HDS #7

109 10 2
                                    

Hanabel's POV

"Yiie! I'm so excited! Ano na kayang itsura ni crush?"

Katatapos lang i-retouch ni Raina ang make up ko kaya naman bababa na kami.

"Teka nga, teka nga. Ako kanina pa ako ngawa ng ngawa dito sa kung anu-anong bagay tapos ikaw tuleley. Ano ba talaga? Gusto mo umuwi na lang tayo?"Pagta-taray na sabi ni Raina.

"Sorry. May iniisip lang."Nginitian ko siya.

"Haay nako. Pwede ba best friend. Kahit ngayong gabi lang, dalhin mo yang ngiti mo kasi, tingnan mo oh. Ang daming tao, lahat masaya kasi party 'to hindi lamay. Ikaw talaga. O siya, bonggahan ang ngiti at iwan ang problema sa kotse. Gets?"

Tumango-tango naman ako.

Tama siya. Party 'to at hindi lamay. Pero anong magagawa ko. parang nasa lama yang puso ko. Pinatay ni Altaire.

Pagka-baba namin agad kaming pumasok sa reunion party. Iniabot namin ang invitation letter namin sa babaeng nasa bungad ng red carpet.

"Enjoy the party Ma'am."Bungad ng babae.

"Thank you."Parehas naming tugon ni Raina.

Medyo kinakabahan ako dahil tulad ng sabi ko. Wala talaga akong ibang ka-close sa batch namin. At may isa akong babaeng ayokong nakikit---

"Oh my God! Hanabel? Is that you na?"

Haaay, speaking of.

"Oh hi! Yeah. How are you?"Tugon ko saka nakaramdam ako ng sumusundot-sundot sa tagiliran ko.

"Plastic mode on?"Bulong ni Raina saka humagikgik ng bahagya.

"I'm totally fine!"sabi niya saka nag chest out at parang ini-wiggle wiggle ang boobs niya.

Siya si Danica. Simula ng makilala ko siya, hindi na talaga palagay ang loob ko sa kaniya dahil sa iba siya. Ibig kong sabihin e, gustong gusto niya na bawat lalaking makakasalubong niya ay dapat susunod sa kaniya. Kaya ayun, medyo ilag ako sa kaniya noon hanggang sa ngayon.

"It's nice to see you again."

Pinilit-pilit ko talaga ngumiti kahit mahirap.

"Maganda ba ang bagong gawang dibdib ko? Alam mo kasi ang mga lalaki, ito talaga ang mga gusto nila."Bahagyang lumapit sa 'min at bumulong. "Sinadya ko talagang ipagawa 'to para sa reunion natin. Alam niyo na, gusto ko kapag nakita ako ni Sethric, mahuhumaling na siya sa pag kakataong ito."Lumayo muli siya at para bang kinikilig. "So paano, see you around?"Dagdag niya saka umalis sa harapan namin.

"Hindi pa rin siya nagbabago."Wika ko.

"Oo nga. At mas tumindi ang kalandiang taglay."

Nag tinginan kami ni Raina saka nag tawanan.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at humanap ng bakanteng mesa. At dahil sa late na kami, sobra ng maingay dito. Marami na ang nagsa-sayawan sa dance floor. May mga waiter at waitress na nagiikot at may hawak-hawak na small tray na may mga alcoholic beverages.

"Oh, dito na tayo."Sabi ni Raina sabay hatak sa 'kin.

Buti na lang at may mesa pang bakante. Maliit na mesa lang naman na pang-tatluhan ang nakita namin.

"So ano ng plano?"Tanong ko pagka-upo namin.

"Hmm, humanap ng Papa na aakitin para mag-enjoy ngayong gabi."Excited na wika ni Raina kaya naman na-hampas ko siya sa braso.

Biglang sumagi na naman sa isip ko ang nasaksihan ko sa bahay namin.

"Joke lang 'te! Okay? Itsura mo na naman."

Hana Dul SetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon