Hanabel's POV
"Alas dose na pala."Bulong ko sa hangin.
Muli akong bumalik sa pagkakahiga matapos tumingin sa orasan. Tatlong araw na matapos kong makausap si Ms. Pring pero wala namang nangyayaring kakaiba. Hindi ko alam kung paano ko malalaman yung mga sagot. Ayoko namang sundan at matiyagan si Altaire sa labas ng bahay namin. Paano na lang kapag mahuli niya ako? Hindi ako magaling sa mga ganoong bagay.
Natawa ako ng bahagya ng may maisip ako.
"Sa pagiging tanga ka lang naman ata magaling Hana."Sabi ko habang nakatitig sa kisame.
Tahimik lamang ang paligid ng biglang mag ring ang phone ko. Kinuha ko naman ang phone ko at tiningnan muna kung sino. Si Raina pala.
"Hoy babaita!"Sigaw ni Raina sa kabilang linya kaya nailayo ko ang phone ko sa tainga ko.
"Raina relax. Hindi ako bingi."Tugon ko.
"Ay sorry naman! Pero ano babaita? Pupunta ka ba? Kasi kinukulit talaga nila ako. Tayo lang daw ang hindi pupunta kapag nag kataon sa section natin."
Ay oo nga! Yung reunion pala. Nawala na sa isip ko.
"Nako Raina. Hindi ako nakapag-paalam kay Altaire."Tugon ko.
"Girl naman! Tara na! Saka magpaalam ka na ngayon. Dali na! Ano, hahayaan mo akong mag-isa? Naka-oo na kasi ako kagabi. Dali na Girl! Huhu!"
Okay. Hayan na ang kaartehan nitong babaeng bakla na 'to. Sa tuwing ginagawa niya yan, wala na akong magagawa kun 'di ang pumayag.
"Okay fine. Pero wala akong susuotin. Hindi ako nakapag-handa. Ano ba ang theme ng party?"Tanong ko.
"Yey! Don't worry about that issue. Para saan ang pagiging designer ng best friend mo? Ako na ang bahala diyan. Puntahan mo na ako dito sa store. Dali. Gora na!"Sabi niya.
"Okay sige. Magre-ready na ako."Tugon ko sabay patay ng phone.
Haaay. Okay na yung ganito hindi ba? Kaysa naman magmukmok ako. Halos ako lang naman ang nandito sa bahay. Ayoko namang iburo ang sarili ko dito.
Tumayo na ako saka naligo. Pagkatapos ay nag-bihis. Kinuha ko yung phone ko saka tinawagan si Altaire pero hindi naman sinagot kaya naman tinext ko na lang na aalis ako at baka bukas na ako makauwi dahil after ng reunion masiyado ng gabi para umuwi kaya kina Raina na ako matutulog. Ibababa ko na sana yung phone ko ng biglang nag-vibrate ang phone ko.
Si Altaire? Kanina lang hindi niya sinasagot ang tawag ko tapos agad-agad siyang nag reply? In-open ko ang message at nag-taka ako sa reply niya.
"Okay Baby. Ingat ka. I love you?"Basa kong muli sa message niya.
Baby? Kahit kailan hindi niya akong tinawag ng Baby. Nanginig lang ako. Nagmadali akong umalis ng bahay para agad na puntahan si Raina.
---
"Girl. Ang ganda ng gown na suot-suot mo. Pero bakit kanina ka pa iyak ng iyak? Paano kita me-make up-an niyan?"Nakapamewang na tanong niya.
Nakaupo ako sa harapan niya habang siya naman ay kanina pa naiinis sa 'kin.
"Girl tinawag niya akong Baby."Sabi ko sa kaniya tapos pinunasan ko ang mga luha ko na dumadaloy sa pisngi ko.
"Oh eh anong masama do'n sa Baby aber?"Tanong niya.
"Honey ang tawagan namin. Sa three years namin. Never niya akong tinawag na Baby. Nakakapag-duda lalo hindi ba?"
Huminga lang siya ng malalim tapos kumuha ng upuan at naupo sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
Hana Dul Set
Aktuelle LiteraturAng pawis at luha ay galing sa mag-kaibang parte ng ating katawan. Pero alam mo ba ang pagkakatulad nila? Yun ay ang katunayan na sila ay lumalabas lamang kapag tayo ay PAGOD na. Pero bakit ganoon? Ilang galon pa ba ang kailangan kong ilabas na pawi...
