HDS #4

114 12 3
                                        


Hanabel's POV

Habang nasa c.r si Altaire, naisipan kong mag-linis sa office niya kaya nagtungo ako doon. Dala-dala ko ang walis tambo at dustpan.

Pagkapasok ko, inuna ko ang mesa niya. Medyo makalat. Madaming papel, folders at envelopes. Hindi ko naman ginulo o ginalaw ang pagkaka-pwesto ng mga ito. Kinuha ko lamang ang mga nakalamukos na papel. Magwawalis na sana ako ng makita ang mga folder na dala ni Cassandra. Hindi ko alam pero parang may kung anong humihila sa 'kin para tingnan ito kaya naman ginawa ko na. Napataas na lamang ako ng kilay ng pag bukas ko ay wala ni-isang papel ang laman ng kulay asul na folder. Agad kong tiningnan ang iba pang folder pero ganoon din. Wala akong nakitang papel.

"Akala ko ba, papers 'to para sa case na tinututukan ni Altaire? Bakit walang laman ni-isa?"Bulong ko sa hangin.

Lalong dumami ang mga tanong sa isip ko. Ang mga ngiting nakakaloko ni Cassandra, ang hindi pagsabi sa 'kin ni Altaire na may secretary siya at itong mga folder na wala namang laman na papel.

"Oh anong ginagawa mo dito?"

Nagulat ako kaya agad akong nagkunyaring inaayos ko ang mga folder saka inilapag ito sa mesa.

"Ah, maglilinis sana. Kaso yung mesa lang naman ang makalat. Kaya yung mesa na lang ang inayos ko. Sige aalis na ako."Sagot ko saka kinuha yung walis tambo at dustpan.

Palabas na sana ako office niya ng tawagin ako ni Altaire.

"Honey..."

Napalingon ako sa kaniya.

"Bakit Honey?"Tanong ko.

Lumapit siya sa 'kin saka niyakap ako.

"I love you."Sabi niya saka mas humigpit ang yakap niya.

Bakit ganito? Bakit may masakit? Bakit parang gusto kong umiyak. Nanlalambot ang tuhod ko.

"Mahal na mahal din kita Altaire."Tugon ko.

Humiwalay siya sa pagkaka-yakap sa 'kin saka niya ako siniil ng halik. Gumanti naman ako sa kaniyang halik pero agad akong humiwalay.

"Altaire... mapapangako mo bang hinding hindi ka mag sisinungaling?"Tanong ko sa kaniya.

Bumitaw siya sa pagkaka-titig sa 'kin at huminga ng malalim.

"Honey..."

Napalunok ako.

Sumagot ka ng Oo Altaire... Please.

"Oo naman Honey."Sabi niya saka tumingin muli sa 'kin.

Napangiti ako kahit hindi ako lubusang masaya.

Tumango-tango naman ako.

"Salamat..."wika ko.

Lalabas na sana akong muli ng may sumagi ulit sa isip ko.

"Aalis pala ako sandali. May pupuntahan lang ako. Babalik ako before dinner."Sabi ko sa kaniya.

"Okay sige Honey."Tugon niya habang nakangiti.

Tuluyan na akong lumabas ng office niya.

Agad akong nagpunta sa kwarto para mag-palit ng damit. Kinuha ko yung isa kong bag sa cabinet. Inilipat ko lahat ng laman ng pouch ko sa bag maliban sa susi ng kotse ko dahil gagamitin ko ito.

Lumabas na ako ng condo ng hindi nag paalam dahil hinahabol ko ang oras. Naaalala ko kasing four p.m. ang start ng seminar at thirty minutes na lang ay alas-kwatro na.

Sa una ay nahirapan akong hanapin yung address dahil halos lahat ng matanungan ko ay hindi alam ang lugar na sinasabi sa address. Maya-maya pa ay may matandang lalaki na nakaupo sa isang waiting shed kaya inihinto ko ang sasakyan saka binaba ko ang bintana.

Hana Dul SetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon