"Totoo ba 'yan Ofelia?" gulat na gulat na paninigurado ni Mrs. Dela Torre.
"Yes. Buntis si Honeybeth. And I couldn't believe she hid it from me. Maybe your son already knew this. At iniwan na lang niya na disgrasyada ang anak ko," dire-diretsong litanya ni Mrs. Fidel.
May pwersang isinarado ni Fernand ang folder matapos mabasa. At saka tumayo, hinarap ang nagdala ng nakakabiglang balita.
"Auntie, hindi ko po ito alam. At lalong hindi ako ang ama ng dinadala niya," mahinahon na paliwanag ni Fernand.Napabuga ng hangin si Mrs. Fidel. "Sino ba ang huling nakarelasyon ng anak ko? Hindi ba ikaw? What happened to both of you Fernand? You've been always sweet and romantic, your eyes full of loved everytime I saw you looked at my daughter. Anong nangyari sa feelings ninyo? Sa feelings mo? Basta mo na lang ba ipinagpalit ang anak ko sa isa lang na babaeng organiser na 'to? Don't you see she's doesn't fit to you!"
Masyado nang mabigat sa loob ni Feby ang balitang dala ni Mrs. Fidel. At ang ginawang pagduro at pangmamaliit nito ay sapat na para tuluyang tumayo. Kung kanina ay komportable ang napakalambot na upuan, ngayon ay tila pumapatag na iyon sa kahihiyan. At kung patatagalin niya pa ang sarili tiyak niyang mamumuo ang world war two sa pagitan nila ng matapobreng ginang.
Walang alinlangan na inayos niya ang dalang hand bag. Bahagyang yumukod sa ina ni Fernand. "Salamat po sa dinner. It's really a pleasure having me here. Pero mas maganda po na mauna na akong umuwi." Umalis siyang hindi na hinintay pa ang tugon ni Mrs. Dela Torre. Ni lingunan man lang ng tingin si Fernand ay hindi na rin niya ginawa pa. Hindi dahil may namuo nang galit at kataksilan nito sa loob niya kundi mas pinili na lang muna niyang pigilin ang sarili sa mga masasabi. Gusto muna niyang mapag-isa at makapag-isip.
Pero kahit na nakalabas na siya sa presensya ng mga ito ay tila naiwan naman sa isip niya ang lahat ng mga narinig. Paulit-ulit na dumudurog sa dibdib niya. At sa bawat pag-aanalisa niya ay lalo lang bumibigat ang kalooban niya. Gayundin ang mga matang mahigpit niyang hindi ikinukurap. Dahil baka sa hindi sadyang pagpikit ay kumawala na agad ang bawat butil ng sakit niyon."Feby! Sandali lang," pigil ni Fernand sa kanya nang mahablot niyon ang kamay niya. "Hindi ko alam ang sinasabi niya. Please, maniwala ka sa'kin."
Nakatitig lang siyang pinakinggan ito. At base sa hitsura at kinang ng titig nito sa kanya, ngayon niya lang nakita ang ganoong sinseridad sa mga mata nito. Na hindi niya kayang itanggi sa sariling nangungusap iyon. Tahimik na kinakausap ang mga mata niya na nagsusumamong ito'y kanyang paniwalaan.
Ngunit nabigla talaga siya ng husto. At sa mga sandaling, ito napaibabawan na ng damdamin ang utak niya para magdesisyon para doon."Please Fernand gusto ko na munang umuwi," pakiusap niya dito.
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Fernand. "Ihahatid na kita." Agap nito sa kamay. Pero bigla ring binawi ni Feby ang kamay dito.
"Kaya ko na."
"Please," muling suyo ni Fernand sa pinakamalambing nitong tinig. "Allow me."
