"Anak naman huwag mong sabihing pinahihirapan mo pa siya sa panliligaw. Ano pa bang hinahanap mo sa lalaki? Maganda ang trabaho niya, magalang, mabait, marunong pang gumuhit nakikita naman natin. Wala ka ba talagang balak na maging boyfriend 'yan?"
Dama ni Feby ang mga sinabi ng ina. Wala naman na siyang hinahanap pa na iba. "Kung alam mo lang Mama, gustong-gusto ko na nga siyang asawahin." Kasunod ang isang malalim na buntong hininga.
Napatawa naman ng mahina ang Mama niya. "Kung gano'n, sagutin mo na." Naagaw ng ina ang tuon niya. At doon niya lang natantong nailabas pala ng dila ang akala niya'y kausap lang niya sa sariling isip. Natakip niya tuloy ang sariling bibig. At minabuting iwan ang inang umiiling-iling sa kanya.
Mula sa pintuang nakaawang, tanaw pa rin ni Feby mula sa terrace si Fernand. Abala pa rin iyon sa ginagawa. Naiwan pa rin sa isip niya ang mga sinabi ng ina. Hindi naman kasi siya ang manhid. Wala rin siyang dapat isagot dito dahil wala namang ligawang nangyayari sa kanila. Pero sa kabila niyon, Feby couldn't believe she started to feel addicted, impatient and at the same time, dead... She was secretly deadly in love with him. Mukhang matindi yata ang pinanang palaso ni kupido sa kanya para maging ganoon ang damdamin niya kay Fernand. At sa mga sandaling ito hindi na niya alam ang dapat pang maramdaman. O kung may karapatan pa nga ba siyang madama ang mga iyon bilang isa lang nitong kaibigan.
Hindi kasi talaga alam ni Feby kung ano ba ang mga ginagawa ni Fernand. Umandar din kasi ang pagka-asyumera niyang umaasa siyang panliligaw na nga ang mga hatid-sundo at pakikisama nito sa pamilya niya. Buong akala niya pa noong una ay galing talaga kay Fernand ang mga bulaklak na iniabot nito sa kanya ilang araw matapos ang pag-bibiro nito sa bar na liligawan siya. Nagkaroon siya ng kumpiyansa na hindi naman siguro biro lang ang sinabi ni Fernand dahil patunay ang mga bulaklak na bigay sa kanya.But suddenly her heart just melted, even hopes fell after reading an attached pink note. Hindi naman pala iyon galing kay Fernand. Ipinaabot lang daw ni Terrence para sa kanya. Mabuti pa si Terrence direct to the point ang intensyon. Bilib din siya sa timing nito tuwing aayain siya. Hindi niya ito mahindian. Ang dahilan? Nais niyang pag-eksperimentuhan pa rin ang nararamdaman ni Fernand. Kung magseselos ba ito o hindi. At hanggang ngayon, hindi pa rin siya mapalagay.
Gaya na lang ngayong minamasdan niya ito, napakabilis ng tibok ng dibdib niya. Magkalapit nga sila at magkasama pero hindi pa rin niya ito maabot. Minsan akala niya ang mga titig nito ay may kasunod nang pagtatapat na damdamin, pero iyon pala pupunahin lang na makapal daw ang eyeliner niya. At sa sumunod na araw na pagtitig nito, hindi naman daw bagay ang lipstick nito sa kanya. Naiinis siya kay Fernand. Puro puna na lang yata kasi ang napapansin nito sa kanya. Pero kung minsan, bakit tila may pakiramdam siyang iba naman ang sinasabi niyon. Na taliwas sa nakikita niya sa hitsura nito, lalo na ng mga mata.Ni minsan ba hindi siya naging kaakit-akit sa paningin ni Fernand? Kung hindi man, siguro nga ay hindi siya magagawang magustuhan nito. Gaya ng damdamin niya para dito.
Tumingala siya. She actually hated tears. But what she really hated the most was the reason of having it."Tapos mo na kaagad?" tanong niya nang lapitan siya ni Fernand.
"Not yet. Ayos ka lang ba?"
Puwede niya bang sabihing hindi? At kung ang kasunod na tanong ay kung ano ang problema niya, maaari din ba niyang ikumpisal iyon dito?
"Oo naman!" galak niyang pagsisinungaling. Napansin niya ang pagtaas ng mga balikat ni Fernand. Maging ang pagkabalisa nito. Sa tingin niya mukhang ito yata ang hindi maayos. "May problema ba Fernand?"
Pero ang tanging tugon lang nito ay tila nakakatunaw na mga titig sa kanya. Hanggang makalipas ang ilang sandali, parang nanlambot ang katawan niya nang magsalita ito."I want to court you. For real."
Syempre hindi siya nagpahalata. Nagpakawala siya ng sadyang tawa. "Ano 'to joke ulit?"
"Hindi," kausap pa rin ni Fernand sa kanyang hindi man lang iniiwan ng tingin ang mga mata niya mula pa ng puntahan siya nito. Nawala na nga ang pangambang hitsura na nakita niya kanina lang. Napalitan na iyon ng sinseridad kaagad.
Hindi ba't ito na ang matagal niyang inaabangan?"Then I take it... For real. At subukan mo lang na pag-trip-an ako, buburahin talaga kita sa mundo," seryosong banta niya. Ngunit hindi nagtagal, nginitian din niya ito. Gayundin ang tinugon ni Fernand. Tumaas nga lang ang dibdib niya kasabay ang saglit na pagpigil sa hininga nang agaran na lang siya nitong ikinulong sa mga bisig. Hearing the beat from his chest made her heart race stronger. Tila walang pinagkaiba ang nadadama niya sa dibdib nito.
"Pagbigyan mo muna ako bago mo tuluyang asawahin si Terrence."
Nagulat si Feby at kaunting hinarap si Fernand. "Bakit ko naman gagawin iyon?!" Pero sa sandali ding iyon ay may nakutuban na siya. Mukhang narinig din yata nito ang huling mga sinabi niya bago iwan ang ina.
"I-I... Just heard it."
"Then you heard it wrong," mabilisang diin naman niya.
Gumawa na lang si Feby ng palusot huwag lang maungkat pa iyon. Isa lang ang mahalaga ngayon. Walang iba kundi ang namumuong love sa story nila. At kahit na nagulat siya sa hinala ni Fernand na si Terrence ang gusto niyang pakasalan, hindi naman niya masisisi ito dahil saksi ito sa mga nangyayari sa kanila. Pero laking pasalamat na din ni Feby na hindi nito narinig ang buong usapan nila ng ina. Ano na lang ang mukhang maihaharap niya dito kung malaman nitong matagal na siyang nagpapantasyang maging asawa ito?
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Pag-Ibig Na Hinintay (Soon To Be Published)
RomantikFeberly "Feby" Soriano was indeed career oriented. A real stubborn at times na mahilig sa mga nauusong palda. Iyon nga lang pagdating sa mga manliligaw ubod ng pihikan at suplada. Kahit pa pawala na sa kalendaryo ang edad niya! Though secretly, she...