Chapter Two : New Journey

203 23 0
                                    


Freya POV

Nagising ako sa isang lugar na hindi normal. Napatayo ako sa pagkakahiga. Napatingin ako sa paligid.

Blue leaves?

Bakit may color blue ang mga dahon dito?

Tapos ang buong paligid ay napaka lamig. Naglakad ako ng naglakad.

Nasaan ako?

Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang pinaka gusto kong puno dati ang Special Tree. Nilapitan ko ito at pinag sisipa.

"Shit! kang Special Tree ka! Saan mo ako dinala? Akala ko pa naman Special ka!"sigaw ko

Teka! Kung nasa ibang lugar ako bakit nandito ang Special Tree?

Nasaan na ba ako?

"Winter, dito na ba yun."nakarinig ako ng boses ng ibang tao naramdaman ko napalapit na sila dahil naririnig ko ang mga yapak ng paa nila.

Nagtago ako sa likod ng puno at sumilip. Nakita kong may dalawang lalaki at isang babaeng halos magkakapares sila ng mga suot. Naka puting polo sila na long sleeves at naka skirt ang babae na kulay dark blue at naka coat sila na dark blue din. Ang buhok ng babae ay hanggang shoulder na color light blue. Ang dalawang lalaki naman ay may ilang strands ng buhok nila na may light blue.

Sino kaya sila?

Bakit ganyan ang mga istura nila?

"Dito yun." Sabi ng lalaki na nakalagay ang kamay sa bulsa ng coat nya.

Mukha naman silang mababait bukod lang sa isang lalaki na nakapamulsa iba ang nararamdaman ko sakanya. Feeling ko mapanganib sya.

Lumabas ako sa pinag tataguan ko itinago ko ang kanang kamay ko sa likod at pinalabas ang yelo sa kamay ko.

Incase of emergncy na masasama sila!

"Sino kayo?"

Napatingin sila saakin

"Sya na yun?"yung babae

Sya sino yun ? Ako ba yung tinutukoy nya?

"Sinong sya?"tanong ko

Grabe ang weird na talaga ng nangyayari!

Nakatingin lang saakin ang dalawang lalaki at nag crossed arms naman ang babae at inirapan ako.

"Ikaw."

Sabi nung lalaki na mukhang mabait. Lumapit sya saaki at inilahad nya ang kamay nya para makipag kamay.

Biglang nawala ang yelo sa kamay ko.

Baka manlamig lang sya sa kamay ko?

Baka makapatay pa ako ng tao?

Pero mukha talaga syang mabait.

"Huwag kang matakot pares lang tayo."sabi nya

Anong Pares? May kapangyarihan din sya? Teka! Nasaan na ba talaga ako? Dapat kasi hindi na ako umalis ng bahay.

"My name is Iced with D."sabi niya

Magkapares kami ng pangalan na Ice.

Napatingin ako sa dalawa na hindi parin umaalis sa pwesto nila.

Tinaggap ko ang kamay nya at nag salita.

"My name is Freya Firice Ice." Nagulat sya nung sinabi ko ang third name ko

Dahil magkapares kami ng pangalan?

"Magkapares tayo ng pangalan."sabi nya at humarap sa mga kasama nya.

Napansin ko nung nakipag kamay ako sakanya na malamig din ang kamay nya at maputing maputi ang palad nya na katulad din saakin.

"Guys, Freya."

Pinakilala nya ako sa dalawa at umirap lang ang sagot ng babae. Inilagay naman ng lalaki ang kamay nya sa bulsa ng pants nya.

Cold.

"Narinig namin."sabi nung babae

"Freya sya si Snow."turo nya sa babae

So, Snow pala ang panglan nya?

"Sya naman si Winter."turo nya sa lalaki na cold.

Iced? Snow? Winter?

What the heck?

Weird names!

"Tara, balik na tayo sa Iced kingdom."aya ng babae

Iced kingdom ano yun?

Ayoko na information overload!

"Tara?"tanong ni Iced na katabi ko na pala.

"Saan tayo pupunta?"

"Sa lugar kung saan ka nararapat. Sa lugar kung saan nandun ang mga katulad natin."

Sa lugar kung saan ang nga katulad ko?

Saan?

Naglakad na sila at naiwan akong nakatayo sa pwesto ko.

Kusang gumalaw ang mga paa ko pasunod sa kanila.

I hope this is the start of my journey.

Short update! Next chapter nasa iced kingdom na sila.

Vote?

Comment?










Cool Fire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon