Nakapagpaalam na si Fernand kay Feby at sa pamilya nito. Pero heto siya't kasalukuyan pa ring nakatukod sa manibela. He's not that problematic. In fact he felt so light, so gentle. Nakahinga siya ng maluwag. Nasabi niya ang damdaming pilit hinahadlangan at itinatago ng sariling puso. Pero kung hindi niya nadinig ang mga sinabi ni Feby kahit hindi siya sigurado kung sino ang tinutukoy na gusto nitong pakasalan, marahil hindi naman niya masasabi ang mga iyon. At ang maisip na si Terrence ang napili nito, doon na siya naalarma.
Kasabay din ng kanyang pag-iisip, hindi rin maalis sa isip niyang marahil ay may lihim na rin sigurong pagkagusto si Feby sa kanya. Kaya ganoon na lang ang reaskyon niyon sa mga sinabi niya. Hindi niya lang talaga nabigyan ng pansin ang tunay na damdamin nito sa kanya. At kahit na nabihaghani siya dito noon pa mang tinarayan siya nito sa opisina ni Mr. Ibarra ay binalewala din niya ang damdaming iyon. Pero nagawa niya lang iyon para rin naman sa dalaga. Ayaw niyang masaktan lang ito dahil sa padalo-dalos na damdaming hindi pa naman niya sigurado. Ayaw niyang gawing panakip-butas si Feby at samantalahin ang damdamin nito sa kanya. But now it was really him who made Feby fall for Terrence. Kung sana ay hindi na lang niya ito ipinakilala at pumayag na maging tulay sa mga lintik na mga bulaklak na may gayuma. That cassanova friend of him, matinik talaga. Dinaluyan na lang din siya ng init ng ulo sa ganoon pa ring puwesto. Ganoon na lang kasi ang pangamba ni Fernand kung saan kaya nito dinadala si Feby sa tuwing umaalis sila. Naputol ang pag-iisip niya nang mag-ring ang kanyang phone. Si Feby ang tumatawag.
"Bakit hindi ka pa umaalis? May problema na naman ba?" bungad kaagad niyon hindi pa man siya nakakapag-hello. Mula sa kotse ay tanaw niya mula sa kuwartong nasa itaas ang nakasilip na si Feby. Tinted ang salamin ng kotse niya. May pag-aalala ang boses ni Feby dahil sa hindi siya nito nakikita.
"Oo," ngiti ni Fernand. Pero ang totoo mukhang hindi na dapat pa niyang problemahin si Terrence. Isang nonsense lang ang pag-oo niya.
"H-ha? O sige hintayin mo ako, pupuntahan kita dyan."
"Huwag na," pigil niya agad nang matanaw niyang tumalikod iyon sa bintana. "Baka hindi ako makapagpigil, mai-uwi pa kita."
Mula kasi sa kuwarto nito na may malaking bintana ay tanaw niya ang hubog ng katawan nito sa suot na sando and shorts mula pa kanina. At hindi siya nagbibiro sa sinabi. Kahit matinding pagpipigil ang hinarap niya kanina sa pagtitig sa mukha nito, hindi na niya masisigurong kaya niya pa iyong gawin ulit kapag pinuntahan pa siya nito ngayon. Lalo't higit ang hindi madampian ang nakakatuksong mga labi nito.
"Do it then," hamon nito sa kanya na hindi niya inaasahan. "Gusto mo rin! Sige na, umuwi ka na. Mag-iingat ka. Nights." Hindi na nga siya nakahirit pa dahil pinatayan na siya nito.
Sinimulan na niyang paandarin ang sasakyan. Ngunit kasabay niyon ay muli na naman niyang naalala ang gabing narito si Feby.
Nakatulog sa loob ng kotse niya. Batid niya ang pagkahilo noon ni Feby dala ng ininom. Hindi rin niya napigilan ang pangamba na kung binigyan niya pala ng pagkakataong si Terrence ang makasama nito matapos ng press launch at ganito ang kinahinatnan ni Feby, hindi niya talaga palalagpasin kapag ginawan ni Terrence ng masama si Feby kahit pa magkaibigan sila.
Hindi siya napalagay noon dahil sa papaling-paling na ulo ni Feby. Nang mapansin niyang hindi pala nakasuot ang seat belt nito ay hininto niya muna ang sasakyan. Lumapit siya dito. Hinugot ang seat belt na naroon pa gawi sa likod ng upuan nito. Ngunit hindi rin siya nakaligtas na hindi matitigan ang natutulog na hitsura nitong kalahati lang ng mukha ang nasisilayan. And to his sudden curiosity, he didn't care to just move a liitle closer. Ngunit hindi niya inaasahan ang sumunod na nangyari nang kumilos iyon. Mula sa kanang pisnging nakatago ay banayad iyong puminid paharap sa kanya. And it was too late for him to move his blushed face away when their lips brushed by accident. It was so soft... Leaving him petrified. Nakapikit pa rin si Feby nang tuluyang sumandal na ang kaliwang pisngi nito sa direksyon niya. At si Fernand, parang pinasadahan ng nakakakiliting balahibo. Parang isang tukso ang dumaang labi ng dalaga. Hindi siya kaagad nakapalag. At tila may kung anong nagrerebolusyong damdamin sa loob niya. Kahit na inilayo na niya ang sarili kay Feby ay hindi naman niya mapigilang damhin ulit ang mga labi nitong nasa gawi niya. Her alluring lips was a total distraction to his whole. But despite of that urge, nilabanan niya iyon. Pero nang magsalita si Feby, bigla siyang nataranta.
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Pag-Ibig Na Hinintay (Soon To Be Published)
RomanceFeberly "Feby" Soriano was indeed career oriented. A real stubborn at times na mahilig sa mga nauusong palda. Iyon nga lang pagdating sa mga manliligaw ubod ng pihikan at suplada. Kahit pa pawala na sa kalendaryo ang edad niya! Though secretly, she...