HDS #9

122 10 0
                                    

Hanabel's POV

Mahigit kalahating oras na akong nakaupo dito sa sofa. Ganoon din si Altaire na kanina pa nakatingin sa 'kin. Hindi ko man siya tinitingnan ay tila ba ramdam ko ang bawat yapos ng kaniyang mga tingin. Hindi na ako makatiis kaya binasag ko na ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Kukunin ko lang yung mga gamit pagkatapos noon ay malaya ka ng gawin lahat ng gusto mo Altaire."Mahina pero sapat na paera marinig niya.

Masakit sa 'kin ang mga nangyayari. Hindi ko talaga inakalang hahantong ang lahat sa ganito. Hindi ko inakalang masasabi ko ang mga linyang iyon sa kaniya. Akala ko kami na hanggang sa huli pero talaga ngang walang kasiguraduhan ang lahat ng bagay sa mundo. Kahit sabihin na nasa tao ang gawa kung paano tatakbo ang buhay mo, magiiba ito kung may isang taong sisira sa pangarap mo.

"K-kumain ka muna Honey, please?"Ramdam ko ang lungkot sa boses niya.

Ngayon ko lang siya nakitang matamlay. Bakas sa itsura niya na hindi siya nakatulog ng maayos. Hindi ko siya maintindihan. Kung ayaw niyang magkaganito, bakit siya gumawa ng mali? Bakit siya nagtaksil sa 'kin?

"Wag mo na akong tawaging Honey. Tapos na tayo kahapon pa."Malamig kong tugon.

Gusto muling magbagsakan ng mga luha ko pero pinilit kong huwag itong mangyari. Ayokong umiyak hindi dahil sa gusto kong maging matapang sa harapan niya. Kilala niya ako na hindi ako matapang na tao. Kaya ko mas piniling 'wag umiyak ay para hindi ako madala ng emosyon ko at baka madala ako sa mababango niyang salita. Ayoko na siyang pagkatiwalaan pa. Ayoko na.

"Honey 'wag mo namang itapon ang tatlong taon natin ng dahil sa pagkakamali ko!"Pakiramdam ko ay konti na lang at iiyak na siya.

Napahinga ako ng malalim. Napakagat pa ako sa labi ko dahil para akong tinaga sa puso sa sinabi niya. 'wag ko sayangin ang tatlong taon namin ng dahil sa ginawa niyang kahayupan?

"Nagpapatawa ka ba Altaire?"Tinitigan ko siya. "Altaire naririnig mo ba ang mga sinabi mo? Hindi basta-basta kasalanan ang ginawa mo! Nakipag-sex ka sa ibang babae! Naiintindihan mo ba yun? 'Wag mo idahilan na hindi pa tayo kasal dahil kahit wala pa tayong basbas ng simbahan, kahayupan pa din ang ginawa mo."Sabi ko saka tumayo.

Lalakad na sana ako papunta sa kwarto para makapagimpake na ng pigilan niya ako. Hinawakan niya ang kaliwa kong kamay saka siya lumuhod. Napatingin ako sa kaniya. Umiiyak na siya ngayon pero halata na pinipigilan niya ang paghikbi.

"Honey patawarin mo na ako. Nakikiusap ako sa 'yo Honey 'wag mo 'kong iwan."Sabi niya.

Napapapikit pa siya. Tumayo siya saka idinapo ang palad ko sa kaliwa niyang dibdib.

"Ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay Honey. Nagkamali ako, hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Hindi ako nakapag-isip ng tama nang mga panahon na 'yon. Honey lahat ng gusto mo gagawin ko. Magiging tapat na ako sa 'yo."Dagdag niya pa.

"Magiging tapat? Hindi nakapagisip? Ang isang magaling na lawyer ay naging bobo at natukso."Napangisi ako. "Sino talaga si Cassandra?"Tanong ko.

Ang tanga ko 'di ba? Inaalam ko pa kung sino ang babaeng sumira ng buhay at pangarap ko.

"S-si Cassandra? S-secretary ko siya Honey."Sagot niya sa tanong ko na ikinatawa ko.

"Akala ko ba magiging tapat ka? Alam kong hindi mo siya secretary Altaire."Tinapunan ko siya ng isang nagaapoy na tingin.

Hindi ko alam na ganito kasinungaling ang lalaking minamahal ko. Bakit ikaw pa Altaire? Bakit sa 'yo pa ako nahulog. Sinalo mo nga ako pero agad mo akong binitawan kaya nasaktan pa din ako.

Hana Dul SetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon