Day 3

26.3K 982 932
                                    

2:05 AM

Hindi Lex? Eh ano?

Alex?

Ran?

A.R?

Ako naman simpleng Arisa lang. Minsan cute tawag sakin kasi ang cute ko raw.

Ahahaha

2:10 AM

Ah Exis pala tawag sayo. Nabasa ko sa mga comments sayo ng friends mo.

Hindi kita ini-stalk ah. Research lang 😁😁

Seen, 2:45 AM

2:47 AM

Alexis Ran: Sino sa mga kaibigan ko nag-utos sayong gawin to?

Alin?

Alexis Ran: Ang kunsumihin ako.

Wala ah! Wala akong kilala sa friends mo.

Wrong account nga, duh.

Alexis Ran: Is this a dare? A game?

Ay kulit. Akala ko nga ikaw 'yong ex-bf ko. Nakainom ako nun kaya naduling siguro.

Alexis Ran: Are you a fan?

Alexis Ran: A stalker?

Ay iba ka. Ahahahahahaa fan? Stalker? Grabidad.

Pogi mo eh.

Oo nga, pogi ka, pero excuse me!! Hindi kita fan!

I mean, hindi mo ako fan!

At lalong hindi ako stalker. Argh! Itong cute kong 'to?!

Seen, 2:53 AM

Tas dinadaan mo ako sa seen.

Haynako Exis.

May gagawin lang ako. BRB.

Seen, 2:55 AM

4:04 AM

Natapos din.

Tulog ka na siguro.

Ako rin patulog na.

Goodnight, Exis.

Seen, 4:06 AM

Gising ka pa?!

O kagigising lang?

Alexis Ran: Akala ko ba matutulog ka na?

Eh baka kailangan mo ako, baka kailangan mo ng kausap 😊

Alexis Ran: I don't need you.

Ahahahaha I know.

Sanay na ako. Ako lang naman ang needy. Kaya ka nga nagsawa.

Never Ever After (Ekis Babies #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon