4:35 AM
😢😢😢😢😢
May meet and greet ako next week with my readers. Hindi naman 'to first time pero kinakabahan pa rin ako 😱😱😱
Alam mo ba, in real life, medyo shy-type ako.
Seen, 4:39 AM
Alexis Ran: Really huh?
Oo nga!!
Saka bakit ba gising ka na?! Diba 5:30 gising mo?
Alexis Ran: Kasalanan mo.
Ha?! Bakit ako?! 😡
Alexis Ran: Ano na?
Hmp!
Ayon. Sa totoo lang, minsan nahihiya akong kausapin mga readers ko. Baka kasi isipin feeling close ako or sipsip. Pero mahilig talaga akong makipag-usap saka makipag-asaran.
Minsan nga, kapag sinasabi nilang gusto nila mga gawa ko, "Thank you" lang nasasabi ko kasi speechless ako. Pero slowly, nagiging open ako sa kanila.
Pero nandun pa rin 'yung kaba.
Pero shy-type talaga ako 😳😳😳
Alexis Ran: Hindi kapani-paniwala.
Leche ka!
Ahahahahahaha
Friday na ngayon! Excited ako.
For tomorrow.
Sana hindi lang puro chismisan gawin namin.
Alam mo ba kasi, kapag nagkikita-kita kami nung mga writer friends ko, mas marami pa kaming chismis na napag-uusapan kaysa sa nagawang plot.
Alexis Ran: Chismosa ka kasi.
Hindi nga!! Research 'yon!
Stalking=Research
Gossiping=Research
Alexis Ran: Mga palusot mo.
Ikr. Ahahahahha
Nagugutom na ako Exis 😭😭😭
Tagal magising ni Mama. Huhu
Alexis Ran: Hindi ka ba marunong magluto?
😪😪😪😪😪
Hindi ako marunong magbukas ng kalan na ginagamitan pa ng posporo! Marunong ako nung di pihit lang.
Huhuhuhu
Sabi nga ni Mama, pano raw kapag nag-asawa ako.
Sabi ko maghahanap ako ng mayaman para kukuha ng katulong. O kaya yung marunong magluto 😏😏😏
Compatible naman diba?
Ako= Mahilig kumain
Future Partner= Mahilig magluto
BINABASA MO ANG
Never Ever After (Ekis Babies #1)
RomanceMerry Arisa Salonga had told herself that she had moved on already. But one drunken night, she found herself chatting her ex-boyfriend-Alexis Remus. It was stupid of her but she was drunk, okay? But what was more stupid was... she drunk-messaged the...