"Ano yan?"Agad kong itinapon ang picture sa ilalim ng kama
"Ah wala!" Pagsisinungaling ko
"Hindi eh meron akong nakitang litratong hawak mo!"
Tinapon ni snow ang hawak nyang towel sa kama saka lumapit saakin.
"Wala!"
Pero imbis na pansinin ako dire diretso lang sya a pag punta sa pwesto ko. Kinuha nya ang litrato sa ilalim. Ng makuha na nya nalagyan na ito ng kaunting alikabok. Hinipan hipan nya ang mga alikabok. Napa tingin sya saakin ng diretso ng makita na nya ng malinaw.
"Saan mo ito nakita?" Mariin nyang sabi saakin bakas sa boses nya ang pag kaseryoso at pag tataka.
"Nakaipit lang yan sa libro."
Kinuha ko ang libro sa kama. Binuksan ko ang unang pahina kung saan nalaglag ang litrato. Inagaw saakin ni Snow ang libro. Nilaggay nya ang litrato sa kama. Binuklat buklat nya ang libro.
"Hindi ito libro, isa itong album, lumang album."
Tiningnan ko ang libro. Tama nga sya hindi ito libro! Isa syang lumang album na may mga litratong luma na. Binigay ko ang album kay snow. Kinuha ko ang litrato sa kama.
Parang nakita ko na ang babaeng ito
Saan ko nga ba sya nakita?
Sa painting!
Anak ito ako nung bata pa ako..
Biglang nag salita si mom sa utak ko.
Biglang nagsink ang isang pangyayari sa utak ko.
Mom ang ganda nyo pala noon.
Nanbobola ka pa! Ikaw talagang bata ka!
Birthday! Sofa! Tama!
"Si Mom! Sya yan! Sya yan ang babaeng nasa litrato!"
Tumingin ako kay Snow. Nakatingin sya sakin ng seryoso at nagtataka.
Tumayo ako at umupo sa kama. Umupo rin si Snow sa tabi ko.
"Hindi ako pwedeng magkamali! Sya yan nung bata pa sya! Actually nung dalaga pa sya! Naalala ko nung bata pa ako may pinakita syang album! Lumang album! Nakita ko ang itsura nya nung dalaga pa sya! Ganyan ganyang ang itsura ni Mom!"
Birthday ko nung araw na yun. Pero imbis na mag celebrate, nakasalampak lang ako sa sofa at naka tingala sa sofa. Nang biglang dumating mom na may hawak na album.
Bata palang ako kinupkop na nila ako. Actually baby palang ako. Hindi ako nagcecelebrate ng birthday ko taon taon.
Pinakita nya saakin ang mga litrato nya nung dalaga pa sya. At syang sya nga ang nakita ko sa litratong hawak ko ngayon. At sya din Ang nakita kong babae sa painting na nakita ko sa hallway. Kaya pala parang pamilyar saakin ang mukha nung babae!
Ang pinagtataka ko lang bakit may litrato si mom dito? At bakit din sya may painting dito?
Hindi kaya si Mom si Princess Crystal na nawawala?
"Anong pangalan ng mom mo?" Napatingin saakin si Snow
"Hindi ko alam ang pangalan ni mom! Pero ang palayaw nya ay Jice!"
Naalala ko ang nakasulat sa likod nang litrato
Our First Picture Jice..
Pinakita ko ang nakasulat sa likod ng litrato kay Snow.
"Base sa nabasa ko ay ang palayaw ni Crystal ay Jice. Hindi kaya ang mom si Princess Crystal?" Lumawak ang ngiti ni Snow sa labi nya.
Bigla syang tumayo at lumapit sa pinto. Agad ko namang hinatak sya. Halatang nagulat sya sa ginawa ko.
BINABASA MO ANG
Cool Fire Princess
FantasíaFreya Firice Ice Lopez the long lost Cool Fire Princess.