay na Last name sa sulat dahil parang may nagpunit sa sulat kaya ang bagong apilyido ko nlang ay Lopez. At ako ang naging dahilan ng pag kamatay ng daddy daddyhan ko ipinagtanggol nya kasi ako mula sa mga masasamang tao na gustong patayin ako dati nalaman kasi nila ang tungkol sa powers ko. Kaya nandito kami ngayon sa Province para mag bagong buhay.
"Mom, pupunta po muna ako sa Bahay ni Patrick. "
Tumango naman si mommy. Ganyan talaga kami sa bahay laging tahimik. Nung kailan lang kasi nailibing si daddy buti hindi nya ako sinisi sa pag kamatay ni Daddy
"Ate gawaan mo nga ako ng roses na made of ice. Yung hindi na tutunaw para lang sa nililigawan ko."sabi naman ng isa kong kapatid na si Louie
"Ikaw talaga kuya. Dumadamoves ka nanaman kay Ate Shanin. " Amie
Napailng nalang ako sakanila. Tiningnan ko ang baso na may lamang tubig at ipinuwesto ko lang ang kamay ko sa tabi ng baso at nag simula ng lumabas ang tubig at nag form ng roses na made of ice. Kinuha ni Louie ang roses at nag thank you saakin.
"Da Best ka talaga ate. "Sabi ni Louie
"Ako pa ba?"mayabang na sabi ko
"Mommy alis na po ako. "Sabi ko at tumayo na. Lumabas na ako ng bahay at nag lakad medyo malayo ang bahay ni Patrick at kailangan mo pang dumaan sa gubat.
Madilim na ang buong gubat. Pumasok na ako sa gubat. Suot suot ko ang earrings na unang gawa ko nung bata pa ako gawa ito sa kulay red na ice. Hindi ko nga alam kung paano ko nagawa yun basta iniisip ko lang sya at yun naging kulay red ang yelo.
"Eya"
Napalingon ako sa likod pero walang tao. Sino kaya ang tumawag saakin?
Binilisan ko pa ang lakad ko at natanaw ko na ang bahay nila Patrick. Pero narinig ko ulit ang boses. Pero this time mas malakas na at Full name ko na."Freya Firice Ice."
"Dude." Nagulat ako ng biglang lumusot si Patrick sa harapan ko.
Paanong?
Pero imbis na itanong ko kung paano sya na punta sa harap ko eh tinanong ko kung kamusta na sya mahirap na at baka maghinala pa sya na may narinig akong creepy sound. Minsan nag hinala na si Patrick na may powers ako eh minsan kasi hinawakan nya ang kanang braso ko at tinanong nya ako kung bakit malamig para daw akong may yelo sa loob pabiro ko syang sinagot na pumasok ako sa loob ng ref namin at hindi lamg sya isang beses nag hinala.
"Anong balita?"tanong ko
"Eto maganda parin."
"Hahaha. "
"San mo gusto pumunta?"sabi nya at inakbayan ako
"Sa mundong wala ka."sabi ko
"Ang hard mo talaga." Sabi nya at umaarteng nasasaktan ang puso nya
"Tara dun tayo sa Special Tree. "
Tinuro nya ang direksyon papuntang Special Tree. Bakit ba bata pa kami nung pinangalanan namin ang punong yun.
Naglakad kami papunta dun ng nakaakbay sya saakin
"Dude alam mo may sasabihin ako sayo sa tamang panahon."sabi nya at tumingin saakin nag tama ang mga mata namin at nag smile sya saakin nandito kami ngayon nakaupo sa isang malaking ugat ng Special Tree namin. Nakaakbay pa rin sya saakin na hinayaan ko nalang.
"Bat hindi mo na sabihin ngayon." Kunwari may paki ako sa sasabihin nya pero wala naman talaga.
"Hapon na gabi na iuuwi na kita. Bat pa kasi pumunta dito alam ko naman na gubat ang dadaan mo dito."panenermon nya
Tumayo na sya at inalalayan din akong tumayo napatingala ako at nakita ko ang langit na punong pumo ng stars napangiti ako.
"Hay kaya ko ng umuwi. "
"Nakapunta nga ako dito ng ligtas eh. Atsaka kabisado ko na ang gubat. "
Sabi ko at umalis na nag wave sya saakin at nag wave din ako sakanya. Nagsimula na akong maglakad papunta sa way na opposite sa wat ni Patrick. Gusto ko lang naman sya makita kahit gabi na.
"Freya"
Narinig ko nanaman ang boses pero imbis na balewalain ko eh sinundan ko kung saan nanggagaling ang tunog at hindi ko na pansin na nag iiba na ang kulay ng paligid parang nagiging light blue ang paligid at naging malamig na din ang pakiramdam ko na.
"Freya."
Narinig ko na galing sa Special Tree ang boses ka bumalik ako ssa puno at kakaiba na ang nakita ko. Mayroon na syang portal na kulay blue. Maaninag mo na parang may kung ano sa portal na yun.
"Sabi ko na eh kakaiba ka talagang puno ka eh."sabi ko sa sarili ko
Lalo pa akong lumapit sa puno at ng malapit na ako eh parang may humihila saaking malakas na hangin.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Palakas ng palakas ang hangin pero pinipilit ko paring lumayo sa portal pero hinahatak parin ako nito dahil sa lakas ng hangin pati ang sanga ng puno na nasa sahig ay natangay na at saktong sakto pa posisyon ko kaya biglang tumama ang sanga sa noo ko.
At nadala na ako ng hangin sa loob ng portal.And all things went black
Yes! Natapos ko din ang unang chapter! Party! Party! Hahahaha!
Vote?
Comment?
Follow me?
Please?
I hope may mag basa nito *puppy eyes* :)