Chapter 15

162 6 0
                                    

"Hindi na ko magugulat kung after ng party, magkikita-kita pa tayo sa iisang hotel. Alam niyo na, to continue that staring," ani Terrence. At nasundan pa iyon ng hagikgik. Parehas namang nakatanggap si Terrence ng paniningkit ng mga mata at pagsalubong ng mga kilay sa mga iyon. "Guys! Hindi naman kayo mabiro." Saka inakbayan ang dalawa. 

Gaya ng alam ni Fernand, hindi naman mahirap kausap ang kaibigang ito. Dahil nang minsang kinompronta nito si Terrence tungkol sa hangarin kay Feby ay binantaan niya rin itong hindi patatalo. Pero hindi inasahan ni Fernand na isang palabas lang daw pala ang panliligaw nito kay Feby. Ayon kasi kay Terrence ay nakutuban na nitong espesyal si Feby sa kanya. Sinubukan lang daw nitong ligawan si Feby upang lumabas ang tunay niyang damdamin sa dalaga. At nagtagumpay nga ang kaibigan niya sa pakulo nito. Sa huli'y naging kapalagayan na rin ito ni Feby at naging kaibigan na walang ginawa kundi ang asarin silang dalawa.

Kinabukasan, nag-demand si Feby na kumain. At sa Subok Sarap Restaurant siya dinala ni Fernand. Pumayag na rin si Feby para muling personal na magpasalamat kay Chef Lee at sa buong staff. Binati kaagad sila ng mga crew doon. Kilalang-kilala na nga nila si Fernand. Hindi naman na nagtaka si Feby dahil halos lahat yata ng mga waitress doon awtomatiko nang napapatingin dito. At nag-iinit ang mga litid niya sa leeg dahil doon.

"Nagustuhan po talaga ng mga important guest namin ang mga menu. Kaya I'm sure na in the future makikilala pa ang restaurant niyo," saad ni Fernand kay Chef Lee. Kasalukuyan silang malapit sa counter.

"Salamat din sa inyo. Eh parang anak ko na rin itong si Feby kaya naman ayokong ipahiya siya," paliwanag naman ni Chef Lee na masayang nakatuon kay Feby. At si Feby bahagyang iniyukod na naman ang mga kamay at batok gaya ng palagi niyang ginagawa kapag kaharap ito. "Eh, kailan ba ang kasal ninyo?"
Napalunok si Feby ng hindi sinasadya. At si Fernand, napangangang lumingon kay Feby na nasa tabi niya lang. Hindi naman kaagad nakapagsalita si Feby. Pero napukulan niya ng tingin ang namukhaang si Ghea na kasalukuyan pa lang nangingiti doon sa gilid ni Chef Lee. Nagtatago yata kaya hindi niya kaagad napansin.

"Ghea..." she said gritted her teeth.
Bahagya namang lumabas si Ghea mula sa malapad na katawan ni Chef Lee.
"He...he...he," utal at pilit na tawa nito. "Tsini-ka kasi nila ko Ms. Feby eh. Kaya nasabi ko na mag-syota na kayo unang punta pa lang ni Papa Fernand dito. Tsaka hindi naman yata tamang itinatago mo sa kanila na jowa mo siya. Mahal mo naman siya di ba bakit inililihim mo? Huwag kang mag-alala sa'min. Hanggang tingin na lang naman kami." At tumawa pa iyon pati na rin si Chef Lee at ilang mga cashier at crew na nakikinig sa kanila.
AhH! Ghea kakabulhin kita!

Patay na nga talaga siya. Bulilyaso ang pagpapakipot niya. Mukhang dito na matatapos ang kapangyarihan niyang mapasailalim si Fernand. Dahan-dahan niyang nilingon ito. Napangiwi siya. Suot nito ang ngiting iyon. Ang ngiti ng pagpupunyagi ng lalaki.

"So it's true? Inangkin mo na pala ako, matagal na?"

Fernand gently held and pressed her chin when she just replied a shocking stare.
"Ah-" And her trembled jaw just dropped hanging.

"Halata ka na."

"Pero-"

"I guess you've already fallen from the start."

"Eh kasi-"

"And don't deny it. 'Cause if you do, paniniwalaan ko na talagang pinagpapantasyahan mo na ako mula pa noon."

Napalunok ulit si Feby. Hindi lang dahil sa mga sinabi nito kundi hindi pa rin kasi binibitawan ni Fernand ang baba niya. At wala itong ibang nais ipagawa sa kanya kundi ang umamin. Ugali talaga nito ang magbigay ng kondisyon. He's her tyrant, a good-looking sexy tyrant.
Pero buo na ang loob niya. Wala siyang aaminin. Ayaw niya. "Oy Fernand 'wag ka ngang assuming!"

Ikaw Ang Pag-Ibig Na Hinintay (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon