Chapter 6

171 8 0
                                    

"I love to shop," panimula ni Feby hawak ang wireless microphone. "Always interested with skirts and sundaes. And my hobby's to organise things."

Wala namang boses ng Adonis na narinig si Feby matapos ng kanyang mga sinabi. Marahil kasama sa laro ang pagtahimik ng mga lalaking iyon.

"Boys?" baling ni Rose sa tatlong lalaking nakaupo rin sa kabilang side malayo kay Feby. "May gusto bang mag-back out?"

Malaya naman ang mga tainga ni Feby. Pinapakiramdaman ang kapaligiran habang nakapikit. Wala na siyang magagawa kung hindi interesado ang mga iyon sa hilig niya. Lalo na't katotohanan lang naman ang mga inilabas ng bibig niya. Hindi naman niya ginawa ang naiisip na pag-turn off sa kanya ng mga ito. Suplada man siya kung minsan pero hindi naman talaga niya gawaing ipahiya ang mismong sarili. Again, this is only a funny game, paalala niyang muli sa sarili.

"No response? So meaning type nila ang celebrant!"

Sumilay ang ngiti ni Feby. Tila nakahinga siya ng maluwag. Pero aminadong nakadama din siya ng kaba. Dahil kung sakaling mayroon ngang tumalikod at umatras, rejection na naman iyong matatawag.

Matapos ang ilang segundo, nagsimula na nga ang pinakahihintay. Sense of hearing ang naunang challenge. Simple lang naman ang gagawin. May isang tanong para sa tatlong secret men na dapat nilang sagutin mula sa sarili nilang mga bibig. Saka pa lamang maaaring sabihin ni Feby ang napili kapag natapos ng sumagot ang mga iyon. At gaya ng naunang sinabi ni Feby, tungkol din sa interes ng mga ito ang dapat niyang marinig.

"Mahilig akong mag-motocross. I can say I'm very athletic too," bruskong pahayag ng unang lalaki. Nahalata nga ni Feby ang tikas niyon sa boses pa lamang.

"Ako naman, I enjoyed playing with my five dogs. Ang sarap sa feeling ng comfort na ibinibigay ng mga alaga ko. Kahit gaano ka-busy and stressful ang buong araw sa office, sumalubong lang sila ng sabay-sabay pag-uwi ko sobrang nakakawala na ng pagod. But of course, iba pa rin kung may girlfriend na dadagdag para sumalubong hindi ba? I believe you, Feby, will not just take stress away. You'll surely complete my day as well." Gusto sanang sumabat ni Feby ngunit napigilan din naman niya agad ang sarili nang maalala na hindi pa siya puwedeng magsalita hanggang hindi pa natatapos ang challenge. Gusto niya kasing sabihing wala siyang kahilig-hilig sa mga hayop. Lalo na sa aso.

"If you're prepared on skirts, then I'm into V-neck shirts. I could draw anything, basta nasa mood." Kasunod ang mahinang hagikgik ng huling lalaki. "And lastly, you're the most interesting subject right now Feby. Sana... ganoon ka din sa'kin. Happy birthday."

Bigla'y parang may sikong tumama sa braso ni Feby. Dahil nakapiring ang kanyang mga mata hindi niya tuloy matukoy kung sino iyon.

"Thank you gentlemen. Nakakainggit Feby ah! May tinig bang umakit at pumukaw ng katawang lupa mo?" kuwestiyon ni Rose na tila ito yata ang gustong pumili.

Dama ni Feby ang kalandian nito ng sandaling iyon. Kaya naman nakatiyak siyang magagandang lalaki nga ang mga naghihintay sa sagot niya.

Sino nga ba?
May napili naman kaya siya?
Pakikinggan niya ba ang kanya-kanyang panlaban na hinihiyaw ng mga kamag-anak?

An hour passed.

Matapos ang limang iba't-ibang pagsubok, naipaalam na ni Feby ang napili. At hindi na nga nagulat pa ang lahat doon. Dahil sa lahat ng mga nagging pagsubok, ang pangatlong lalaki ang palagi niyang nais. Walang dudang ito na ang natipuhan niya.

At nang hubarin na ang piring ni Feby ay hindi niya napigilang ikurap-kurap ang mga mata. Inaaninag niya ang klaro ng paligid. Hanggang sa isang lalaki ang lumapit at nakipag-kamay sa kanya. Binati din siya nito. Ayon sa narinig niya kay Rose, dapat daw muna niyang makita ang dalawang Adonis na hindi niya napili. And she was sure this first man was the motocross racer. Matipuno nga ito kahit na hindi ganoon katangkad. At ayon pa rin kay Rose, his name was Enrico, Rose's friend.

After Enrico, there came Sammy. Matangkad, maputi, at mukhang matalino. I think he's romantic, too. Napanguso si Feby kasabay ang bahagyang pagbagsak ng mga balikat. Siguro kung nakita niya muna ang hitsura nito, mukhang kaya naman niyang pilitin ang sariling maging animal lover. At kahit may kapayatan ang braso nito nang makapa niya sa sense of touch challenge ay hindi naman na masama.

"Nanghinayang ka 'no?" bulong ni Cass nang makatalikod na si Sammy. "Bata 'yun ng Ate mo. Mula pa ng Pampanga!"

"Talaga?"

"Oo. Okay lang 'yan. I'm sure worthy itong napili mo. Promise!"

Sa galak ni Cass tila nahahawa din siya sa pagkasabik nito. Sino nga kaya ang lalaking natipuhan niya? Ito na nga ba ang "The One" niya?

May isa pa palang kuwarto sa mismong kuwarto ding iyon. Espesyal na silid daw iyon ayon sa mga kaibigan. At sa loob niyon, naghihintay ang kanyang napiling makapareha ngayong gabi. Damang-dama ni Feby ang bigat ng kumakabog na organ sa dibdib. Para siyang nasa jackpot round. Ang kaibahan lang, natapos na ang challenges at siya ang pumili ng winner. Pero bakit labis ang kabado niya? Ganoon din kaya ang pakiramdam ng kanyang katagpo sa loob?

"Feby meet your date. Si Fern." Bumukas ang pintuan matapos. It was like the scene was played in a slow motion. Mula sa paghawi ng pintuan at dahan-dahang paglantad ng lalaki, tila nasa likod lang ni Feby ang marahang paggalaw ng kamay ng orasan. Binibilangan ang kilos ng mukha niyang paangat sa hitsura nito. But she stared to him widely when their eyes met. Kasunod ang pagkunot ng noo. At ang pagkasabik waring bumulusok pailalim nang lamunin iyon ng pagkagulat kasunod ang init ng ulo.

"I-Ikaw?! Ano'ng ginagawa mo dito?" duro niya kay Fernand.

Mababakas na ganoon din ang reaksyon ng isa. Gulat na gulat din.

"Malay ko bang isang antipatika pala ang makaka-date ko?" ganti naman ni Fernand. Namuo naman ang kalituhan sa mga mukha nina Cass at Rose.

"Cass... May na-missed yata tayo sa kanila," nasabi ni Rose habang pabaling-baling ang tingin sa dalawa.

"Mukha nga," sang-ayon naman ni Cass.

Nasa likuran lang naman ni Feby sina Cass at Rose kaya't hindi nakaligtas sa pandinig niya ang mga sinasabi ng mga iyon. Pero hindi niya na nagawa pang magpaliwanag dahil sa hindi inaasahang makakatagpo. Hindi niya talaga ito inaasahan, ang maka-date ang pinakaguwapong manunulot ng trabaho.

Ikaw Ang Pag-Ibig Na Hinintay (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon