2:56 AM
Ano yan ha Ekis?!
Paki-translate!
Baka mamaya minumura o sinusumpa mo na ako wala pa akong kaalam-alam!
Alam mo ba may alam din akong code! 'Yong binary. Hoho ginamit ko kasi sa novel ko. Turuan mo nga ako niyang sayo. Baka magamit ko rin. Plith 😊
4:03 AM
Haynako nahihirapan ako sa sinusulat ko. Huhuhu feeling ko wala na akong romantic bone sa katawan. Hindi ko maramdaman 'yong kilig sa sinusulat ko.
😞😞😞
Ekis!
Notice me~!
Hay. Pero kinikilig ako! Kasi 'yong binabasa ko talagang nakakakilig naman. Huhu
Kaya nga hindi ako makapagsulat siguro ng maayos kasi nagbabasa ako.
Sa mga shoujo manga, bakit kaya mas nakaka-in love minsan ang second lead? Kahit sa mga Jdoramas or Kdoramas, mas malakas minsan ang appeal ng mga second lead.
Tapos masasaktan sila. Hindi pipiliin. Iiwan. Saklap.
Ako na lang, ako na lang ang piliin nila.
Gusto kong magka-harem. Puro guwapo at hot na lalaki. What. Is. Life.
Teka bakit ko ba sayo to sinasabi, kj ka nga pala.
Wala bang delete button dito?
😱😱😱😱😱
Nevermind.
Tulog na tulog ka!!!
Huhu
Sweetdreams!
Seen, 5:05 AM
5:06 AM
Alexis Ran: Kung ano-ano naiisip mo.
Ahahaha ano ka ba! Hindi lang ako nakakaisip nito.
Kapag nanonood ako ng anime, ini-imagine kong may harem ako.
Gray. Laxus. Kakashi. Sasuke. Gaara. Naru. Len. Kyouya. Lantis. Kyo. Ren. Usui. Kei. Okita. Too many to mention. Omg.
Life.
Alexis Ran: Weirdo.
Hindi yan kawirduhan! Tanungin mo pa ibang babae, ganyan din naiisip nila!
Teka, ano bang date ngayon?
Alexis Ran: March 8.
Omg!!
Magkikita pala kami ngayon ni Jemarie! Shet. Huhu di pa ko natutulog. Bangag na naman ako nito mamaya.
Worse, ma-late ako!
Alexis Ran: Parang wala namang bago.
Ay grabe ka talaga 😡
Alexis Ran: Matulog ka na.
BINABASA MO ANG
Never Ever After (Ekis Babies #1)
RomanceMerry Arisa Salonga had told herself that she had moved on already. But one drunken night, she found herself chatting her ex-boyfriend-Alexis Remus. It was stupid of her but she was drunk, okay? But what was more stupid was... she drunk-messaged the...