At nang muling hawakan ni Fernand ang kamay niya para akayin sa sasakyan nito ay hindi na siya nagpumiglas pa. Hindi rin niya maintindihan ang sarili. Hindi ba dapat magalit siya? Magtaray at komprontahin ito na hindi niya ikinahihiyang palaging ginagawa dito? Pero bakit hindi niya magawa? Dahil ba nararamdaman na niyang baka ito na marahil ang huling beses na magdadaop ang kanilang mga palad? Na baka bukas pag-gising niya, may sarili na itong pamilya? Hindi niya kaya. Ikamamatay niyang hindi ito makita, makausap, at lalong mahawakan ang mga kamay nitong sa tuwina'y siya ang inaakay.Palapit na sila sa kotse nang isang sasakyan ang huminto sa harap nila. Bumaba kaagad mula doon ang dating kasintahan ni Fernand, walang iba kundi si Honey. Ngayon lang ulit sila nagtagpo makalipas ng ilang buwan. At sa suot nitong jeans na hapit sa katawan, hindi mahahalatang may laman na ang tiyan niyon. Sa tangkad at magandang tindig nito at sa mga makinang na alahas na nakakabit, glamorosa pa rin itong matatawag. Isang patunay na walang-wala nga ang estado niya kumpara dito. At sa patuloy na pagtuon niya kay Honey ay bigla na lang niyang naalala ang unang engkwentro nila noon. Kung bakit napansin niyang napahawak iyon sa tiyan nang mabunggo niya ito. Siguro nga noon pa man ay may dinadala na ito. Napakasakit man kay Feby, pero ang babaeng ito na nga yata ang hindi niya inaasahang magiging dahilan para matapos ang masayang relasyon nila ni Fernand.
"Fern," sambit ni Honey kay Fernand. At hidi niya inasahan na mas hinigpitan pa ni Fernand ang agap sa kamay niya kasabay ng tawag ni Honey. Kaya't hindi naiwasan ni Feby na yumuko at masdan iyon.
"Go and explain to Auntie na walang katotohanan ang ibinibintang niya sa'kin," matigas na utos ni Fernand. Hindi pa rin nito binibitawan ang kamay niya.
"Fernand," muling sambit nito at akmang hahawakan pa ito sa braso. Ngunit nailayo na ni Fernand ang braso bago pa man iyon gawin ni Honey. Sa halip ay isang matalim lang na tingin ang iniwan ni Fernand dito at hinatak na si Feby. Binuksan ang pintuan ng kotse.
Sa nakikita ni Honey na attachment ng kaibigan na dating nobyo sa babaeng kasama nito ay hindi siya maaaring tumayo na lamang at masdan ang mga iyon na umalis. Kaya naman agaran niyang pinigil ang mga ito.
"It's true that I'm pregnant!" bulalas nito na ikinatigil ng dalawa. "At ikaw ang ama Fernand. Wala nang iba. R-Remember the night we both drunk? Sa resort namin? Something happened! Admit it!""Enough!" Fernand said in a growl tone. Na hindi lang isang pagpigil niyon sa sinasabi ni Honey kundi ang pag-awat din sa pangambang unti-unting namumuo sa kanya. Dahil kung totoo man ang sinasabi ng dating nobya, mahihirapang mamili si Fernand sa dalawang babae.
Pakiramdam ni Feby sasabog na ang damdamin niya. Parang hindi na niya kayang makinig pa. Tuluyan nang binuksan ni Fernand ang pintuan ng kotse at pinapasok siya. Mula sa passenger seat kita niya ang paghabol ni Honey at pagwaksi naman ni Fernand sa mga kamay nito.
Tahimik na ang paligid. Binabagtas na nila ang daan pauwi. Mga ilang minuto rin ang pananahimik ni Fernand bago siya nito kausapin mula nang sumakay iyon. At gaya ng inaasahan niya, hindi na nito ipinilit na paniwalaan siya bukod sa isang bagay. Wala itong ibang ipinapakiusap ngayon kundi ang maniwalang minahal at mahal na mahal pa rin siya nito. Siya lang daw ang nais nitong makasama, maging kabiyak, at maging ina ng kanilang isang dosenang anak.
"Totoo bang magkasama kayo sa sinasabi niyang resort?" tanong ni Feby na hindi ito tinutuunan. Diretso sa kalsada ang mga mata.
"Oo. Pero matagal na iyon."
Tama nga ang kutob niya. Naalala na nitong may katotohanan ang sinasabi ni Honey. Na hindi malayong mayroon ngang nangyari sa kanila at nagbunga iyon. Na ang ibig sabihin ay maaari siyang matali sa dati nitong nobya. Kaya ganoon na lang ang mga sinasabi nito sa kanya ngayon. Hindi na siya nito gustong papaniwalain na hindi iyon totoo gaya ng nauna nitong pangungusap sa kanya. Kaya ba niyang tanggapin ito?
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Pag-Ibig Na Hinintay (Soon To Be Published)
RomanceFeberly "Feby" Soriano was indeed career oriented. A real stubborn at times na mahilig sa mga nauusong palda. Iyon nga lang pagdating sa mga manliligaw ubod ng pihikan at suplada. Kahit pa pawala na sa kalendaryo ang edad niya! Though secretly, she...