Hanabel's POV
Binuksan ko yung pintuan namin para tingnan kung sino yung nag-doorbell at isang babae ang nakita ko. Magandang babae. Mahaba-haba din ang buhok. Makinis at sa unang tingin pa lang, alam mong hindi basta-bastang babae. Napansin ko ding may dala siyang folder. Mga tatlong folder dahil tatlong kulay ang nakikita kong dala-dala niya.
"Sinong kailangan nila?"Tanong ko.
Ngumiti yung babae saka ako tiningnan ako mula ulo hanggang paa saka bumalik sa pagtitig sa 'kin.
"I'm Cassandra Vilieho, Mr. Brent's new secretary. Nandito ako para dalhin sa kaniya ang mga papers na kailangan niya for his case."Tugon ng babae na nag ngangalang Cassandra.
Napaisip ako bigla. Wala namang binabanggit sa 'kin na may bago siyang secretary. Actually, hindi ko alam na may secretary siya.
"Ah g-gano'n ba? O sige, ako na ang magbibigay niyan."
Kukunin ko sana ung mga folder ng iniwas niya.
"Sinong kausap mo diya---"
Napatingin ako sa likuran ko ng marinig ko ang boses ni Altaire. Napansin kong napalunok siya nang mapansin niya itong babaeng nasa labas.
"O-oh, Ms. Cassandra. A-anong ginagawa mo dito?"Nauutal na tanong ni Altaire habang papalapit sa amin.
Napatingin naman ako kay Cassandra at nakita kong kinakawayan niya si Altaire.
"D-Doon tayo mag-usap sa office."Sabi niya kay Cassandra. "Ah Honey, pwede mo ba kaming ipagtimpla ng kape? Salamat."
Tumango-tango lang ako. Mas binuksan ko yung pintuan para din makapasok na si Cassandra.
Dumaretso agad silang dalawa sa office ni Altaire. Parang hindi naging kumportable si Altaire dahil kay Cassandra.
Ako naman, nag punta na ako sa kusina para ipagtimpla sila ng kape. Bakit kaya hindi nabanggit ni Altaire na may secretary na pala siya? Dahil kaya sa sobrang dami niyang iniisip sa trabaho kaya hindi na niya nasabi sa 'kin?
Nang matapos akong magtimpla ng kape ay agad ko itong inilagay sa mini-tray. Naglakad agad ako at inihatid ang kape sa office ni Altaire. Medyo nahirapan akong buksan dahil sa bitbit ko kaya dahan-dahan kong ipinihit ang doorknob pero naibagsak ko yung tray. Rinig na rinig ang pagbagsak ng mga tasa maging ang pagkabasag ng mga ito.
Napatingin sa 'kin sina Altaire at Cassandra. Nadatnan ko silang nag hahalikan. Nakahiga na sa mesa si Cassandra at naka-unbuttoned na ang suot niyang long sleeve na blouse kaya wala na ito sa pagkaka-tacked in sa high waist na palda niya. Wala na ding suot na t-shirt si Altaire na nakapatong kay Cassandra.
"A-Altaire... Altaire..."nanginginig kong pagtawag sa fiancé ko.
"H-honey. Mali ka ng inaakala mo."Pagmamaang-maangan niya.
"Altaire!"Sigaw ko na napapikit pa ako kasabay ang pag-patak ng aking mga luha.
Pag-mulat ko mabilis ko silang sinugod. Itinulak ko agad si Altaire kaya napahiga siya. Sinunggaban ko agad ang buhok ni Cassandra at hinila siya patayo.
"B-Bitawan mo ako!"Sigaw sa 'kin ni Cassandra. "Nasasaktan ako! Ano ba!"Dagdag niya pa.
"Nasasaktan? Gaga! Sana inisip mo yan agad kanina bago ka pa nagpunta dito sa bahay namin at lumandi! Masasaktan ka talaga!"Sigaw ko sa kaniya.
Binitawan ko ang buhok niya at ng mapatingin siya sa 'kin ay binigyan ko siya ng mag-asawang sampal na ikinahiyaw niya dahil sa sakit.
"Honey! Honey tama na! Honey!"Sigaw ni Altaire.
BINABASA MO ANG
Hana Dul Set
Tiểu Thuyết ChungAng pawis at luha ay galing sa mag-kaibang parte ng ating katawan. Pero alam mo ba ang pagkakatulad nila? Yun ay ang katunayan na sila ay lumalabas lamang kapag tayo ay PAGOD na. Pero bakit ganoon? Ilang galon pa ba ang kailangan kong ilabas na pawi...