Day 4

22.2K 859 696
                                    

4:30 PM

Alam mo ba ginawa ko simula kaninang umaga?

Syempre hindi. Di naman tayo magkasama eh 😏

Ayon. Ang saya ng Valentine ko. Natulog lang ako simula kanina. Kagigising ko lang. Ahahaha

Nagising pala ako ng around 1pm para kumain ng lunch then tulog ulit. Tapos ginising ako ni mama ngayon-ngayon lang.

May uwing cake si mama saka ice cream. Favorite flavor ko. White coffee ❤️

Ay

Happy Valentine's Day pala! ❤️

Teka Grammar Nazi ka ba? Tama ba sinabi ko? Valentine's Day? O Valentines Day? Shet.

Alexis Ran: I don't care.

Suplado nito.

Wala kang date no?

Ahahahahhaahha

Seen, 4:35 PM

Baka nagtampo ka na.

Anyway

May chika ako sayo.

Alexis Ran: Wala akong pake.

Akala mo lang wala pero meron! Meron! Meron!

So mabalik tayo sakin.

Nag-check ako ng messages sa isa kong facebook account. Hindi mo kasi naitatanong, dalawa account ko. Ito saka 'yong isa, so dalawa.

Alexis Ran: What?

Ahahahaha

Balik tayo sa messages. May nag-PM sakin. Fan ko raw. Ako naman syempre tuwang-tuwa. Ang gaan sa feeling na gusto niya 'yong mga gawa ko.

Nag-reply ako sabi ko "thank you po!"

Then nag-reply ulit siya, na niregaluhan daw siya ng boyfriend niya ng nobela ko.

5:00 PM

Syempre natuwa ako. Sales 'yun eh. Mabait na boyfriend 👍

Tapos sabi nung girl, teka copy-paste ko rito.

5:05 PM

"I like your novels po kahit pansin ko na yung mga lalaking namamatay sa huling dalawang novels mo ang pangalan ay Lex. Name kasi ng boyfriend ko ay Lex. It's kinda funny to read. Haha."

Seen, 5:07 PM

Coincidence no? Since na-curious ako, pinuntahan ko account nung girl. Hindi kasi picture niya DP niya so di ko makita mukha niya.

Ayon.

Siya pala current gf ni Lex.

Ahahahahahah

Tangina.

Ahahahahahhaha ang funny no?

Alexis Ran: Not really.

Never Ever After (Ekis Babies #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon