HDS #8

89 10 0
                                    


Hanabel's POV

Kanina ko pa siya hinihintay lumabas ng c.r at mahigit bente minutos na akong naghihintay. Kanina ko pa gustong itanong kung anong ibig sabihin ng sinabi niya? Alam niya ba ang ginagawa ni Altaire? Pero paano?

"O, bakit ka nakatayo dito sa tapat ng c.r? Kanina mo pa bang pumasok?"Nakangising tanong niya.

Bahagya akong napalunok dahil bukod sa isang silver na kwintas na may kalahating pusong pendant ay tanging tuwalya lang ang kaniyang suot-suot.

"Anong ibig mong sabihin kanina? Inii-stalk mo ba ako?"Tanong ko sa kaniya na ikinatawa niya.

Tawa na may halong yabang at pangaasar.

"Hindi ako mahilig sa mga katulad mong babae kaya bakit ko aaksayahin ang oras ko sa 'yo?"Sabi niya saka siya naglakad at nilagpasan ako.

Bastos talaga kausap! Sa inis ko ay nilingon ko siya at hinila pero dahil sa binigla ko siya ay nawalan siya ng balanse kaya muntik na siyang mapasubsob sa sahig buti na lamang ay naitapak niya agad ang kaliwang paa niya sa sahig, ngunit parehas kaming nagulantang ng mahulog ang kaisa-isang saplot niya sa katawan. Napatingin ako agad sa kisame at tumalikod.

"B-Bakit kasi tuwalya ang suot-suot mo! May bathrobe naman!"Sigaw ko.

Naramdaman ko ang pagngisi niya.

"Baka nahulog sa inidoro yung robe? Malay ko bang mahuhulog at mababasa 'yon?"Tugon niya.

"B-bahala ka na nga diyan! Magbabanyo na ak---"

Hindi pa ako tapos magsalita ng iniharap niya ako sa kaniya at isinandal sa pader. Napakalapit ng mukha niya sa mukha ko kaya ramdam na ramdam ko ang bawat paghinga niya. Tumutulo pa yung mga butil-butil na tubig mula sa kaniyang buhok.

"S-sabi ko magbabanyo ako."Sabi ko at hahakbang na sana ako muli pakanan ng iharang niya ang kaniyang mamasa-masang braso.

"Ano bang ginagawa mo at bakit hindi ka kumikilos?"Pabulong pero may gigil na sabi niya.

Napakunot ako ng noo dahil hindi ko makuha ang sinasabi niya? Ito bang nangyayari ngayon?

"T-tanga ka ba? Hahakbang na nga ako tapos iniharang mo yang braso mong patpatin. Paano ako kikilos, sige nga? Paano?"Tugon ko sa kaniya.

"Ano?"pabulong pero may gigil muli sa tono niya.

"Umali---"

Hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita nang bigla niya akong halikan ng mariin at may gigil. Maglalaban sana ako ng hawakan niya ang magkabilang pulso ko. Hindi naman talaga siya patpatin dahil may kurba ang biceps niya kaya mas malakas siya sa 'kin. Hindi ko manlang maidapo ang mga kamao ko para hampsin siya sa lakas niya.

"Pwah!"

Halos maghabol ako ng hininga ng kumawala siya sa pagkakahalik niya sa 'kin.

Binitawan na din niya ako at agad kong siyang sinampal sa kanang pisngi niya. Wala na akong pakialam kung may suot man siya o wala dahil ngayon, pakiramdam ko ay nababoy ako sa mga ginawa at pakikitungo niya sa 'kin.

"Alam mo dapat... dapat hindi ako sumama sa 'yo dahil unang una pa lang, hindi kita kilala. Sinong tanga ang sasama sa hindi niya kakilala? Kung inaakala mong kaladkarin akong babae pwes nagkakamali ka! Ibahin mo ako dahil may dignidad ako."Mangiyak-ngiyak akong nagsasalita.

Lalabas na sana ako ng kwarto ng magsalita siya.

"Bakit hindi mo sinaktan ang asawa mo ng mahuli mo silang nagtatalik kanina?"Tanong niya na ikinagulat ko kaya napaharap ako bigla sa kaniya.

Hana Dul SetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon