HDS #10

160 10 8
                                    


Hanabel's POV

Ilang minuto din ang nakalipas ang naging katahimikan sa pagitan naming apat nang magsalita si Cassandra at lumapit kay Sethric. Nandito pa din kami at nakatayo sa may pintuan.

"Sethric mag-usap tayo pero 'wag dito. 'Wag kang manggulo dito."Bakas ang takot ni Cassandra kay Setrhic.

Magkakilala sila? Mas lalo akong naguguluhan at natatakot. Hawak-hawak pa din ako ni Sethric at napansin kong hahawakan sana siya ni Cassandra sa kabilang kamay ngunit nabigo siya. Hinawi ni Sethric ang kamay ni Cassandra bago pa man siya mahawakan.

"Bakit mo siya kasama Honey? Magkakilala na ba kayo? Kailan pa?"Kunot noong tanong ni Altaire sa 'kin pero hindi ko siya pinansin.

"Sethric please bitawan mo na ako. Kailangan ko na talaga umalis."Hindi ko na gusto ang amoy ng hangin dito.

Kinakabahan at naiiyak na ako. Kitang kita ko ang galit kay Sethric na nakatingin lang kay Alatire.

"Tapos ano? Iiyak ka na naman sa kotse mo?"Napangisi siya tapos tumingin siya sa 'kin. "Mukhang hindi pa nagsi-sink in sa 'yo kung sino ako. Tama ba ako?"Tanong niya.

Napatango lang ako dahil hindi ko pa alam kung sino ba talaga siya. Kung bakit ang dami niyang alam.

"Ako ang ex-husband ni Cassandra."Wika muli ni Sethric saka niya ako binitawan.

Natulala lang ako nang maramdaman ko ang paghawak niya sa batok ko at hinila ako. Muli, mariin niya akong hinalikan. Ginagalaw niya ang kaniyang labi samantalang ako ay nakatulala lang habang nagbagsakan ang luha ko. Wala pang ilang segundo ang nakalipas ay nawala na siya sa harapan ko. Napatingin na lang ako sa sahig kung saan siya napunta. Hindi ko alam kung sinuntok ba siya o itinulak ni Altaire basta ang alam ko, napahiga na lamang si Sethric sa sahig.

"Sino ka para halikan ang fiancé ko!"Galit na galit na sigaw ni Altaire.

Nagumpisa ng maglabasan ang mga kapit-bahay namin dito. Sa 'min lahat nakatingin at lahat sila ay nagbubulungan.

"Altaire ano ka ba! Tama na yan!"Pagaawat ni Cassandra nang susugudin sana ulit ni Altaire si Sethric.

Pagkatapos noon ay nakaramdam ako ng pagsikip ng dibdib ko at unti-unti akong nahilo. Umiling-iling ako at dahan-dahan naglakad palayo sa kanila.

Nakaramdam ako ng paghila sa kamay ko at paglingon ko si Altaire pala kaya dalawang magasawang sampal ang pinakawalan ko sa kaniya.

"Umalis ka na sa buhay ko Altaire! Sinabi ko ng wag mo na akong tatawaging Honey o fiancé dahil mas sinasaktan mo lang ako! Mas dinudurog mo ang puso ko!"Sigaw ko sa kaniya saka ako tumakbo pabalik sa kotse ko.

Bakit ganito? Bakit parang may dahilan ang patuloy na pagkikita namin ni Sethric? Ganito ba kaliit ang mundo? Ang kalaguyo ng asawa ko ay ex-wife ni Sethric?

Pagkarating ko sa kotse ko ay pinaandar ko agad ito at pinatakbo ng mabilis. Nakita ko sa rear view mirror ko na hinahabol ako ni Altaire pero agad din siyang tumigil dahil mas pinabilis ko ang pagtakbo ng kotse ko.

Hindi ako agad pumunta kay Raina. Gusto ko munang mapag-isa. Gusto ko munang umiyak ulit at sumigaw ng walang ibang tao. At isang lugar lang ang pwede kong puntahan.

---

Mabilis lang akong nakarating dito sa may tabing ilog. Malapit lang ito sa may highway at tulay. Maaliwalas palagi dito, mahangin at may isang puno na nagbibigay lilim sa 'kin ngayon. Nakasandal lang ako sa puno ay yakap-yakap ang tuhod ko. Umiiyak at mahinang humihikbi.

"A-anong nangyari sa 'tin Altaire?"Tanong ko sa hangin.

Napapikit ako at naalala ang mga matatamis na salita ni Altaire.

"Honey pangako ko sa 'yo kahit anong mangyari, tayo pa din hanggang huli. Ibibigay ko sa 'yo ang buhay na walang problema. Lahat ng sasabihin mo ay gagawin ko. Kasi ikaw lang ang mahal ko."

"Mahal? Ako lang ang mahal mo? Tapos makikita kong hawak-hawak mo ang kamay ng babaeng gumulo sa buhay natin! Sinungaling ka!"

"Kaya dapat ako lang ang mahalin mo ah? Gusto ko kapag ikinasal na tayo ay magkaroon agad tayo ng anak. Sana kambal ang unang maging anak natin Honey."

"Puro ka salita. Puro ka mababangong salita. Kung gagawin mo lang pala akong tanga sana ginawa mo na noong bago pa tayo. Hindi yung pinatagal mo pa! Alam mo ba kung gaano ako nasasaktan? Sobra-sobra akong durog ngayon. Hindi ko na alam kung saan pa ako kakapit. Hindi ko na din alam kung paano pa mabuhay dahil wala naman na akong makakasama. Altaire ikaw lang ang minahal ko ng ganito! Bakit... bakit ka kasi nagloko! Hindi pa ba ako sapat sa 'yo!"Sigaw ko sabay subsob ng mukha ko sa mga hita ko na yakap-yakap ko.

Bigla akong napatayo at para bang nawala ako sa sarili ko. Dare-daretso akong naglakad papunta sa may ilog. Napahinto ako ng alam kong isang hakbang na lang ay tubig na ang matatapakan ko.

"Wala naman na akong silbi sa mundo. Ang nag-iisang lalaking akala ko'y makakasama ko at magbibigay liwanag sa mundo ko ay tanging pangarap lang pala."

Hinubad ko ang suot-suot kong flat shoes saka muli dahan-dahan na naglakad. Sa una ay mababaw lamang ang tubig pero unti-unti itong umaakyat sa bewang ko kasabay ng aking paglalakad.

Napapikit na lamang ako ng maramdaman ko na ang tubig ay nasa leeg ko na hanggang sa isang paghakbang ko ay hindi ko na maramdaman yung tinatapakan ko kanina. Kalmabo lamang ako kahit wala na akong mahingahan.

Tutal mukhang nakatadhana na sa 'kin ang mag-isa. Hindi ko na papatagalin ang buhay ko. Ayoko na kasing maging mag-isa. Sawang sawa na akong iniiwan ako.

Ayoko na.

Bago ko pa maramdamang mawawalan na ako ng malay ay nakarinig ako ng malakas na tunog ng tubig. Para bang may inihagis sa tubig na kung ano. Maya-maya pa ay naramdaman kong may humila sa 'kin. Napadilat ako at hindi ko maaninag kung sino ang humila sa 'kin at iniharap niya ako sa kaniya. Bigla na lang niya akong hinalikan na tila ba binigyan niya ako ng hangin pero pagkatapos noon ay nawalan na ako ng malay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hana Dul SetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon