Hanabel's POV
Pag-katulak ko sa pintuan ng coffee shop ay siya ding pag-kalansing ng chimes na nakasabit sa pintuan.
"Bestie girl! Nandito ako!"Nakita ko agad ang kumakaway-kaway ng matalik kong kaibigan na si Raina.
Ngumiti naman ako at agad siyang pinuntahan.
"Kamusta Raina?"Bungad ko ng makaupo ako sa harap niya.
"Ay nako, ako pa ba? Wala namang bago sa 'kin. Eh ikaw? Pasensya ka na ha at ngayon lang ako pumayag na mag-kita tayo. Two months din kitang di nakita girl! Na-miss talaga kita."Nakanguso niyang wika.
Busy kasi 'tong si Raina. Fashion designer kasi at katatayo lang ng boutique niya sa isang mall kaya sobrang tutok na tutok siya sa business niya. Buti pa nga siya may pinagkakaabalahan. Samantalanag ako, di pa man kasal, team bahay na. Nami-miss ko din tuloy mag-trabaho. Dati kasi akong teller sa isang bangko dito sa 'min. Kaso simula nung nag propose na si Altaire, pinatigil na niya ako.
"Ako, ito. Buhay may asawa na wala pa man din."Sabi ko sabay buntong hininga.
"Oh, ano yan? Saan humuhugot girl? May problema ka ano?"Tanong niya na nakataas na ang kilay.
Once na tumaas na ang kilay nitong si Raina, hindi na ako makakapagsinungaling dahil daig pa niya ang mga K9 dogs sa galing umamoy. Alam na alam niya ang amoy ng kasinungalingan.
"Alam mo kasi, ewan ko ha pero si Altaire kasi lagi ng busy. One month na din na halos hindi kami nagsa-sabay sa pagkain."Sabi ko sabay tingin ng malayo sa labas.
Nandito kami sa parte ng coffee shop na gawa sa salamin ang dingding.
"Ay ay ay, anong tingin yan? Ang layo ha."Sarcastic na sabi ni Raina.
Ito kasing si Raina, tunay na babae naman talaga yan, kaso utak bading.
"Tell me, LQ ba kayo ng papabol mo?"Tanong niya.
Umiling-iling naman ako.
"Hindi ano ka ba. Aawayin ko pa ba yung tao eh busy na nga sa trabaho. Kaso, alam mo iba talaga ang feeling ko. Wala naman kaming problema pero pag wala siya sa tabi ko o kahit nasa harapan ko pa siya feeling ko may tinatago siya."Sabi ko sa kaniya.
"Ay yan na. Yan na yun girl! Kalurki ka! Alam mo ha, tayong mga babae, once na nakaramdam ng mali sa mga jowaers natin. Pak! Ibig sabihin may kalokohan sila. Ano ka ba! Girl's instinct! Hello?"Tugon naman niya sa 'kin.
"Raina... Wala ngang problema. As in wala! Saka alam ko naman ang dahilan eh. Alam ko ang dahilan ng pagiging busy niya. Ako lang 'tong abnormal na nag iisp ng kung anu-ano."Sabi ko naman sa kaniya.
Napakamot naman siya ng ulo na para bang naiinis.
"Ito girl makinig ka."Sabi niya na may pag-diin sa salitang 'makinig'. "Kung mahal ka talaga niyan, hindi niya hahayaang mawalan siya ng oras sa 'yo. Tandaan mo... sabi nga nila, ang taong nag-mamahal talaga sa 'yo. Wala sa bokabularyo nila ang salitang busy."
"Eh Raina! Anong gagawin ko? eh sa busy nga siya."
Ayoko naman kasing kumprontahin si Altaire. Paano kapag mainis isya? Ayoko namang pag dudahan ang pagiging busy niya sa trabaho.
"So anong gusto mong mangyari Ms. Future Hanabel Crisostomo Brent! Isasama mo sa forever niyo yang pagdu-duda mo?"Tanong niya din sa 'kin. "Ikaw din Girl. Kapag hindi mo pa chineck yang asawa mo, ha! Baka magsisi ka sa huli. Wag ka nang mag patumpik-tumpik, alamin mo na yang sinasabi mong feeling-feeling na yan bago pa kayo ikasal."
BINABASA MO ANG
Hana Dul Set
General FictionAng pawis at luha ay galing sa mag-kaibang parte ng ating katawan. Pero alam mo ba ang pagkakatulad nila? Yun ay ang katunayan na sila ay lumalabas lamang kapag tayo ay PAGOD na. Pero bakit ganoon? Ilang galon pa ba ang kailangan kong ilabas na pawi...