Chapter Eleven : Training to Battle

164 12 4
                                    

Ice POV

Napatingin ako sa pintuan na biglang bumukas. Niluwa nito si Winter na hindi umuwi kagabi. Buong gabi ko syang inantay. Naalala ko nanaman tuloy ang nakita ko kahapon.

Ang galing rin palang dumamoves si Winter! Minsan nga magpapaturo ako sakanya.

"Pre, Saan ka galing?" Tanong ko

"Wala." Matipid nyang sagot

As i expected matipid ang sagot nya. Si Winter pa ba? Man of few words ata yun.

"Anong wala? Nakita kita kahapon kaya."

Napatingin sya saakin at inaantay ang mga susunod kong sasabihin.

"Nakita ko kayo ni Freya na magkaholdings kahapon. Tapos nakita ko pa na ngumiti ka. Yung totoo kayo ba?"

Alam kong masyadong direct to the point ang tanong ko. Pero okay lang yan magkaibigan naman kami ni Winter.

"Hindi."

As i expected matipid ang sagot nya.

Pumasok sya sa loob ng CR. Ano bastusan lang?

Napabuntong hinga nlang ako sa inaasal nya.

"Kelan kaya sya mag babago?" Saad ko saka bumalik sa ginagawa ko.

Freya POV

Ngayon ang first day namin dito sa Hillary's Place. Base sa mga nabasa ko ang Hillary's Place ay ang kwarto ni Miss Hillary Jean.

Isang Princess si Hillary naging prinsesa sya dahil kay Princess Crystal. Actually mag kaibigan sila. At nung panahon na nawala si Crystal yun din ang panahon na nawala si Hillary.

Nakaka inis ang lugar na to!

Bakit lahat ng tao dito nawawala?

Ano bang meron sa lugar na to at ang daming nagiging missing?

Sa lahat ng nabasa kong libro lahat walang litrato ni Hillary. Tanging mga info lang ang nakalagay. Puro litrato lang ni mommy ang nakikita ko. Or should i say Crystal. Pero wala kay Hillary.

Ano kaya ang itsura nya?

Bakit kaya ganun?

Hindi ko alam bakit dito ang kwarto namin. Pwede naman kami sa ordinaryo lang. Nasa tuktok ang Hillary's place kaya naman pasakit ang pagbaba at pag akyat namin ng hagdan.

"Bilisan mo nang magbihis. Baka malate tayo."

Ngumiti ng marahan si Snow. Pati siguro sya tinatamad.

Totoo naman kasing nakakatamad. Ang layo kaya!

****

"Oh Winter! Ang aga mo ah!" Yan agad ang bungad ni Snow kay Winter nang makapasok kami sa Room

Napatingin si Winter kay Snow. Nag smirked sya at napatingin sa gawi ko nasa likod ni Snow.

Nagkatinginan kami kaya mas lalo ko pang siniksik ang sarili ko sa likod ni Snow.

Hindi ko alam pero parang biglang uminit ang pisngi ko. Feeling ko ang init.

Umupo ako sa upuan ko. Katabi ni Winter. Paulit ulit nanaman nag sink sa utak ko ang mga nangyari.

Pag kaupong pag kaupo ko palang ay feel na feel ko na ang Awkwardness na bumabalot saaming dalawa.

Hindi ko alam pero parang bakit ang big deal nung pag hawak nya sa kamay ko?

Wala lang naman yun diba?

Nakatitig lang ako sa board hanggang sa dumating si Ma'am.

"Go to training room now." Without looking at us. Agad na lumabas si Ma'am.

Cool Fire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon