HDS #5

106 11 0
                                    


Hanabel's POV

"Alam kong..."

Hindi ko maituloy ang gusto kong isagot sa tanong ni Ms. Venus.

"Hindi mo kailangang sagutin yan ngayon. Pwedeng bukas o sa mga susunod na araw mo na ako sagutin."Wika ni Ms. Venus na ngayon ay nakaupo na sa mesa.

Napayuko ako. Gulong-gulo ako ngayon. Pati ang nararamdaman ko apektado. Hindi ko alam kung nahihiya ba ako sa ginagawa ko dito o ang sarili ko ang ikinahihiya ko.

"Marami sa mga taong tunay na nagmamahal, nilulunok ang pride. Anong rason? Simple lang, dahil hindi peke ang nararamdaman nila. Ayaw nilang mawala sa piling nila yung taong karelasyon nila. Kahit nasasaktan na, sige pa din sila ng sige. Hindi ko sinasabing mali 'yon pero sa mga gano'ng tao. Sila yung mahina psychologically. Hindi nila kayang talunin ang kanilang pagi-isip. Hindi nila kayang pasunurin ang kanilang mga utak."

"Pero hindi ba gano'n naman talaga ang pagmamahal?"Tanong ko.

Napatingin ako kay Ms. Venus dahil narinig ko siyang natawa.

"At some point, yes. Sa mga taong tanga. Oo, sa mga taong masukista."

Napakunot ako ng noo dahil hindi ko siya maintindihan.

"Oo na. Tanga at masukista na ako. Sapul na sapul na ako. Gusto niyo umalis muna ako?"Napatingin ako sa kaliwa ko dahil nag salita yung isa pang babae.

"Hindi lang ikaw ang pinatatamaan ko. Kayong tatlo."

Muli ako napatingin kay Ms. Venus at alam kong hindi lang ako ang nakatingin sa kaniya. Nakikita ko sa peripheral vision ko na kaming tatlo ay nakatingin sa babaeng nasa harapan namin.

"O 'di ba? Napatingin kayong tatlo bigla?"

"Teka nga. Para saan ba 'tong seminar na 'to? Ano bang benefits ang makukuha namin?"Tanong ulit ng babaeng nasa kaliwa ko.

"Mrs. Jang right? Gusto ko lang malinawan kayong lahat sa mga tanong na nasa isip niyo. Sabi ko kanina, kailangan may kasamang pakikinig. Nasabi ko na din kung ano ang makukuha ninyo sa 'kin pagkatapos nito."

---

Naka-upo lamang ako ngayon. Kanina pa kami nandito sa labas ng kwarto kung nasaan kami kanina. Kasama ko yung nag i-isang lalaki sa seminar. Nasa loob naman yung isa pa naming kasama. Ni-isa sa 'min, walang nagsa-salita. Tahimik lamang ang buong paligid.

"Walang kwenta 'to."Tumayo yung lalaki kaya naman nagulat ako at nabitawan ko yung bag ko.

Hindi ko pala nasara ang bag ko kaya naman nagsi-kalat ang mga gamit ko sa sahig. Agad naman ko namang dinampot lahat pero muli akong nagulat ng bigla akong tulungan nitong lalaki.

"Ako na. Kaya ko naman na."Sabi ko sa kaniya pero hindi niya ako pinakinggan.

Napatitig ako sa lalaking kaharap ko ngayon. Maaliwalas ang mukha niya at mabango din siya. Perpekto ang bawat parte ng mukha niya. Matangos na ilong, singkit na mata. Manipis at mapulang labi. Pero mukhang masungit dahil mula kanina, hindi man lang siya ngumiti. Kanina pa siya naka-poker face.

"Kapag tinitigan mo pa ako at hindi kinuha 'tong mga 'to. Itatapon ko na lang 'to."Nagitla ako dahil sa napakalalim ng boses niya.

"So-sorry."Tugon ko saka agad na kinuha yung make up kit ko.

Tumayo na siya kaya naman tumayo na din ako. Aalis na sana siya ng bigla ko siyang tinawag.

"Sandali!"

Tumigil siya sa pagla-lakad pero hindi niya ako nilingon.

"N-nag-kita na ba tayo?"Tanong ko sa kaniya.

Hana Dul SetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon