Day 37

15.5K 793 462
                                    

9:23 AM

Good morning! Sarap ng tulog ko. Lasang marshmallow. Ahahaha!

Kain tayong breakfast! Fried chicken ulam ko. Di na ganun ka-crispy balat kasi kanina pa 'to naluto ni Mama 😞

Speaking of chicken, may ranking ako ng chicken na gusto ko.

1. Bonchon - dati hindi ko gusto lasa pero nagustuhan ko na! Dahil hindi ako kumakain ng gravy, bet na bet ko sa Bonchon kasi sobrang malasa ang balat so hindi na kailangang isawsaw.

2. KFC - hindi tuyo 'yung loob saka gusto ko 'yung balat. Mamantika. Ahahaha

3. Jollibee - well, crispy kasi. Hindi ako kumakain ng gravy or ketchup so kapag kumakain ako ng chicken joy, sinasawsaw ko sa spaghetti. Ahahahaha!

Okay din sa Mang Inasal. Nung nasa PUP ako, minsan sa Mang Inasal kami nagla-lunch. Alam mo bang nakaka-anim na extra rice ako? Kapag wala akong gana, nakaka-tatlo lang ako.

Seen, 10:34 AM

10:35 AM

Alexis Ran: Wala ka pang gana nang lagay na 'yon?

Oo. Ahahahaha ang takaw ko nga raw pero hindi ako tumataba 😏

Alexis Ran: Bakit sa Vikings konti lang nakain mo.

Nahihiya kaya ako! Ahahahahah baka isipin ng family mo ang takaw-takaw ko 😱

Kahit totoo naman. Ahahaha!

Alexis Ran: Hmm.

Saka nakaka-conscious kayo duh. Feeling ko lahat ng tao nakatingin sa table niyo.

Kapag ba magkakasama kayong magkakapatid, ganun talaga?

Para kayong galing sa Mt. Olympus na bumaba sa lupa para bisitahin kaming mga mortal.

Naks! Compliment yan. Ahahahahaha

Alexis Ran: Bwisit ka.

Ikaw na nga pinupuri dyan 😝😜

Prom pala mamaya ng pamangkin ko. Hanggang ngayon wala pa siyang gown kaya hahanap kami mamaya ng rental.

Kapag kasi bumili pa kami, sayang. Magastos eh isang beses lang gagamitin. Saka last year din kasi bumili na kami.

Ikaw ba nag-prom ka?

Alexis Ran: Yeah. Required e.

So kung hindi, hindi ka a-attend?

Alexis Ran: Yes.

Whyyyy?!

Alexis Ran: Not my thing.

Wehhh.

Naalala ko, prom namin nung high school, third year ako. Sabi nung teacher namin, ang partners sa walk, by height na lang. Hindi ko na maalala kung sino dapat partner ko.

Last minute, binago. Kung sino na raw gustong partner, bahala na. Maghanap na ng partner ganern.

Di ba may isang religion na bawal uma-attend sa ganyan? May kaklase ako na ganon ang religion so kapag may practice, nakikinood lang siya.

Never Ever After (Ekis Babies #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon