"Naninigurado ka?" he asked showing his nice grin. "Kung iyong kasama ko sa mall ang sinisiguro mong naglalaro diyan sa utak mong magaling mag-analyse, yes, Honey was my girlfriend on that time. But then she broke up with me the next day."
Hindi inaasahan ni Feby na nakilala nga siya nito doon sa mall. Ibig sabihin natandaan siya nito. Napansin din pala siya ni Fernand. Ganoon pa man, dumaan lang ang galak na iyon. After seconds she silently rolled her eyes. "You two broke up pero honey pa rin ang tawag mo sa kanya?"
"Yes. Because her name's Honeybeth," saad ni Fernand. "Honey for short."
Mali naman pala ang hinala niya. Pero nahalata ni Feby ang lungkot ng boses at mga mata nito. Sa tingin niya'y sapat na iyon para paniwalaan niya. Hindi na nga lang niya alam kung ano ba ang dapat niyang sabihin dito. Dahil sa nalaman niya'y tila nakadama din kasi siya ng pagpupunyagi. Na parang ang mga ulap sa langit ay nagsihawi para sa isang pag-asa. Dahil ang LRT crush niya ay available na, on a date pa sila. Posible kayang ang kasunod nito'y mapansin na talaga siya? Bigla yatang naiba ang pokus ng utak ni Feby. Mukhang si Fernand na kasi ang gusto niyang asikasuhin at ipaglaban kaysa sa event na parehas nilang pinag-aagawan.
"Pero hindi naman na mahalaga iyon. Sabi mo nga sagabal lang. And I think you're right. Love can wait, anyway. Mas mahalaga ang trabaho para sa ating dalawa. Lalo ngayon, hindi ba?" dugtong pa ni Fernand. At kasunod ang mahinang pagtawa niyon.
Bukod sa sarkasmong pang-aasar nito, bakit parang nakutuban ni Feby na parang biglang nagsara yata ang puso nito? Love can wait, anyway? Gusto niyang sabihing, tama ito. She waited and still waiting up to now. Pero hanggang saan? Kailan siya titigil na maghintay?
"I know. Kaya humanda ka. Sa akin lang ang event na iyon," pangako niya dito.
Fernand flashed her a sudden smirk. "Then good luck."Kinabukasan, inaasahan naman na ni Feby ang mga tanong ng mga nakaisip ng pakanang blind date na iyon. Kagabi pa nga lang inusisa na siya ng mga magulang at mga kapatid. Nangunguna pa ang ate April niya. Kahit na ang pag-uusap nila ay nauwi lang sa isang hamunan ng galing sa karera, ipinaalam niya sa pamilya na naging masaya naman siya. Dahil dama niyang sa kabila ng disgusto at pang-aagaw ni Fernand sa kanya ng trabaho ay hindi naman niya maloloko ang sarili sa unti-unting feelings na muling nabubuhay para dito.
Itinago na nga lang ni Feby kay April na magkakilala na sila ni Fernand bago pa man ang date na iyon. Ayaw na din kasi niyang sabihin pa ang kaunting conflict ng kanilang trabaho at baka marindi lang ang mga tainga niya sa mga ipaglalaban na naman nitong mga payo. At ngayon, sinadya pa siya nila Cass at Rose sa kuwarto niya. Ora mismo pag-upo ng dalawa sa kanyang kama ay itinanong na kaagad kung ano daw ang nangyari sa kanila at ang umpisa ng alitan nila.
"So technically hindi na pala hundred percent blind date ang nangyari kagabi," puna ni Rose.
"Ganoon na nga! Alam kong concern kayo sa pagiging matandang dalaga ko. Don't you two worry dahil hindi ko naman hahayaang mangyari 'yun."
Tinabihan siya ni Rose sa study table. "Dahil ba ninakaw na niya ang puso mo?"
"Sabihin na nating, slight." Minuwestra niya pa ang mga daliri. Siguro nga doon pa lang sa tren ay naagaw na ni Fernand ng buo ang puso niya. Pero nangalahati iyon nang malamang aagawan siya nito ng chance sa event. At kagabi, sa lahat ng mga nalaman niya mula dito ay tila namumuong muli ang paghangang nadama niya sa binata.
"Sabi sa'yo Rose eh," duro ni Cass kay Rose. "Hindi puwedeng hindi niya magustuhan si Fernand. Kung ako nga bata pa lang ako noon, crush ko na 'yun."
"Kilala mo siya?" agarang kuwestiyon ni Feby kay Cass.
"Oo. Ka-batch ko siya noong elementary." High school si Feby noong mag-transfer sa lugar nila ngayon kaya hindi niya alam ang isiniwalat ni Cass.
"Maniniwala ka din ba Feby na niligawan ako ni Fernand back when we're college?"
"Ano?" gulat na gulat niyang reaksyon sa nagsalitang si Rose. Kahit sobrang dikit nilang tatlo sa isa't-isa may kanya-kanya din naman silang mga pangarap at university na gustong pasukin noon. Kaya hindi talaga sila nagkasama sa iisang eskwelahan.
"Oo. Di ba may naikuwento ako sa inyo noon na may cute na lalaking nanligaw sa'kin? Si Fern 'yun, Fernand Dela Torre. Muntik ko na ngang i-break si Jacoby dahil sa kanya."
Naaalala nga ni Feby iyon at sa pagkakatanda niya hindi naman nabanggit ni Rose ang pangalan niyon. Tila nakihalo pa yata ang inggit sa dugo niya ngayon. Mga tipo pala yata kasi ni Rose ang napapansin nito. Hindi na siya dapat magulat na halos kasing-taas ni Rose ang ex-girlfriend nitong si Honey. Samantalang siya hanggang dibdib lang yata ng binata.
"So ibig niyong sabihin lahat tayo nagkagusto sa kanya?"
Tumango ang dalawa.
"Tadhana nga naman. Buti na lang pala hindi natin siya na-meet noong high school. Baka nag-away-away pa tayo dahil sa kanya," natatawa niyang pahayag.
"Kaya nga. Lalong lumakas pa nga ang appeal niya ngayon," ani Cass.
"Sinabi mo pa," segunda ni Rose.
Si Feby walang maitugon kundi mga simpleng ngiti. Pakiramdam niya hayagan na talaga niyang ipinapaalam sa dalawa ang pagkahumaling niya kay Fernand. "Kaya nga binansagan ko din siyang toothpaste model. Para kasing model ng toothpaste sa puti ng mga ngipin."
Parang nahatak naman niya bigla ang mukha ng dalawa sa sinabi. "Siya si toothpaste model?" sabay na reaksyon nina Cass at Rose. Hindi pa nga pala niya nasasabi ang tungkol sa pinakaunang pagkikita nila ni Fernand. Hayun, at nabuhayan na naman ang dalawa sa nalaman. Nabatid niyang nagulat din daw ang mga ito kagabi nang dalhin ni Rome sa Lucy's Grill. Pero kahit na may mga nakaraang feelings ang mga ito kay Fernand ay batid din niyang nakalipas na ang mga iyon dahil may kanya-kanya na itong mga kasintahan na kalaunan ay mauuwi na rin sa kasalan. Siya na lang nga siguro itong nahuhuli sa ikot ng mundo. Pero hindi naman siya natatakot maging huling bride sa kanilang tatlo. She believed that her true love waits. Kailangan niya lang manalig. Malay ba niya baka si Fernand na iyon?
"Naku Ms. Soriano hindi kita mami-meet ngayon. I'm on a conference. By the way, nakilala mo na ang pamangkin ko 'di ba? Ise-send ko sayo ang number ni Fern at kayo na ang mag-usap tutal siya naman na ang makakasama mo sa product launch. I received your ideas base sa ilang plano na gusto kong mangyari. And Fernand approved it and so do I."
Bumuka ang mga labi ni Feby. Medyo na-shock siya. Hindi niya ito inaasahan.
"Honestly iha, I'm sorry kung nawala ang trust ko na i-handle mo ang products ko lately. But now I'm giving again the event on you. Pati si Fernand."
Tila bawat pangungusap na mga sinasabi ni Mrs. Contreras over phone call ay napapakunot-noo at singkit-mata si Feby. 'Bye' at 'salamat po' na nga lang ang mga nailabas ng bibig niya bago tuluyang magpaalam ang ginang. Pero tama ba ang nadinig niyang pati si Fernand ay ibibigay nito? Aba... Hindi niya tatanggihan.
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Pag-Ibig Na Hinintay (Soon To Be Published)
RomanceFeberly "Feby" Soriano was indeed career oriented. A real stubborn at times na mahilig sa mga nauusong palda. Iyon nga lang pagdating sa mga manliligaw ubod ng pihikan at suplada. Kahit pa pawala na sa kalendaryo ang edad niya! Though secretly, she...