Napakalapad ng ngiti ni Feby habang papasok sa main entrance ng IOrg. Group building. Dahil sa bagong lavender highlights ang kanyang buhok hindi naman iyon nakaligtas sa puna ng guard at ng iba pang kasamahan. Bukod doon hindi rin niya inaasahang madaming babati sa kanya.
Literally, it's her day.
"Happy Birthday Feby!" yakap sa kanya ni Sandy, ang lagi niyang kasangga sa mga events.
"Thanks!" pahayag niya. "Regalo ko?" At nilahad ang palad kay Sandy.
"Later. Nagpabili na kami ni Boss ng cakes."
"Malakas talaga ako kay Boss, ano? Akalain mo nauna na agad iyon."
"Oo nga. Pero, ewan ko lang din. Baka ayaw lang niyang sirain ang araw mo."
Natigil ang pag-aayos ni Feby sa kanyang desk at binalingan si Sandy. "Bakit? May nangyari bang ikakasira ng araw ko?"
Nilapitan siya ni Sandy. Bahagyang umupo sa desk niya.
Sa ibinalita ni Sandy hindi napigilan ni Feby ang pagkulo ng dugo. Sa ilang taong trabaho bilang event organiser ay napag-aralan at napagsikapan niyang timpiin ang damdamin dahil iyon ang numero unong required na katangian sa kanyang karera.
Gayunpaman, hindi niya akalaing mauungkat muli ang feedback ng isang speaker na tila may kaugnayan pa yata sa ginagawa niyang event ngayon. Ayon sa pagpapaalala ni Sandy sa kanya, masyado daw niyang pinakialaman ang huling convention na inasikaso nila. Na maging ang topic at lectures ng speaker ay kanya ding binusisi, dinagdagan, at binawasan. At dahil sa nangyaring iyon, lumabas ang hindi magandang impresyon ng speaker patungkol sa kanya.
"Ganoon naman talaga ang gawain ko, 'di ba? I want my event to be perfect! Kaya kahit sa pinakamaliit na bagay, kakalkalin ko talaga," mahinahon niyang tugon sa mga sinabi ni Sandy.
"Siguro kasi na-surprise sa mga pagbabago ng topic niya 'di ba? Hindi mo ba pinaalam sa kanya ang sudden changes noon?" tanong ni Sandy.
"I texted her. Ilang ulit ko din siyang pinadalhan ng email nang hindi ma-contact ang phone niya. Naging maganda naman ang speech niya ah! Ano bang ipinuputok ng butsi niya?"
"Pero Feby may changes din pala sa up coming event ng Charm Bliss Scent," bulong nito na ang itinutukoy ay ang kasunod na trabaho.
"Talaga? Sabi ni Boss?" hindi makapaniwalang tanong ni Feby. Tumango si Sandy. Wala pa mang hinaing na kontrata sa kanya ang kliyente nila ay nakakasiguro naman si Feby na hindi naman magbabago ang isip ni Mr. Ibarra na ipahawak ang event sa iba. Dahil dito na mismo nanggaling na kailangan din niyang humawak ng ilang party na hindi naman din niya tinanggihan.
Hindi nagtagal ipinapatawag na nga si Feby ni Mr. Ibarra. May nakukutuban siya. At hindi maganda iyon sa palagay niya. Nang makarating sa opisina ng Boss isang bati kaagad ang sinalubong noon sa kanya. Katatapos lang din niyang magpasalamat dito nang dumating ang dalawang box na in-order na cake.
"Naku si Boss talaga. Ang bait-bait mo talaga sa'kin! Salamat po." Pero kahit na nag-abala pa ito ng cakes hindi pa rin nito kayang pawiin ang kaba nang maalala ang sinabi ni Sandy sa pagbabago ng event niya. Dahil sigurado siyang hindi lang naman siya pinapunta ni Mr. Ibarra sa opisina nito para lang sa mga cake.
Pinaupo siya nito. "By the way, I told Sandy there's a change on Charm Bliss Scent. And unfortunately, it's a big change dahil umatras si Mrs. Contreras na maging partner tayo sa product launching nila."
"Bakit naman daw po?" buong pag-aalala ni Feby. Ang buong akala kasi niya'y makahahawak na rin siya ng isang malaking event party. Iba ito kumpara sa mga simpleng party lang na inasikaso niya. Sa katunayan sa sobrang excitement ay sinimulan na nga niyang abisuhan ang ilang supplier nila tungkol dito gaya ni Chef Lee.
"We both know that it's your first time handling an entire product launch party di 'ba? But I chose you and trusted you to do this. Pero... Mrs. Contreras made their decision to just dropped us and recommend another. Iyong pamangkin na lang daw niya ang mag-aasikaso ng event."
Ang pag-aalala nga ni Feby ay mas lumala pa. "Alam po ba niyang ngayon lang ako hahawak ng product launch?"
Tumango iyon. "Pero nang sabihin ko sa kanyang madami ka nang successful convention, conferences at some parties na inasikaso noong first meet namin, hindi naman siya nabahala. But remember Mrs. Ofelia Fidel? Iyong speaker na nakasagutan mo back stage sa recent event mo? That woman told her about you. Magkaibigan pala sila."
Kaya naman pala! Nakuyom ni Feby ang kamao. Dahil kung magkaibigan nga ang speaker na kaninang pinag-uusapan nila ni Sandy at ang may-ari ng Charm Bliss Scent malamang na na-ikuwento na ng speaker na iyon ang nangyari sa pagitan nila.
Request ng client niya na maging speaker si Mrs. Ofelia Fidel sa convention nito dahil naging matagumapay daw iyon sa larangan ng negosyo. Pero hindi niya lang inasahan na may katarayan at masyadong bilib ito sa sarili. Pero ganoon pa man humanga siya kay Mrs. Fidel kahit nagkaroon ng mga pagbabago sa topic nito sa mismong event. Iyon nga lang kung anu-ano namang mga salita ang natanggap niya mula dito pagkatapos. At kung nagkasagutan man sila ng araw na iyon at tila siya pa ang naipit sa pagitan nito at ng client niya, wala na kay Feby iyon at pinalagpas na lang. Sa huli kasi ay nalaman niyang may iringan pala ang dalawa matagal na. Basically, naka-moved on na siya doon. Pero ang anino pala nito, tila sinusundan pa din siya at gusto pa yatang hatakin pababa ang career niya.
"Boss naman sana hindi muna kayo pumayag," may tonong pagka-asar na sabi ni Feby. "Paano na ang credibility natin kung hahayaan niyo silang hindi ako pagkatiwalaan?"
Pakiramdam ni Feby initsa-puwera siya agad-agad. Namuo ang dismaya niya sa boss niya na basta na lang hinayaan na mawalan sila ng malaking kliyente. Araw-araw sabik pa naman siyang asikasuhin ang product launch na ito dahil gustong-gusto niya talagang mahawakan ang ganito.
Naiinis siya kay Mrs. Contreras na biglang binawi ang tiwala sa kanya. Minsan na rin naman siyang naging bahagi ng grupo sa pagla-launch ng products noong unang taon niya sa IOrg. Group kaya may karanasan na rin siya kahit paano. Pinag-aralan din naman niya kung paano gawin ito. Sana'y binigyan man lang siya ng pagkakataon ng ginang. Pero ang lalong ikinasasama ng loob niya ay ang impluwensiya ni Mrs. Fidel. Ipinagkalat na ba nito na hindi siya magaling na event organiser?
Nakikipagdiskusyon pa si Feby kay Mr. Ibarra nang maputol iyon ng sunod-sunod na pagkatok sa pintuan. Lumapit si Feby doon upang buksan.
"Hi, I'm looking for Mr. Ibarra."
Hindi kaagad nakasagot si Feby. Natulala na lang kasi siya sa lalaking nasa harapan.
"Come in toot-" Mabuti na lang at napigil ni Feby ang dila. Ilang araw na ang lumipas pero malakas pa din ang dating sa kanya ng lalaking ito. Ano kayang ginagawa ni toothpaste model dito?
"Good morning Mr. Ibarra," pakikipagkamay niyon nang makalapit sa boss niya. "I'm Fernand dela Torre from Charm Bliss Scent."
"Ikaw ba iyong pamangkin niyang hahawak sa event?" tanong ni Mr. Ibarra.
"Opo. Ako nga po," nakangiting pahayag nito.
Hindi pa man nakaka-recover si Feby sa pagsulpot ng lalaking ito sa building nila ay ginulat na kaagad siya nito sa mga isiniwalat. Ito pala ang ipinagmamalaki ng kliyente nila? Isang lalaki ang ipinalit sa kanya?
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Pag-Ibig Na Hinintay (Soon To Be Published)
RomantikFeberly "Feby" Soriano was indeed career oriented. A real stubborn at times na mahilig sa mga nauusong palda. Iyon nga lang pagdating sa mga manliligaw ubod ng pihikan at suplada. Kahit pa pawala na sa kalendaryo ang edad niya! Though secretly, she...