HDS #1

226 15 9
                                    


Hanabel's POV

"Bakit ba kasi ang hirap magluto? Haaay!"

Naiinis ako. Isang oras ko nang tinititigan 'tong natitirang pagkain na nasa mesa. Iilang piraso ng gulay at isang buong manok ang tanging laman ng ref. Anong klaseng dinner kaya ang magagawa ko rito? Sigurado akong gutom na si Altaire pagkauwi no'n.

Napasubsob na lamang ako ng mukha sa mesa dahil sa wala akong maisip na luto. Eh ano nga bang maiisip ko? Hindi naman talaga ako marunong magluto.

"Mag-aral kaya ako ulit?" Bulong ko sa mesa sabay buntong hininga.

Paano naman ako maga-aral, ayaw nga ni Altaire na maglalalabas ako. Malapit na daw kaming ikasal at ayaw niyang masyado akong lumalabas.

Napatingin ako sa may gawing sala ng condo namin dahil nakarinig ako ng tunog ng doorbell.

Sino kaya 'yun? Si Altaire na kaya? Pero ala sais pa lang. Ang sabi niya ay medyo late na siyang makaka-uwi. Ah! Baka naman natapos niya agad ang mga paper works niya sa opisina.

Agad akong nagtungo sa sala saka binuksan nang kaunti 'yung pinto para silipin kung sino 'yung nasa labas. Isang lalaki ang tumambad sa 'kin. Medyo magulo ang buhok niya, mukhang desente naman siya dahil sa itsura ng pananamit niya kahit na maluwag na ang pagkakabuhol sa kanyang necktie.

"Sino sila?" Tanong ko.

"Nandyan ba si Mr. Altaire Brent?" Maangas na tanong ng lalaki.

Pagkarinig ko sa pangalan ng fiancé ko ay tuluyan ko nang binuksan 'yung pintuan. Siguro isa siya sa mga kliyente ni Altaire. Isa kasing abogado si Altaire. Hindi lang isang abogado, magaling na abogado. Mabibigat ang mga hinahawakang kaso ng fiancé ko at lagi niyang naipapanalo ang kanyang mga kliyente.

"Isa ka po ba sa mga client ni Altaire?" Tanong ko rin sa lalaki.

Pero napataas ako ng kilay nang ngumisi 'tong lalaking nasa harapan ko. Aba, pinalagpas ko ang pagtatanong niya sa 'kin nang maangas kanina pero 'tong pagngisi niya! Nako!

"Asawa ka ba niya?"Tanong niya saka muling ngumisi.

Nakakairita na siya ah!

"Oo, sino ka ba? Anong kailangan mo sa asawa ko?"Tanong ko sa kanya pero natatawa-tawa siyang umiiling sabay lakad pakanan dahil nandoon ang elevator papunta sa lobby ng building namin.

At kahit hindi pa kami talaga ikinakasal, itinuturing na namin ni Altaire ang isa't isa na mag-asawa.

"Hoy lalaking matangkad! Bastos ka kausap!"Sigaw ko sabay sarado ng pinto dahil baka bigla akong sugurin.

Lakas makasira ng gabi. Sino ba siya sa akala niya para ngisi-ngisian ako? Tapos ako pa ang winalk out-an? Ha! Kapal ng mukha niya ah! 'Wag lang talaga siya magpapakita sa 'kin dahil naku, naku lang talaga! Kahit hindi ako nananakit ay baka masipa ko siya sa--- ay bundat!

Nagulat ako nang biglang mag-vibrate at mag-ring ang cp kong nasa bulsa ng suot kong apron. Si Altaire pala.

"Hello Honey. Pauwi ka na ba?"Tanong ko agad sa kaniya.

"Honey, hindi ako makakauwi agad, baka abutin ako ng hating gabi, medyo madami kasi akong tinatapos na trabaho dito. 'Wag mo na akong hintayin, may dala naman akong susi. Dito na rin ako kakain tutal hindi ako makakauwi agad,"tugon niya sa 'kin.

Hindi ko na naman siya makakasabay kumain. Halos isang beses na lang din kaming dalawa kumain nang magkasabay tuwing weekdays. Excited pa naman ako. Sabi niya, sunod-sunod daw ang mga paperwork nila sa opisina. Naiintindihan ko naman 'yon. Dahil sabi niya, para raw sa future namin kaya siya nagtatrabahong maigi.

Hana Dul SetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon